Chapter 4

5 0 0
                                    

(Tuesday)

Makalipas ang tatlong araw ay hindi pa rin kami nag kikibuan ni Rafael marami na rin ang nag tanong saakin na kaklase ko mula kahapon kung bakit daw di nila kami nakikita ni Rafael na nag uusap ang sinasabi ko lang ay ayaw ko siyang istorbohin dahil nag hahanda rin ito sa darating na Foundation Day

Si Furos ang kasabay ko kahapon kumain at umuwi nag kwkwentuhan na rin kami tungkol sa sinalihan naming pageant

Sumali na rin daw siya kasi ako naman yung magiging partner niya kung yung ibang kaklase namin daw ang kasali ay di rin naman siya sasali

Nasa room kami ngayon at nakita ko si Rafael at Samantha na nag uusap

Ang sabi sabi ng mga estudyante ay may gusto daw si Rafael kay Samantha wala naman sakin sinabi si Rafael na may gusto siya kay Samantha kaya binabalewala ko na lang sinasabi ng iba saka ano naman sakin kung gusto niya talaga si Samantha ikakamatay ko ba?

Nag simula na ang klase at wala naman akong naintindihan sa mga sinasabi ng guro lutang na lutang ang isip ko di ko nga maintindihan ang sarili ko

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Furos dahil inaantok ako sa boses ni maam nakita ko ang reaksyon niya na parang na bigla at namula rin ang kanyang mukha hindi ko na rin ito pinansin baka di lang sanay na may sumasandal sakanya

Ng matapos ang pag tuturo ni Maam Sreya guro namin sa Science ay inalis ko na ang pakasandal ko sa balikat ni Furos

Nakita ko si Rafael na nakatingin saakin na di nanaman matimpla ang mukha

Ano nanaman kayang problema nito?

Tumalikod na lang ako at nag simula na mag bell para sa Math Subject

Pumasok na si Maam Alts at nag na simula mag turo ganon pa rin ang sistema ko lutang pero nag panggap akong nakikinig nag pa quiz ulit si maam ampota at ganon pa rin nangongopya pa rin ako kay Furos

Pakatapos ng lahat ay pinasa na namin ito at nag bell na rin para sa Recess inaya ko ulit si Furos na mag pa canteen at pakalabas namin ng room pinag titinginan kami ng estudyante alam ko naman na gwapo si Furos at maganda rin ako pero wala akong gusto kay Furos no

"Gusto mo ba ng pansit Furos?" tanong ko sakanya paka pasok namin sa canteen

"Ahm sige" sagot niya

"Edi mag order ka" sabi ko sakanya at kina kunot ng noo niya

Nag hanap na ako na pwedeng pwestuhan namin dito sa canteen para maka upo na

Nakita ko si Rafael at Samantha na mag kasama papasok ng canteen

"Hala sila na kaya?"

"Ay ang cute nila"

"Pano si ate Isabelle?"

"Ano ka ba mag kaibigan lang sila"

"Ay kala ko sila ni ate Isabelle"

Rinig kong bulong bulungan ng estudyante pero teka bulong pa ba yon? Rinig na rinig ng lahat eh tanginang bunganga yan

I ThoughtWhere stories live. Discover now