Chapter 8

4 0 0
                                    

Bumabyahe na kami ni papa papunta sa bahay ni Versus,Ang bahay nina Versus ay 30 min ang byahe mula saamin,sa may subdivision sila nakatira,Mayaman sina Versus may mall sila iyon ang negosyo nila

"Bakit ano bang okasyon kina Versus at mag iinuman kayo?"tanong ni papa

"Wala naman po,mag eexam na rin po kasi kaya baka po hindi na kami mag sama sama dahil ilalaan namin ang oras sa pag rereview sa sunod na araw,kailangan rin po kasi mag review kasi graduating po kami"paliwanag ko dito

"Ikaw Isabelle,pinapayag payagan ka sa mga ganito, sana alam mo kung hangang saan ang limitasyon mo, may tiwala ako sayo, pina paalalahanan lang kita"sabi nito saakin

"Ano ka ba pa, alam na alam ko po yun at alam ko kung saan ang limitasyon ko,pag naiisipang ko na gumawa ng kababalaghan ay agad pumapasok sa isip ko ang mga payo niyo saakin kaya hindi na tutuloy hahahaha"sabi ko dito

Niliko na ni papa ang kotse at nakarating na kami sa bahay nina Versus

Nakita ko rin sina Froilan na nasa labas ng bahay nina Versus

Lumabas na ako ng kotse at lumabas rin si papa,baka kakausapin yung mga kaibigan ko

"Goodevening po tito" bati nila kay papa at nag mano

Bat si papa lang binati? Wala ba ako dito?

"Magandang gabi rin sainyo" sabi ni papa

"Mag kakasiyahan lang po kami tito, dahil baka di na po namin to magawa dahil mag fofocus na rin po kami sa pag aaral dahil mag eexam nanaman po"ani ni Mark

"O siya sige basta,wag kayong mag pakalasing ng sobra"sabi ni papa at tinuro akolalo ka na Isabelle'

Luh?

"Lah alam mo naman pa na hindi ako umiinom ah bat ako malalasing? Ako lang to pa taga ubos ng pulutan"sabi ko kay papa

Hindi naman ako umiinom ayaw ko kasi,kasi pangit sa babae pag umiinom tsaka 17 pa lang ako hello

Alam ni papa na pag nag papaalam akong mag iinom kami nina Versus ay hindi naman ako iinom,ako lang yung taga ubos nila ng pulutan at taga kinig sa mga kwento nila

"Sha sige pumasok na kayo at aalis na rin ako, paki sabi rin kay Versus mauna na ako"paalam ni papa at sumakay na sa kotse

"Bye po tito" sabay sabay nilang paalam

"Tara na pasok na tayo! Alok ko dito Ano pa iniintay niyo? New year?"

"Parang ikaw belle ang may ari ng bahay ah" -Radsie

"Ano ka ba ako lang to" sabi ko dito

Pakapasok namin ng bahay ay nakita namin yung kuya ni Versus pababa ng hagyan. Si kuya Vince

Senior High School na si kuya Vince.Grade 12. Sanay na rin siya na pumupunta kami dito,hindi namin siya close pero nakakausap rin minsan

"Goodevening po Kuya Vince" sabay sabay naming bati

Tumango ito at "Pababa na rin si Versus,maupo muna kayo jan"sabi nito at pumunta ng kusina

"Belle may gusto ata sayo si kuya Vince"bulong saakin ni Paul

Gago ba to?

"Huh pano mo naman nasabi?" tanong ko kay paul

"Wala naisip ko lang"sagot naman nito at tumawa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I ThoughtWhere stories live. Discover now