Chapter 2

12 1 0
                                    

"Yan ang mapapala natin sa pakikipag away mo Isabelle nako sinasabi ko talaga sayo pepektusan na kita" sermon saakin ni Rafael

Tang inang Puma yon di pa rin tumitigil sa pag babanta saakin dahil sa ginawa kong pag papahiya ko daw Frissie the girlfriend niya

Kasalanan ko bang tatanga tanga mag plano ang girlfriend niya

Alam ko naman na ang plano ni Frissie na dapat saakin matapon yung pansit. Nahalata ko kasi na parang ibabasulag saakin ng alipores niya yung pansit ko kaya inunahan ko ng itapon sa mukha niya

"Sorry na po Fafa Rafael di na po mauulit,pero mahal na mahal mo talaga ako no? Nakaka touch naman" biro ko sakanya

Di na lang siya umimik at diredirestso kaming pumunta sa classroom

May 10 min pa naman bago mag bell para sa sunod na subject kaya may panahon pa para makipag daldalan yung mga kaklase ko

Simula Elementary kilala ko na si Rafael

Pero nung Elementary days namin parang diring diri siya saakin kasi ang ingay ko at pala mura ako tas pala away pa simula Grade 1 hangang Grade 6 mag kaklase na kami pero di pa kami naging mag kaibigan kasi lagi nga siyang inis saakin pero lagi akong dumidikit sakanya dahil ang linis linis niya at gwapo kaya naging crush ko siya

Pero nung graduation namin ng Elementary tsaka pa lang kami naging close dun pa lang nag simula ang pagiging mabait niya saakin nabigla rin nga ako noon at kinausap niya ako

Nong nag High School kami ay di ko siya naging kaklase dahil nasa Higher Section siya at ako ay nasa pangalawang section lang hindi naman kasi ako gaanong matalino para mapunta doon hangang sa grade 8 ay nasa pangalawang section ako lagi

Pinilit ko yung teacher ko nong grade 8 na ipasok ako sa higher section pag grade 9 ko wala gusto ko lang dahil parang mas maganda yung trato ng mga teacher sa higher section kesa sa mga ibang section at para di na rin mainis sakin si mama dahil daw ako lang yung napuntang anak niya sa lower section

Yung una ayaw ko rin mapunta sa higher section kasi ayaw ko iwanan yung mga kaibigan ko sa lower section kaso naging ayos na rin saakin dahil inisip ko na rin na nandon si Rafael

"Oh Isabelle nag ka roon ka daw ng taping kanina sa canteen ah hahahaha" biro saakin ni Philip kaklase ko

"Oo nga sayang di mo na abutan gagawin pa naman sana kitang extra pero hayaan mo di mababawasan ang pag ka gusto mo saakin kung wala ka man sa taping ko kanina" pabiro kong sagot sakanya

"Huh? May gusto ka Philip kay Isabelle?" takang tanong ni Seirie kay Philip

"Para ka naman baguhan alam mo naman na assumera yan si Isabelle lahat na lang ng lalaki sinasabi niyang may gusto sa kanya" sagot ni Philip kay Seirie

"Ah akala ko may gusto ka sakanya hehe" sabi ni seirie habang kinakamot ang ulo niya

"Naku wag kang mag alala ghorl di ko aagawin sayo si Philip" sabi ko kay Seirie

"hehe wala naman akong sinabing may gusto ako kay Philip eh" -Seirie

Hinayaan ko na lang siya halatang halata naman na may gusto siya kay Philip at wala naman akong sinabi na sinabi kong sinabi niya na may gusto siya kay Philip kasi halatang halata naman na may gusto siya kay Philip kaya di na ako mag sasayang oras para sabihin ito

Makalipas ang ilang minuto ay nag bell na 10:30 na rin at 12:00 pm ang uwian namin nag simula na ang klase namin sa ESP pakatapos nito ay Filipino na ang aming huling subject ngayong umaga

"Hay salamat alas dose na sana di kayo mamatay pag uwi mga classmate" sigaw ko sa room paka alis ng aming teacher sa Filipino

"Sana mamatay ka belle pag uwi mo" sigaw ni Permin

"Hahahaha tang ina mo Permin"

"Paligsok"

"hahahaha"

"Hahahaha puta"

Tawanan ng kaklase ko

"Tang ina mo Permin alam mo bang impostor ako? Di ako namamatay" sigaw ko sakanya "Tara na Rafael uuwi na tayo baka mag karoon nanaman ako ng taping bigla jan baka mawala ka sa eksena kawawa ka" sabi ko kay Rafael

"Taping! papa mong panot" sigaw sakin ni Rafael

Di ko na siya sinagot dahil panot naman ang aking ama kaya di ko na dineny yun

Lumabas na kami ng room at pakatapos naming lumabas ay lumabas na rin kami ng school nag hintay kami ng trycicle lagi kaming mag kasabay umuwi dahil mag katabi lang naman ang barangay namin kaya nga siguro lagi kaming pinag kakamalan mag syota dahil lagi kami mag kasama simula papunta school hangang sa school hangang sa pag uwi kami ang laging mag kasama

"Ge bye na mahal ka ng pamilya mo" sabi ko kay Rafael paka baba ko ng trycicle tumango na lang siya

Paka dating ko sa bahay nag mano muna ako kina papa at mama at kumain na rin. Adobo ang ulam namin niluto ni mama pakatapos ko kumain ay hinugasan ko na yung mga ginamit namin at nag ayos na para pag pasok ko mamayang ala una

Ang klase namin sa umaga 7:30 am to 12:00 pm at pag hapon naman 1:00 pm hangang 4:00 pm

Pakatapos ng klase ng hapon ay umuwi rin ako kaagad wala naman kaming ginawa dahil nag ka roon ng event sa school para sa grade 7 di rin sumabay saakin si Rafael dahil may meeting daw ang mga officer ng english club para sa darating na Foundation day


I ThoughtWhere stories live. Discover now