Chapter 10

21.3K 615 81
                                    

Ngayon ay alas kwatro na ng umaga at nag-aabang kami ngayon ni Jonas ng bus papuntang Maynila dito sa Bus Station. Hindi ko na pinaalam pa sa kanya ang nangyaring panggugulo sa akin ni Ysmael para hindi na siya mag-alala pa. Ayoko nang pag-alalahanin pa si Jonas dahil makakalayo na rin naman kami kay Ysmael.

Kanina sa bahay ay umiyak pa si Nanay dahil mamimiss niya raw ako ng todo habang si Tatay naman ay tahimik lang pero alam kong mamimiss niya rin ako. Sina Nanay at Tatay talaga, parang mawawala na ako sa kanila ng matagal nung nagpaalam ako e, babalik rin naman kami kaagad ni Jonas dito sa San Alfonso kapag hindi kami nakapasa sa job interview.

"15 minutes pa siguro bago makarating dito ang unang bus." Sabi ni Jonas habang tinitignan ang oras sa cellphone niyang de keypad.

Tumango naman ako bilang sagot.

Ano ba itong kakaibang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan?

"Jonas-"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may mga naka itim na bonnet na lalaking naka mask ang nagtungo sa direksyon namin ni Jonas at pwersahan kaming hinila.

Ang takot na kanina ko pa nararamdaman ay nadagdagan pa ngayon.

"S-Sino kayo? Saan niyo kami dadalhin?" Gulat na tanong ni Jonas.

"Sorry, napag-utusan lang kami ni Boss."

Magsasalita pa sana si Jonas nang biglang tinakpan ng isang lalakeng nakahawak sa akin ang ilong ko ng panyong may amoy kemikal hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising nalang ako sa isang madilim at abandonadong silid at laking gulat ko nang makita ko ang sarili kong nakagapos sa isang upuan. Ang mga paa at kamay ko ay nakagapos ng lubid.

Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?

Nang tumingin ako sa harapan ko ay mas lalo lang akong nanlumo nang makita ko si Jonas na nakagapos rin habang putok ang mata at labi nito at halos maligo na sa sariling dugo. Kitang-kita ko ang pagod at hirap sa mga mata niya dahil sa natamo niyang mga sugat at pasa. Hindi ko na napigilan pang mapaiyak at hindi ako makalapit sa kanya dahil nakagapos rin ako.

"Jonas!" Naiiyak kong sambit.

Unti-unti naman siyang dumilat at napatingin sa akin.

"M-Mirae..." Tila hirap na hirap niyang sabi.

"Anong nangyari? Sino ang gumawa niyan sa'yo?" Halos pasigaw ko nang tanong dahil sa matinding sakit na halos makita siyang nahihirapan.

Bigla ay bumukas ang pintuan ng abandonadong silid kung nasaan kami ni Jonas at doon ay pumasok sila Ysmael kasama sina Ivan at Randel kasama ng iba pang mga hindi ko kilalang lalake.

Nakangising lumapit sa amin si Ysmael habang sumama naman ang tingin ko sa kanya.

Kahit hindi na siya magsalita ay alam kong siya ang may kagagawan kung bakit kami nandito ni Jonas at kung bakit rin nabugbog ito ng todo.

"Napakasama mo, Ysmael!" Naiiyak kong sigaw.

Ngayon lang ako nagalit ng matindi sa buong buhay ko. Hindi ako nagtatanim ng galit sa isang tao pero ngayon, kasalanan man sa Diyos ay gusto kong patayin ang lalakeng nasa harapan ko. Napakawalang puso niya!

Tumawa lang siya sa sinabi ko saka niya nilapitan si Jonas at hinila ang buhok nito paharap sa kanya.

"As you can see Mirae, nakatikim ng hagupit ko ang lalakeng 'to. Ang saya lang na makita kong nahihirapan siya habang nasa harapan mo siya. Imagine? Dadalhin ka pa niya sa Maynila at magsasama pa kayo do'n? I will never gonna let that happen." Nagngingiti niyang sabi.

Overly Obsess (4 Guys' Obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon