Chapter 38

18.2K 471 132
                                    

THIRD PERSON'S POV

Napanganga nalang sila Mirae, Josiah, Jonas at Ysmael nang biglang pumasok sa loob ng bahay nila sina Andy at Jeremiah na nagtatawanan pa. May mga dala itong mga inumin na nakalagay sa dalawang plastic bag.

Kumunot ang noo ni Jonas sa nasasaksihan niya dahil sa pagkakaalam niya ay galit na galit si Andy sa lalakeng ito na kapitbahay lang nila.

"Anong meron? Bff's na kayo?" Natatawang tanong ni Ysmael kay Andy na nginitian lang siya.

"Magkaibigan na kami ni Jeremiah. Hindi ba, bro?" Sabi nito kay Jeremiah na nginitian naman sila.

"Yes. We have some similarities at nagkakasundo kami kaya magkaibigan na kami." Sabi naman ni Jeremiah at inilapag nito ang dala-dala nilang inumin sa lamesang katapat lang nila Mirae.

Nakatingin lang naman ng mariin si Josiah kina Andy at Jeremiah. May pakiramdam talaga siya na parang may mali sa dalawang ito. Kilala niya si Andy na hindi kaagad nakikipagkaibigan sa kung sino lang. At sa pakiramdam naman niya tungkol kay Jeremiah ay hindi siya tiwala sa lalakeng ito dahil napapansin niya ang mga malisyosong tingin nito kay Mirae na hindi naman napapansin ng dalaga.

"Mabuti naman at magkaibigan na kayo. Huwag na kasi kayong mag-away. Tayo-tayo lang naman dito sa lugar na ito, e." Sabi naman ni Mirae na nginitian sina Andy at Jeremiah.

Masaya si Mirae dahil nagkasundo na rin sina Andy at ang kapitbahay nitong si Jeremiah. Mabait naman kasi sa kanila ang binata pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin sa kanya nila Jonas, Josiah at Ysmael. Wala naman siyang magagawa doon basta't hindi nalang magtalo ang mga ito.

"Of course, Mirae especially na manganganak ka na next month. I'm so excited to see our baby son." Sabi naman ni Andy at pinagdiinan pa nito ang salitang our para paringgan si Josiah na napaiwas ng tingin sa kanila.

Umupo ang dalawang lalake sa sofa na katapat lang nila. Kasalukuyan silang nanonood ng TV. Nakahiligan na kasi ni Mirae ang manood ng TV na Spongebob Squarepants ang ipinapalabas. Kahit naman mukhang ayaw at bored na bored ang mga lalakeng kasama niya sa pinapanood niya ay sinasamahan pa rin siya ng mga ito. Napapangiti nalang siya dahil ramdam niya ang pagiging concern at pag-aalaga ng mga ito sa kanya.

Napahimas siya sa malaking tiyan niya. Sa lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan niya ay blessing talaga sa kanya ang magiging anak niya. Excited na siyang lumabas sa sinapupunan niya ang baby niya at kapag lumaki na ito ay mamahalin at ipaparamdam niya kung gaano ito kaimportante sa kanya.

"Let's drink?"

Tanong naman ni Andy at isa-isa nitong inabutan sila Josiah, Jonas at Ysmael ng bote ng alak na nakabukas na.

Nag-aalangan pa ang tatlong lalake dahil nagtataka ang mga ito kung bakit sila pinapainom ni Andy ng alak.

Tumawa naman si Andy sa naging reaksyon ng tatlo.

"Hey! Gusto ko lang magcelebrate tayo dahil manganganak na si Mirae next month. Drink that pero 'wag kayong magpakalasing." Sabi ni Andy at ininom na nito ang hawak niyang bote ng beer.

Kinuha nalang nila Josiah, Jonas at Ysmael ang beer na inabot sa kanila ni Andy at sinimulan na nila itong inumin.

Napabaling naman si Mirae kay Jeremiah na inabutan siya ng orange juice na nasa bote.

"Dahil preggy ka ay 'yan muna ang inumin mo." Nakangiting saad ng binata.

Tumango at nagpasalamat naman sa kanya si Mirae bago nito inumin ang orange juice na inabot sa kanya ni Jeremiah.

Habang nag-iinuman at nag-uusap sila sa may sofa ay tila nakaramdam ng matinding pagkahilo sila Mirae, Jonas, Josiah at Ysmael hanggang sa nabitawan ng mga ito ang iniinom nila.

Overly Obsess (4 Guys' Obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon