KUTOB #5: Lalamunin ng Lalamunan

5 0 1
                                    


Gabi.....

Nakaupo ako sa isang silya, nakatayo sa harapan ko ang asawa ko na si Ruben. Nakatayo siya at nakangiti, mahal na mahal namin ang isa't-isa. Ngumiti din ako sa kanya, hinawakan niya ang isa kong kamay at ipinahawak sa kanyang alaga.


Nagulat ako sa pwersa ng kanyang kamay at naramdaman ko sa mga palad ko ang malaki at matigas niyang alaga. Namumula ako, pinagpapawisan.


Nakangiti pa rin siya sakin habang kinokotrol niya ang kaliwang kamay ko sa paghimas ng kanyang alaga. Tinitigan ko siya, kitang-kita ko sa mga mata niya na masaya siya sa kanyang ginagawa. Wala akong magawa, mahal ko ang asawa ko, mahal ko si Ruben.


Binitawan niya ang kaliwang kamay ko. Huminga ako nang malalim, di ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin.


Tinititigan lang ako ni Ruben, tinititigan ko rin siya, namumula siya at sabik na sabik ilabas ang kanyang alaga. 


Maya-maya pa ay inilabas na niya ito, kitang-kita ko ang mahaba at matigas niyang alaga. Nagulat ako. Inikot-ikot niya ang malaki niyang alaga sa harap ko at di maalis ang atensyon ko sa alaga niya dahil sa sobrang laki nito.


Pinabuka niya ang bunganga ko at ipinasok niya ang mahaba, mataba at malaki niyang alaga. Tumitirik ang mata ko sa sobrang laki, umuubo dahil di ko kinakaya sa sobrang taba kasabay pa nang malakas na pwersa nang paglabas-pasok ng alaga ni Ruben sa bibig ko.


Naluluha na 'ko. 


May mga tumatagas ng dugo sa bunganga ko.


Nagmakaawa ako.


'Di pa rin sya tumitigil.


Pilit niya na inilalabas pasok ang alaga niya sa bibig ko hanggang sa nawalan na ko ng lakas pumalag.


Iniwan niya nakasalpak sa bunganga ko ang mataba at mahaba niyang kutsilyo at iniwan ako dito sa loob ng kwarto, nakatali sa isang silya.


Mahal ko ang asawa ko. Mahal na mahal ko si Ruben.



   

Kutob: Book 1 [HORROR SHORT STORIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon