Matagal nang hinahangaan ni Steven ang isang mataas na building sa Makati, lagi niya itong dinadaanan kapag umuuwi galing sa work. 'Pag nadadaan siya dito ay pinagmamasdan niya lang ang mga magagandang ilaw sa building na ito, kumikinang ang mga ilaw sa gabi, gumagaan ang pakiramdam niya 'pag nakikita niya ang Trident Tower 28-story office building sa Makati.
Isang buwan na siyang bumabalik-balik dito tuwing gabi, pinagmamadan lang ang gandang taglay nito. Titingnan niya ito mula 1st floor hanggang 28th floor at mapapangiti. Naisipan niya itong pasukin at akyatin ngunit napangihinaan siya ng loob.
Umuwi na siya sa kanila at hindi siya mapakali, gusto pa niya bumalik sa building at pagmasdan ang ganda nito. Kaya naisip niya na bumalik. Sumakay siya sa kotse niya at nagmaneho papuntang Makati.
Habang nagmamaneho ay napapangiti siya sa pagkasabik na nararamdaman niyang makita uli ang building na iyon, habang tumatagal ay napalitan ito ng lungkot, may lumabas ng mga luha sa mga mata niya.
Nakarating na siya sa Trident Tower, pinagmasdan niya muli ito mula unang palapag hanggang sa pinakataas ng gusali at naglakas loob nang pasukin ito, pagpasok niya sa loob ay sumakay na siya sa elevator hanggang sa marating ang pinakatuktok nito.
Nang makarating siya sa tuktok, pinagmasdan ni Steven ang ganda ng tanawin at damang-dama niya ang lamig ng hangin ngayong gabi. Nakikita na niya ang iba pang malalaking gusali at mga sasakyan sa ibaba. Napangiti siya sa tuwa. Maya-maya pa ay napalitan na ito ng lungkot. Unti-unti nang tumutulo ang mga luha sa mata ni Steven. Huminga siya nang malalim. Pinunasan ang mga luha. Sabay talon.
BINABASA MO ANG
Kutob: Book 1 [HORROR SHORT STORIES]
HorrorSamu't-saring kwento ng katatakutan, orihinal na mga kwentong nakaka-WTF! Sabay-sabay tayong kilabutan, magulat at masindak sa mga kwentong nakakabaliw ng KUTOB!