Chapter 32

17.1K 434 159
                                    

Sobrang kinakabahan at nanlalamig ang mga kamay ko nang hawak na ni Kuya Macky ang resulta ng DNA Paternity Test na isinagawa namin nina Jonas at Josiah nung nakaraang linggo. Hinintay rin ni Kuya Macky ito bago siya umuwi ulit sa San Alfonso.

Kung sinuman kina Jonas at Josiah ang tunay na ama nitong baby ko ay tatanggapin ko nalang iyon ng buong puso. Pareho silang naging malaking parte sa buhay ko at kahit man na may nagawa silang kasalanan sa akin ay kakalimutan ko nalang iyon alang-alang sa magiging anak ko.

Nandito sa condo unit ni Jonas sila Josiah, Andy at maging pati na rin sina Avigale at ang boyfriend nitong si Samuel. Kanina ay humingi ng sorry sa akin si Avigale dahil sa pagsisinungaling ng pamilya niya tungkol sa pagkukunwari ni Josiah bilang asawa ko.

Kaagad ko naman siyang pinatawad dahil naiintindihan ko naman na kaya lang nagawang magsinungaling ni Josiah sa akin ay para maprotektahan niya ako noon kay Ysmael.

Tila natatawa pa si Kuya Macky nang makita niya kung gaano kaseryoso ang mga mukha nina Jonas at Josiah habang hinihintay nilang basahin nito ang resulta ng DNA Paternity Test.

"Guys! Huwag masyadong seryoso sa buhay. Sige kayo, tatanda kayo ng maaga niyan at baka ipagpalit pa kayo ni Mirae sa mas gwapo at mas bata sa inyo kung tumanda na kayo." Pang-aasar pa ni kuya na mukhang ikinaalarma naman nina Jonas at Josiah.

"It will never happen." Seryosong sabi ni Josiah.

"At sa tingin mo ba papayag ako do'n?" Sagot naman ni Jonas at inirapan si Kuya Macky na mas lalo lang natawa sa ginawa niya.

"Nakakatuwa naman pala 'tong kuya mo Ate Mirae. Ang gwapo-gwapo din. Sigurado ka bang single pa siya?" Nakangiting tanong ni Avigale sa tabi ko na ikinasimangot naman ng mukha ni Samuel.

"What are you saying, Avi? May boyfriend ka na ngang gwapo, oh? Katabi mo pa." Nakasimangot na sabi ni Samuel na ikinatawa ko naman.

"Hoy, Samuelito! Masama na bang magwapuhan ako sa ibang lalake? Noon nga gustong-gusto mo akong magkacrush sa iba para lang layuan kita tapos ngayon.. hmp!" Humalukipkip si Avigale at tinaasan nito ng kilay si Samuel na napakamot nalang ng ulo dahil sa sinabi niya.

"N-noon 'yon pero ngayon hindi na pwede." Matigas namang sabi ni Samuel at kaagad itong umiwas ng tingin kay Avigale.

Napangiti nalang ako dahil nakakatuwa silang tignan. Nang sandali naman akong mapatingin kay Andy na nasa tabi lang ni Josiah ay nahuli ko itong nakatitig ng seryoso sa akin.

Hindi ko alam kung may ideya na ba siya na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ko. Kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"So, here it is. Bubuksan ko na 'tong papel." Sabi ni Kuya Macky at binuksan na nga nito ang papel na hawak niya na nakalagay sa puting sobre.

Nakatingin kaming lahat sa kanya nang binabasa niya ito. Bigla ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at nabitawan nito ang hawak niyang papel.

"Kuya? A-anong resulta?" Kinakabahan kong tanong.

Umiling ito ng paulit-ulit na parang hindi makapaniwala sa binasa niya.

"Hindi ako pwedeng magkamali. Papaano ka nabuntis ng lalakeng 'yan?"

Gulat na tanong ni Kuya Macky at napatingin ito kay Andy na tinaasan lang siya ng kilay.

Si Jonas naman ay lumapit sa kinaroroonan ni Kuya Macky at pinulot nito ang papel na may resulta ng test at binasa ito. Tila nagulat rin siya habang binabasa nito ang papel na hawak niya.

"What? How come na pareho kaming nag negative ni Josiah sa test? Eh kami lang naman ang nakatalik ni Mirae?" Naguguluhang tanong ni Jonas hanggang sa mapatingin siya sa akin.

Overly Obsess (4 Guys' Obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon