Chapter 33

17K 478 231
                                    

Ngayon ay kaharap na namin ang mga magulang ko, ang pamilya ni Jonas, mga magulang ni Josiah maging pati na rin ang mga magulang ni Andy.

Naikuwento na sa kanila ni Kuya Macky ang lahat-lahat ng mga nangyari sa amin at gulat na gulat sila sa mga nalaman nila lalo na nung nalaman nilang buntis ako at si Andy ang ama.

Napahawak nalang sa noo si Tatay at mukhang na-istress ito sa mga nalaman niya.

"Nandyan na 'yan, e. Wala naman na akong magagawa. Mas mabuti pang tanggapin nalang natin itong lahat." Malumanay na pagkakasabi ni Tatay na may mapait na ngiti.

Napapansin ko naman ang masasamang titig ni Claire na katabi ni Kian kay Andy na hindi na nito pinapansin kahit alam naman niyang tinititigan siya nito ng masama.

"We're very sorry about that, Mr. Albañez. Andy will take the responsibility being Mirae's man. We will be preparing their wedding-"

"Ano po? Mawalang galang na, Mr. Marco pero nabanggit ko naman po sa inyo na drinoga ng anak niyo itong si Mirae kaya may nangyari sa kanila, 'di ba po? Kaya hindi po ako makakapayag na pakasalan ng kapatid ko ang baliw niyong anak." Sabi naman ni Kuya Macky sa mariin na tono.

Napatingin ako sa mga magulang ni Andy. Mukha pa itong mga bata at halos parang kasing edad lang rin ni Kuya Macky. Pareho itong gwapo at maganda at kamukhang-kamukha nga nila si Andy.

"Iniisip mo pa talaga 'yan, Kale? Pareho naman kayo niyang anak mo. Parehong namimilit at nambubuntis ng babae dahil sa sobrang pagka desperado na." Nakangising sabi naman ng Dad ni Josiah na si Tito Yuri.

"Tsk! Ako lang ba, Yuri? Ikaw din naman, ah? Remember na inagaw mo lang rin 'yang si Eirie kay Zane. Kung makapagsalita ka parang hindi ka rin desperado pati 'yang anak mo." Sabi naman ng Dad ni Andy.

"Ano ba? Tumigil na nga kayong dalawa! Mas lalo niyo pang pinapalala ang sitwasyon e," Inis namang sabi ni Tita Eirie sa kanila.

"Hindi rin ako makakapayag na magpakasal sila. Aba't nobyo ni Jonas si Mirae at nangialam lang 'tong mga baliw niyong anak." Sabi naman ni Tito Orlando na Tatay ni Jonas.

"Kaya tama lang ang sinabi ni Macky na maghahati silang tatlo sa responsibilidad nila sa magiging anak ni Mirae. Pinagsamantalahan ng mga batang ito ang dalaga ko kaya panagutan nila iyon!" Sabi naman ni Nanay habang hinihimas-himas nito ang tiyan ko.

"Yeah, we know and I'm sorry rin sa ginawa ng anak namin kay Mirae. Josiah will do what's good on Mirae's child." Sabi naman ni Tita Eirie na may malungkot na ekspresyon.

"Okay, ayon naman pala, e. So, kaninong bahay ang titirhan nilang apat? Hindi naman pwede dito sa condo ni Jonas dahil maliit na para sa kanilang apat 'to." Biglang sabi ni Kuya Macky.

Sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko.

"Ano, Kuya? Magsasama kaming apat sa iisang bahay?" Gulat kong tanong.

Tumango naman si Kuya. "Oo, Mirae. Kailangang alagaan ka ng tatlong 'yan at hindi pwedeng nandito ka lang kay Jonas. Huwag kang mag-alala dahil kapag may ginawa ang isa sa kanila na masama sa'yo ay kaagad kitang ilalayo sa kanila." Seryosong sabi nito.

Hindi naman ako nakaimik doon at natahimik nalang.

"I have a big mansion here in Pasay. Doon na muna sila tutal si Andy naman ang Tatay ng anak ni Mirae so I will provide the house ." Sabi ng Dad ni Andy.

"Mabuti naman." Sabi naman ni Tito Orlando na humalukipkip.

Nang matapos na silang makapag-usap ay kaagad na rin umuwi ang mga magulang nina Josiah at Andy maging pati na rin sina Kuya Macky, Nanay, Tatay at ang pamilya nila Jonas para hindi sila malate sa biyahe nila pauwing San Alfonso. Binilinan naman nila ako na kung may mangyaring masama ay tawagan ko lang sila. Tumango nalang ako doon.

Overly Obsess (4 Guys' Obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon