Chapter 26

18.9K 500 75
                                    

Warning: SPG

Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Andy pero nandito kami ngayon sa isang malaki at malawak na mansyon. Wala rin akong ideya kung bakit niya ako dinala dito at ang ikinakabahala ko lang ay baka sabihin ni Jonas na tinakasan ko siya samantalang bigla nalang sumulpot si Andy sa condo building at binugbog pa si Randel saka niya ako hinila papunta dito.

"Andy, iuwi mo na ako please. Baka hinahanap na ako ni Jonas." Pakiusap ko kay Andy na nakatingin lang sa akin.

Ngumiti naman siya. Kung hindi lang sinabi sa akin ni Josiah na may Obsessive Disorder si Andy ay iisipin kong normal lang itong si Andy pero hindi. May sakit siya at sana ay maagapan iyon kaagad.

"Easy, Mirae. Iuuwi din kita. I just want to spend time with you. Hindi pa naman ako baliw para kidnappin ka." Tumatawa niyang sabi pero imbes na makampante ako sa sinabi niya ay mas lalo lang akong natakot doon.

Baliw siya. Alam ko iyon lalo na sa ginawa niya kanina kay Randel. Para bang iniisip niyang pag-aari niya ako pero hindi naman talaga.

"Ano ba talagang gusto mong mangyari, Andy? Boyfriend ko si Jonas at kailangang layuan ko na kayo ni Josiah d-dahil hindi ko naman kayo totoong pamilya." Sabi ko.

"Lalayuan mo na ba talaga kami kahit si Josiah naman talaga ang mahal mo?" Nakataas na kilay niyang sabi na ikinatahimik ko.

Ang hindi makita at makasama si Josiah ay hirap na hirap na ako ayon pa kayang layuan siya? Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba si Josiah dahil sobrang tindi na ng nararamdaman ko para sa kanya.

"Hindi ka na nakasagot dyan. Mabuti pa si Saiah nagustuhan mo samantalang ako 'yung lalakeng palagi kang sinasamahan kapag busy siya. I'm busy too but I'm always making some time with you." Parang bata niyang pagsusumbong at ngumuso pa ito.

Mas lalo pa akong natakot sa ikinikilos ni Andy lalo na sa pagbabago ng mood nito.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong akbayan at hinalikan sa labi. Hindi kaagad ako nakapag react dahil mabilis niya lang iyong ginawa.

"Remember what Josiah and I did with you? Hinayaan ko lang siyang makauna sa'yo, right? Because I'm still his bestfriend and I treasure our friendship. Matagal na kaming magkaibigan ni Saiah at pareho lang rin naman kaming baliw dahil may tama rin sa utak ang Tatay niya na imposibleng hindi niya nakuha." Tumawa siya ng mahina.

Naaalala ko 'yung ikwinento sa akin ni Avigale. Nasa Mental Institution daw ang totoong ama ni Josiah dahil may sakit din daw ito sa pag-iisip at pinatay ang sarili nitong kapatid makuha lang ang Mom nila. Wala naman akong nakikitang may mali kay Josiah bukod sa pagiging tahimik niya at misteryoso.

"Nakuha niya ba talaga ang sakit ng totoo niyang ama?" Tanong ko.

"That's impossible if not. Josiah is very dangerous, too. We are dangerous, Mirae and we can't accept being defeated to the one we really desire." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin.

Sa mga sinasabi ni Andy ay naging takot na rin ako sa kanila ni Josiah. Sana nga ay hindi rin nakuha ni Josiah ang sakit ng totoo niyang ama dahil kapag tama ang mga sinabi ni Andy sa akin ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bigla ay hinawakan ni Andy ang isang kamay ko at tinitigan ako ng mariin.

"Mirae, I really love you. Nagselos lang naman ako kasi narinig kong umamin sa'yo 'yung pesteng kasama mo kanina. Hindi ko na nakontrol ang sarili ko na saktan siya. Totoo 'tong nararamdaman ko para sa'yo and this is the first time that I'm being in love. Ako nalang ang mahalin mo at 'wag na si Josiah." Sabi niya na tila magmamakaawa na.

Overly Obsess (4 Guys' Obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon