Chapter 25

18.4K 479 138
                                    

Nakauwi na kami ni Jonas sa Maynila at nandito na ulit kami sa malawak niyang condo unit. Naisip ko ngang huwag na munang sumama sa kanya pero wala na akong nagawa nang si Nanay ang nakiusap sa akin na samahan si Jonas dito.

Nang makita ako ni Tatay na umiiyak ay pinatahan niya lang ako kahit hindi niya alam ang dahilan ng pag-iyak ko. Natatakot akong ikwento sa kanya na nakakaalala na ako at si Josiah na ang mahal ko. Mas mabuti pa sigurong si Kuya Macky muna ang makaalam saka ko na sasabihin kina Nanay at Tatay ang tunay kong nararamdaman kapag handa na ako.

"I will go to company now. Dito ka lang sa condo. Don't leave." Madiing sabi ni Jonas habang nagsusuot ito ng business suit niya.

Hindi ko siya inimik. Ayoko na siyang kausapin dahil pakiramdam ko ay masyado na niyang kinokontrol ang buhay ko at gusto niyang siya nalang ang masunod sa lahat. Malayong-malayo na talaga siya sa Jonas na minahal ko.

Nagulat nalang ako nang bigla akong hinila ni Jonas at pinaharap sa kanya.

"You're giving me now a silent treatment? Ayaw na ayaw mo talagang makasal sa akin, no?" May bahid ng inis niyang pagkakasabi.

Sa sobrang pagtitimpi ko ay hindi ko na kinaya pa at sinagot ko na siya.

"Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, Jonas? Hindi pa ako handang magpakasal sa'yo. Kakagaling ko lang mula sa pagkaka-comatose. Ni h-hindi pa nga kita maalala tapos bibiglain mo ako." Sabi ko.

Kahit nakakaalala na ako ay hindi pa ako handang sabihin iyon kay Jonas. Kapag nalaman pa niya ay mas lalo lang niyang ipipilit ang kasal na gusto niyang mangyari.

Bumuntong-hininga naman si Jonas. "Then what will I do? Alam kong atat na atat na 'yung pesteng si Josiah at Ysmael na makuha ka sa akin kaya kung hindi pa kita itatali ay tuluyan ka na nilang maaagaw sa akin." Napahawi pa ito sa buhok niya.

Tila may naisip akong paraan makuha ang tiwala ni Jonas at hindi niya ako pipiliting magpakasal.

Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi na ikinabigla niya. "Jonas, magtiwala ka naman sa akin, oh. Tanggap ko na rin naman na sa'yo lang ako babagsak kaya wala nang dahilan pa para pagselosan mo sina Josiah at Ysmael. Ikaw ang boyfriend ko kaya ikaw lang ang papakasalan ko. Sa ngayon ay hindi pa ako ready magpakasal pero doon din naman ang tuloy natin." Sabi ko.

Bigla ay kinabig ako ni Jonas at hinalikan. Hinalikan ko na rin siya pabalik at nang matapos na ito ay ngumiti siya sa akin.

"Fine. I won't force you to marry me immediately pero ikakasal pa rin tayo sa ayaw at gusto mo. I hope you're not lying to me, Mirae because I trust you." Pagbabanta niya habang nakatingin sa akin ng seryoso.

Natahimik ako saglit pero kalaunan ay nginitian ko nalang siya. "Sige na, pumasok ka na sa trabaho mo. Dito lang ako sa condo."

Tumango naman siya. "Okay. May mga pagkain dyan sa ref, kumain ka nalang kung nagugutom ka. Hindi ko na i-lolock 'tong condo since I trust you na hindi mo ako tatakasan." Tumango nalang din ako sa sinabi ni Jonas hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis.

Napasandal nalang ako sa sofa at ipinikit ang mga mata ko. Kahit hindi ko na mahal si Jonas ay nag-aalala pa rin ako para sa kanya. Siya ang unang lalakeng minahal ko. Natatandaan ko pa noong mga bata palang kami na may crush na ako sa kanya. Masyado kasi siyang mabait noon, magalang at gentleman pa sa mga babae.

Napangiti nalang ako ng malungkot. Talaga ngang nababago ng masakit na nakaraan at panahon ang ugali ng isang tao. Wala man ako nung panahong naghirap at nagsumikap si Jonas para maabot niya ang mga pangarap niya ay alam kong labis itong nahirapan lalo na't wala pa ako sa tabi niya.

Overly Obsess (4 Guys' Obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon