KUTOB #01 : 'Di makatulog

34 2 1
                                    


Gabi.


Nakahiga sa kama.


'Di makatulog.


Sobrang init.


Tumatagaktak na mga pawis.


Hindi ko talaga makuha tulog ko, mahigit dalawang oras nang dilat mga mata ko. Badtrip.


Sa sobrang hirap kunin ng tulog ko, bumangon na lang ako para kunin ang laptop, pampatay oras.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa sala para kunin yung laptop and ayun, nakita ko sya nakapatong sa sofa. 


Mag-isa lang ako sa kwarto ngayon.

  

Bumalik na ko sa kama na bitbit ang laptop, nagmadali akong umupo sa kama, pag-upo ko, napansin ko na parang biglang tumigas ang kama ko.  Para bang may matigas na something sa ilalim ng kama. Malambot naman 'to kanina. 


Dinedma ko na lang. Nagsimula na ko manood ng BoJack Horseman sa Netflix. Nang nababad na ko sa panonood ay biglang umuga yung kama. May kumakalabog sa ilalim ng kama! 


Nanlaki talaga ang dalawang mata ko. Huminga ako nang malalim. Nagtatalo ngayon ang isip ko kung sisilipin ko ba kung ano yung nasa ilalim ng kama ko o tatakbo na ko palabas ng kwarto. And yes, wala nang patumpik-tumpik, tumakbo na ko kaagad palabas ng kwarto, hindi ko na itataya ang buhay ko para sumilip kung ano man nasa ilalim ng kama ko.


Dire-diretso ako lumabas ng bahay at agad ko pinuntahan ang bahay ni tito. Buti na lang katabing-bahay lang namin sila. Sinabi ko sa kanya ang nangyari, na may kumakalabog sa ilalim ng kama ko. Nung una hindi siya naniniwala, akala nya nagjo-joke lang ako pero nabasa na nya ang takot sa mukha ko.


Sinamahan nya ko pabalik sa bahay, dahan-dahan kami pumasok sa loob ng kwarto ko, tinuro ko kay tito ang ilalim ng kama. Tumango siya. Handa na niya itong silipin.


Lumapit siya sa kama at dahan-dahang yumuko para silipin ang ilalim. Nakita ko ang tapang sa mukha ni tito. Habang tumatagal na nakatingin siya sa ilalim ng kama ay nakikita ko na unit-unti nang nanlalaki ang mga mata niya. Bigla siyang napaatras. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya at ang kaninang tapang niya ay napalitan na ng takot. 

Tumingin si tito sakin nang maigi, tumingin lang din ako sa kanya, tinanong ko kung ano yung nakita nya, hindi sya makapagsalita, hinahabol niya ang hininga nya. Nang bigla niya akong sinigawan ng:

"'Wag kang lalapit sakin!"

Nagtaka ako. Kumaripas ng takbo si tito papalabas ng kwarto, takot na takot, tagaktak ang pawis.

Iniwan niya ako mag-isa.


Iniwan nya ako mag-isa.

Kutob: Book 1 [HORROR SHORT STORIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon