KUTOB #03: BulonG

9 0 1
                                    


BANG!


Nagising ako mula sa pagkatulog nang makarinig ako ng malakas na putok ng baril sa labas ng kwarto ko. Nakahiga pa rin ako. Pinunasan ko mga muta ko. 

Madilim ang buong kwarto ko dahil lagi kong pinapatay ang ilaw 'pag gabi. Dahan-dahan akong tumayo sa kama ko at tahimik na naglakad para buksan ang pintuan ng kwarto ko.


BANG! BANG!


Napahinto ako dahil nasundan pa ng dalawang putok ng baril, nangatog ang buong katawan ko. Alam kong di na maganda ang nangyayari. 


Naisip ko na di ko na dapat buksan ang pinto ng kwarto ko kaya ini-lock ko na kaagad ang pinto. Nang biglang may narinig akong padyak ng paa sa labas ng kwarto ko. May naglalakad sa labas.


Pinipilit kong 'wag gumawa ng kahit na anong ingay. Naririnig ko na ang lakas ng kabog ng dibdib ko, tumutulo na mga pawis ko sa sobrang kaba. 


Alam kong may tao na nakaabang sa labas ng kwarto ko! Agad kong kinuha ang phone ko at pumunta sa pinakasulok ng kwarto para di ako marinig ng tao sa labas.  


Nang nasa sulok na ko, nakita ko ang oras sa phone, 3:36 AM ng madaling araw, nag-dial na kaagad ako para humingi ng tulong sa mga pulis. Wala pa rin sumasagot! Kinakabahan na ako!

Narinig ko sa pintuan ng kwarto ko na may pumipihit ng doorknob mula sa labas, pilit na pinapasok ang kwarto ko. Iniikot-ikot nito yung door knob buti na lang at naka-lock na ito. Maya-maya pa ay hinahampas na nito ang pinto. Nataranta ako! Kinakalabog na ang pinto ng kwarto ko.


Nang may narinig akong nagsalita sa kabilang linya ng phone ko, umiiyak na ko sa takot. Alam kong pulis na ang kausap ko, agad na ako humingi ng tulong, sinabi ko na may pilit pumapasok sa loob ng kwarto ko at may hawak na baril. Sinabi ko kaagad ang address ng bahay ko at sinabi nila na 5 min bago sila makarating sa bahay,  manatili lang daw ako sa ligtas na lugar.


Tuloy-tuloy na kumakalabog ang pinto ng kwarto ko, naririnig ko na nasisira na ito, kailangan ko nang magtago pero hindi ko alam kung saan, isa lang ang pintuan ng kwarto ko.


Unti-unti nang nasisira ang pinto ng kwarto ko, palakas na nang palakas ang pagkalabog nito, narinig ko na binabaklas na nito ang doorknob ng pinto. Umiiyak na ko sa takot. 

BANG! BANG! BANG! BANG!


Narinig ko na nasira na ang doorknob sa labas ang pinto! Nanlaki ang mata ko sa takot. Nasa sulok pa rin ako ng madilim na kwarto ko, nanginginig, di makagalaw. 


Tahimik ang paligid.


Hagulgol ko na lang ang naririnig ko.


Maya-maya pa ay may bumukas na ng pinto. Nakita ko ang isang lalaki, malaki ang katawan, may hawak ng baril, dahil madilim ang kwarto ko ay di nya ko nakikita sa gilid ng kwarto.


Tumigil ako sa pag-iyak, kumakabog na nang mabilis ang tibok ng puso ko, di ko na alam ang gagawin ko. 


Nakatayo lang ang lalaki sa pintuan ng kwarto ko, nakita ko na ikinasa na niya ang hawak niyang baril. Kinuha niya ang flashlight sa bulsa nya sa at binuksan ito. Inikot-ikot ang liwanag sa loob ng madilim kong kwarto. 


Hanggang sa nakita niya ako na nakaupo sa sulok. Natulala ako sa takot. Tinitigan niya ako sa mata. Ngumiti. 


Habang nakatutok ang liwanag ng flashlight sa akin ay nakikita ko na unti-unti na niyang tinututok ang hawak niyang baril sa akin. Nagsimula na akong maghabol ng hininga sa sobrang takot na nararamdaman ko ngayon.  


Napasigaw ako. 


BANG! 


Napatigil ako sa pagsigaw nang naramdaman ko ang bala ng baril na bumaon sa noo ko. Damang-dama ko ang mga tumatagas na mga dugo. Napahiga ako sa sahig. 


Binuksan ng lalaki ang ilaw ng kwarto ko, lumiwanag na ang buong kwarto, habang nakahiga ako sa sahig ay nakita ko na nakadamit ng uniporme ang lalaki, isa itong pulis. Nililibot nito ang buong kwarto ko na para bang may hinahanap. Hanggang sa tuluyan na 'kong mawalan ng hininga at namatay ng dilat ang mata.


Pagsikat ng umaga......


Nagising ako mula sa pagkakatulog, panaginip lang pala. Gabi-gabi na lang akong nananaginip, di na talaga maganda 'to. Bumangon ako sa kama at humarap sa salamin, nakita ko sa salamin ang nagbabakbak kong labi, malalaki kong eyebags, mapayat kong katawan at naglalagas na manipis kong mga buhok. 

Bumalik na ako sa kama, sa tabi ng kama ko nakapwesto ang maliit kong drawer na niregalo ni mama, sa ibabaw nito, nakapatong ang puting pulbura na hinihithit ko gabi-gabi, may natira pa pala. 


Grabe. Ibang saya ang dulot nito sa'kin.



Kutob: Book 1 [HORROR SHORT STORIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon