Ako si Wendy. Mahal na mahal ko si mama. Hindi ako nagagalit kay mama. Hindi ko kayang saktan si mama. Lab na lab ko ang color blue. Gusto ko masaya si mama.
Ako po si Wendy. 9 yrs. old.
Mahilig po ako sa color blue. Binibilhan ako ni mama palagi ng mga coloring books tapos lahat ng drawing don kinukulayan ko ng color blue.
Color blue lang.
Color blue lang.
Color blue lang.
Gusto ko color blue lang.
Lagi po ako pinapagalitan ni mama kasi puro blue lang ginagamit kong kulay. Kapag nakikita nya ko na kukunin ko na yung krayola na blue eh bigla na lang niya ko papaluin sa kamay, Aruy!
Hindi ako umiiyak kasi mahal na mahal ko si mama.
Sobrang mahal!
Kapag sinisigawan niya ko, hina-hug ko sya agad kasi ayoko nagagalit sya, ayaw ko na sisigaw si mama.
Kahapon binilhan ako ni mama ng bagong coloring book, nakangiti sya nung binigay niya sakin yon, ang ganda nung coloring book, puro princess sa mga fairytales, ang saya! dami kong kukulayan!
Niyakap ko kaagad si mama kasi ang saya saya ko.
Niyakap din ako ni mama kasi love na love nya ko.
Kinuha nya sa tabi nya yung maliit na bag na naglalaman ng mga krayola, inabot nya sakin yon, dahil love ko ang color blue ayun agad yung hinanap ko. 'Di ko makita yung blue.
Nakatingin lang sakin si mama, nakangiti sya.
Yellow. Orange. Red. Pink. Green. Violet. Puro yan lang na mga krayola nakikita ko.
Nakatitig lang si mama sakin, nakangiti pa rin. Nag-stop na ko sa paghahanap. Naiiyak na ko kasi di ko makita yung color blue.
"Asan yung color blue ma?"
"Asan yung color blue ma?!"
"Asan yung color blue ma?!!!!!"
**********
Ako si Linda, 43 years old. Wala akong ibang hangarin kundi mapasaya lang ang nag-iisa kong anak.
Si Wendy.
Hilig na niya ang pagkukulay ng mga coloring books kaya pinipilit ko na araw-araw ko siya bilhan dahil ito lang nagpapasaya sa kanya. Napapansin ko na color blue lang ang ginagamit niyang kulay. Hindi na niya pinapansin ang ibang mga kulay, tinatapon nya sa basurahan yung iba o di kaya ikinakalat na lang kung saan-saan.
Gusto ko na matutunan niya na gamitin niya rin ang ibang kulay. Hindi lang puro asul.
Kahapon, binilhan ko siya ng coloring book ng mga disney princesses, tuwang-tuwa siya nang makita nya ito, syempre bilang Ina masaya ako na nakikita kong masaya si Wendy na masaya. Pagkatapos ko iabot ang coloring book sa kanya, inabot ko naman ang mga krayola, sinadya ko talaga na tanggalin ang lahat ng krayolang blue para mapilitan siyang gumamit ng ibang kulay.
Nagulat ako dahil sabik na sabik niyang hanapin ang kulay asul. Nakikita ko na namumula na ang mukha niya dahil hindi niya makita ang kulay na gusto niya. Tinitingnan ko lang sya.
Bumulong siya.
"Asan yung color blue ma? "
Sumagot ako. "Hindi ko alam bakit walang blue dyan, gamitin mo na muna yung ibang krayola na meron dyan Wendy."
Tiningnan ako ng anak ko sa mata. Galit.
"Asan yung color blue ma?!"
Lumalakas na ang boses ng anak ko.
"Asan yung color blue ma?!!!!"
Sinisigawan na ko ng anak ko. Hindi ko alam anong meron sa color blue bakit gustong-gusto niya gamitin yon.
"ASAN YUNG COLOR BLUE MA!!!!!!"
Nabingi ako sa sigaw ni Wendy, napatakip ako sa tenga at napayuko sa sobrang lakas. Nagulat ako sa impact ng sigaw niya, hindi ito normal na sigaw!
Pagtanggal ko ng kamay ko sa tenga ko ay napansin ko na may tumutulo ng dugo sa tenga ko nasundan nang pagtulo ng dugo sa ilong ko.
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa anak ko. Umatras ako papalayo sa kanya.
"ASAAAAN YUNG COLOOOR BLUEEEE MAAAAA!!!!!!!"
Tuloy-tuloy pa din siya na sumisigaw. Nagdudugo na ang tenga ko sa sobrang lakas. Sinubukan ko siyang sawayin pero di niya ko pinakikinggan.
Paulit-ulit niya lang sinasabi ang linyang yon at habang tumatagal ay palakas na nang palakas na nang palakas. Nakita ko na nabasag na ang salamin namin sa sala. Hindi ko alam anong nangyayari kay Wendy. Nabasag na rin ang mga flower vase at mga ilaw sa kisame. Hindi ko na makontrol ang anak ko, para bang may demonyong sumasapi sa kanya, umiiyak na ako sa sobrang takot.
Hindi ako makagalaw at makapag-isip sa sobrang lakas ng boses ni Wendy. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagsigaw, unti-unti nang dumidilim ang paningin ko hanggang sa.....bumagsak na ako sa sahig at nawalan ng malay.
Makalipas ang tatlong oras
Dumilat ako.
Nakita ko na nakatali na ang katawan ko sa isang upuan. Makapal ang lubid na nakatali sa katawan ko, sinubukan kong pumiglas pero di ko magawa.
"Wendy?!", pinipiglas ko ang lubid na nakatali sakin.
********
Ako si Wendy, mahal na mahal ko si mama. Hindi ako nagagalit kay mama. Hindi ko kayang saktan si mama. Lab na lab ko ang color blue. Gusto ko masaya si mama.
Nakikita ko si mama ngayon na nakatali sa upuan, tinatawag ni mama yung pangalan ko.
Gusto ko malaman ni mama na masaya ang color blue, di ko alam bakit ayaw nya ng color blue kaya naman ipapainom ko sa kanya 'tong malaking garapon ng pintura na hawak ko. Alam niyo ba kung anong kulay? Siyempre color blue! Excited na ko sa magiging reaksyon ni mama 'pag natikman niya 'to.
********
Bilang ina, hindi ko alam anong pagkukulang ko.
Hindi pa rin ako makaalis sa lubid na nakatali sa katawan ko.
"Wendy!", nakita ko ang anak ko na naglalakad papunta sakin, "Pakawalan mo ko dito 'nak, parang-awa mo na."
Umiiyak na ko sa takot, hindi ko alam anong nangyayari kay Wendy. Nakangiti siyang naglalakad papunta sakin, may hawak na malaking garapon.
Hindi nagsasalita si Wendy. Hinawakan niya ang bunganga ko at pilit niya itong binubuka.
Pinipiglas ko ang bibig ko pero nagulat ako sa lakas ng pwersa ng anak ko at tila napabuka niya ang bunganga ko gamit ang kanyang kanang kamay lang, sa kaliwa niyang kamay ay binuhos niya ang pintura sa bunganga ko at pilit na pinapalulon, nagsuka ako nang malala sa sibrang daming pintura na pumasok sa sikmura ko, mabilis niyang tinakpan ang bunganga ko para di makalabas ang pintura. Nahihilo na ko sa sibrang daming pinturang nainom ko, wala na kong makita, hindi ako makahinga.
Hindi ko alam ang nangyayari, ang tanging alam ko lang ay may sakit sa utak si Wendy, nagsisisi ako na tinuring ko siyang anak, nagkamali ako. Nagkamali ako.......
***************
Ako si Wendy. Mahal na mahal ko si mama. Hindi ako nagagalit kay mama. Hindi ko kayang saktan si mama. Lab na lab ko ang color blue. Gusto ko masaya si mama.
Tuwang-tuwa si mama na iniinom niya yung blue na pintura yehey! Teka! Nakatulog ata si mama, di na sya gumagalaw. Pero dilat naman yung mata niya, kaso di na rin gumagalaw, baka nagpapahinga na siya.
Sige, hayaan ko muna magpahinga si mama. Kasi ako si Wendy. Mahal na mahal ko si mama, hindi ako nagagalit kay mama. Hindi ko kayang saktan si mama. Lab na lab ko ang color blue. Gusto ko masaya si mama.
BINABASA MO ANG
Kutob: Book 1 [HORROR SHORT STORIES]
HorrorSamu't-saring kwento ng katatakutan, orihinal na mga kwentong nakaka-WTF! Sabay-sabay tayong kilabutan, magulat at masindak sa mga kwentong nakakabaliw ng KUTOB!