KUTOB #6: End

3 0 0
                                    


Siguro masaya na ko sa buhay ko, nakatulong naman na ako sa mga nangangailangan dito sa mundo, of course may mga nakaaway ako na di pa rin ako napapatawad sa mga kagaguhan ko noon. 


Ang galing lang kasi, kung ano ang tingin nila sa atin noon, ganun pa rin tingin nila sa atin ngayon kahit sobrang dami na ang nagbago sa pagkatao mo, alam nyo yung ganong feels?


Kaya sa mga tao na may galit pa rin sakin kahit na ilang beses na ko humingi ng sorry sa inyo, mga PAKSHET KAYOOOOO!!!!!


Anyway, san na ba ko? 


Aahhh dito sa part na sinasabi ko na naging worth it naman yung buhay ko and I think I'm ready to go na, or hindi pa?


Basta last month ko pa nararamdaman 'to, matagal ko na rin pinag-isipan. Mahal ko mga tao sa paligid ko, mahal ko pamilya ko, mga kaibigan ko, well wala naman ako jowa. 


Itatali ko na ba 'to?


Isasabit sa kisame namin?


Magsusulat na ba ko ng mga letters sa mga maiiwan?


Bahala na, ramdam ko na hanggang dito na lang ako........


"HOY GISIIING!!!!!! GISIIINGG!!!! GUMISING KAAAAA!!!!!"


May malakas na sampal akong naramdaman, dumilat ako at nakita ko ang kapatid ko, nakatayo sa harap ko.


Umiiyak.


Nagising ang diwa ko at nakita ko na may hawak akong makapal na lubid, kinuha nya sakin yon.


"Anong ginagawa ko dito?", tanong ko sa sarili.


Napatingin ako sa orasan, alas tres ng madaling araw.


Niyakap ako ng kapatid ko at bumulong.


"Magdasal ka."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kutob: Book 1 [HORROR SHORT STORIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon