Chapter 45: The New Guy

53 2 3
                                    

Olivia's P.O.V

Habang nasa loob ako ng sasakyan,hindi ko maiwasan ang hindi maluha dahil sa mga sinabi ni Angela kanina sa hardin. After all these years,hindi niya pa rin ako nakakalimutan. Kanina habang kausap ko siya,tila ba may nag uudyok sa akin na sabihin sa kanya ang totoo na ako talaga si Robbie pero gaya ng ng sinabi ni Mama,Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para malaman nila Angela ang totoo tungkol sa kung sino talaga ako.

Nang makarating ako sa Mansion,Naisip ko na Ituloy ang Nobelang aking sinusulat. Sa bawat letrang aking idinadagdag,sa bawat salitang aking inilalagay ang katumbas ay ang lungkot na nararamdaman ko noong mga panahong nagtatago pa ako sa pagkatao ni Robbie. Dito ko naisip na sa likod ng bawat sakit at dalamhati ay may nagtatagong inspirasyon.

Angela's P.O.V

Habang nagtitiklop ako ng mga damit ko,Hindi maalis sa isip ko ang kakaibang koneksyonng nararamdaman ko kay Olivia. Hindi ko maipaliwanag pero parang magaan at malapit ang loob ko sa kanya na para bang may matagal na kaming magkakilala. Hindi ko maintindihan bakit ko nararamdaman ang tinatawag nilang lukso ng dugo ngayong hindi naman kami magkaano ano.
Isinantabi ko muna ang pagtitiklop ng mga damit at palihim kong binuksan ang cabinet ko kung saan nakalagay ang mga larawan namin noon ni Robbie na tinago ko mula kayla Lolo.
Dahan dahan kong binuklat ang bawat pahina ng album.
Sa bawat ngiti niya,Naalala ko lahat ng pagkakataong tumatawa kami sa hardin.Naglalaro habang nagmemeryenda kami kapag alas tres n ng hapon
Binunot ko ang Graduation picture niya habang unti unting tumutulo ang luha sa aking mukha.
Hindi ko namalayan na nakatingin pala sa akin si Tita Gina habang siya ay nakatayo sa Pinto. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mata at tumalikod.

"Tita,Andyan po pala kayo."
Sabi ko.Medyo barado pa ang ilong ko dahil sa aking pag iyak.
Naramdaman ko na bahagyang lumangitngit ang upuan na gawa sa kahoy dahil sa pag upo ni Tita Gina.Kinuha niya ang Litrato ni Robbie na nahulog sa sahig.Tinitigan niya ito habang siya ay nakangiti.

"Ang Gwapo ni Robbie dito,no?"
Hindi na ako nakapag tiis,Humarap ako kay tita at yumakap habang patuloy ang pagluha ng aking mga mata.

"Tita,Miss na Miss ko na po si Robbie.Kanina hindi ko po alam pero habang kausap ko si Olivia kanina para bang malapit lang si Robbie sa akin."
Hinimas ni Tita ang aking likuran.sa pagyakap ko ramdam ang pagtibok ng kanyang puso.

"Nak,Alam mo sigurado ako na magkikita din tayo ni Robbie Isang araw.Mabubuo din tayo ulit bilang isang pamilya.Sigurado ako diyan"

"Kailan pa po? Halos sampung taon na po ang lumipas mula noong mahiwalay tayo sa kanya. Sa totoo lang po unti unti na po akong nauubusan ng pag asa na makikita pa natin siya." Niyakap ako ni Tita Gina.

"Isang Araw,Angela. Isang Araw."

Third Person P.O.V

Naghanda sila Marlo at Joseph upang pumasok sa kanilang trabaho sa kanilang Mall.Amoy mula sa Kwarto ni Marlo ang mabangong amoy ng Adobo na niluluto ng kanyang ina.
Agad silang bumabang magkapatid at nadatnan niya ang kanilang ina na naghahain sa mesa habang nagtitimpla naman ng inumin ang kanilang kasambahay.

"Gising na pala ang mga prinsipe ko.Tara mga anak,Kain tayo" sambit niya ng may ngiti sa kanyang mukha.

Lumapit silang dalawa at binigyan nila halik ang kanilang ina bilang sukli sa masarap na almusal na kanyang hinanda.
Naupo si Melody sa bandang gitna ng dalawa niyang anak.
"Mga Anak,Mag breakfast na kayo dahil marami pa kayong gagawin sa mall kasi I heard na gagamitin ang mall natin para sa Isang Runaway Fashion show."

Humigop si Joseph sa kanyang kape

"Yes,Mom.Nag Request kami sa Event coordinator about sa magiging flow ng program so alam namin ni Marlo ang gagawin."

The Journey of a TranswomanWhere stories live. Discover now