Chapter 6

7 1 0
                                    

Natapos na ang pageant at nanalo ako ng 1st runner up, ang nanalo naman ng title ay yung contestant number four

"Congrats Furos sana all nanalo" sabi ko kay Furos dahil siya ang nanalo sa lalake

Ngumiti ito at "Nanalo ka naman ah di lang champion" sagot niya saakin

"Ikaw ha napapansin ko pumapangit na ang ugali mo"sabi ko sakanya

Nahahalata ko na kasi na napapadalas na ang biro niya hahaha di lang ako sanay

"Nahawa ata ako sayo eh lagi kasi tayo mag kasama ngayong week" ani niya

"Wala,wala di na ikaw yung Furos na nakilala ko nag bago ka na" kunyareng naiiyak na sabi ko

Natigil ang pag uusap namin ng hinila siya ng mga kaklase kong babae at mag pipicture daw ito

Nabigla ako nung may umakbay saakin at tiningan ko ito kung sino si Rafael pala

"Congrats belle proud na proud ako sayo" ani niya at sabay gulo ng buhok ko

"First runner up lang nga eh kainis" nagrereklamo kong sabi sakanya

"Ano ka ba ayos lang yan proud na proud pa rin ako sayo" sabi niya sabay yakap sakin

Niyakap ko rin siya ng pabalik pero mas mahigpit ang yakap niya

Kinikilig ako, Gusto ko siya pero alam ko kaibigan ko siya at baka masira lang ang pinagsamahan namin pag umamin ako

Mas importante kasi sakin yung pinag samahan namin kesa sa nararamdaman ko

Marami rin kasi akong nakikitang sitwayson na may matalik na mag kaibigan tas nag ka inlove-van tas naging sila tapos mag bebreak lang naman tapos di na mag papansinan kaya natatakot ako na baka ganon rin ang mangyari kaya mas mabuti ng itago ko na lang ito

Inaya rin ako nina Versus na mag picture para daw may pampalit na rin sila ng cover photo sa facebook

"tang ina belle sakit nyan sa poso first runner up lang kung ako niyan sasabunutan ko yung nanalo" asar saakin ni Froilan

Shutanginames nito pektusan ko to eh tangap ko rin naman di ko lang ata matatangap pag si Frissie ang nanalo wawala talaga ako don

"Mas masakit pag pinagpalit sa kapit bahay  kung ako nyan mag papakamatay ako di ko yun kakayanin" asar ko rin sakanya

"Tang ina mo belle" mura saakin ni Froilan at nag tawanan sila

Iniwan kasi siya ng girlfriend niya pinag palit siya sa kapit bahay niya hahaha ewan ko nga kung paano nangyari yun di rin nag kekwento si Froilan

Pakatapos namin mag picture ay umuwi na rin kami ni Rafael

BAHAY

"Ma First runner up lang po ako" sabi ko kay mama at niyakap siya

"Ayos lang yan atleast may napanalunan ka,kahit di ka mga manalo proud pa rin ako sayo" sabi sakin ni mama at yumakap rin ito

"Okay lang yan bunso atleast prinsessa ka ni papa" biglang sabi ni papa at nakisali na rin sa pag yakap

Nakita ko naman si ate na nasa pintuan kakarating lang nito at parang nag tataka kung bakit kami nag yayakapan

"Halika ate sali ka rin hehe"nahihiya kong sabi kasi nga diba di kami close masyado

Ngumiti naman ito at nakisali na rin sa yakapan

Saka niya pa lang naintindihan kung bakit kami nag yayakapan dahil nakita niya yung mga certificate ko

I ThoughtWhere stories live. Discover now