Chapter 1

24 0 0
                                    

"Ano ba yan ang kulit kulit mo naman" ani ni Rafael habang ginugulo ko ang buhok niya

Nag aaral siya ngayon sa Math kasi may quiz kami ewan ko ba jan bakit nag aaral pa pwede naman komopya sa katabi niya na sinalo lahat ang katalinuhan sa math

"Bakit ka pa nag aaral eh katabi mo naman si Furos ang tali-talino niyan,tsaka diba close naman kayo" sabi ko sakanya

"Wag mo nga ako igaya sayo na puro lang asa sa pag kokopya nako talaga Isabelle pag di ka pa tumigil sa pangongopya isusumbong na kita kay tita" ani niya habang pinipengot ang tenga ko

"Aray ko putanginaaaaaaa!!!" sigaw ko sakanya habang hawak ang tenga ko

Popokpukin ko sana siya ng may narinig akong sumigaw

"Andyaaan na si Maaam " rinig kong sabi ni Seiri na kaklase namin habang tumatakbo papunta sa upuan niya

Kanya kanya kaming balik sa sarili naming upuan at kumuha ako ng notebook ko at nag papangap na nag rereview

Pumasok na ang aming guro na si Maam Alts siya ang teacher namin sa math wala naman akong natututunan sakanya pero di ako sigurado baka ako lang talaga ang mahina ang utak

"Okay class nag review na ba kayo?" tanong ni Maam Altz

"Yes Maam" sabay sabay naming sagot

"Huh? Talaga ba nag review ka?"bulong saakin ni Rafael habang paasar ang mukha

"Oo ni review ko kung pano mangopya ng hindi nahihirapan" sartriktong sabi ko sakanya at inirapan niya na lang ako

Pinatago na saamin ni Maam ang mga notebook at mag sisimula na daw ang quiz at dinistribute niya na ang papel na puro tanong

Kinuha ko ang ballpen ko sa aking bag habang kinukuha ko yon nakita kong naka tingin saakin si Furos close kami ni Furos pero bihira lang siya mag salita ewan ko ba diyan pero sabi ng mga kaklase namin ay hindi lang talaga siya pala salita mahiyain daw. nginitian ko siya "Pakopya ako ha?" sabi ko at tumango lamang ito

Nasa gitna namin si Furos at Rafael di bale ganito

Samantha-Rafael-Furos-Ako

Sanay na ang mga kaklase ko na lagi akong nangongopya simula grade 7 ay mag kaklase na silang lahat higher section sila lagi,ako naman ay nung grade 9 lamang naka pasok sa higher section grade 10 na kami ngayon ako lang talaga ang nag iisang naka pasok sa higher section na galing sa lower section

Nag simula na kaming mag sagot
Naka upo lang si maam alts habang nag cecellphone nag lalaro ng candy crush,hindi naman strikto si maam minsan nga iniisip ko may sapak to sa ulo kasi parang bata mag isip

Sumilip ako sa papel ni Furos kumunot ang noo ko ng nakita ko ang sagot niya

"Lakihan mo ang sulat mo hindi ko maintindihan" sabi ko. Ang liit liit ng letra kaya pinalakihan ko sakanya

Diba ang kapal ng mukha ko ako na nga ang mangongopya pero ako pa yung demanding hahaha pero ayos lang yan sanay naman na siya sakin

Binura niya ito at sinulat ulit pero sa malalaking letra na

Ginaya ko na ang kanyang sagot,nakita ko si rafael na may binubulong kay samantha binalewala ko na lang yon at nag balik sa pag kokopya kay Furos baka kay samantha siya nangongopya nahihiya na ata siya kay Furos

Tinigil ko muna ang pag kokopya dahil hindi pa naman ito tapos saka na lang ako kokopya pag tapos niya na ang lahat ng ito

Tiningnan ko ang aking mga kaklase na seryo seryosong nag aanswer

I ThoughtWhere stories live. Discover now