Prologue

29 1 0
                                    

"Mayora!"

Kumaway ako sa bumating isang napakagandang bata pagkababa ko palang galing sasakyan.

I am wearing a red double breasted coat dress it was above the knee and nude color pumps.
Nakaayos din ang aking buhok in wavy style and brown highlights ang color niya. Pinaayos ko pa ito sa salon.
I'm also wearing a gucci sunglasses.

"Kamusta ka nene?"

"Ayos naman po! Kayo po kamusta?" Nakangiting balik naman nito.

Napangiti ako sa kabibohan ng bata.

"Ayos lang ako nene!" Inakay ko sya papunta sa loob ng court. "Tara na sa loob!"

Humiwalay din ang bata nang makita na ang siguro ay ina nito.

Maya maya pa ay pumaligid na sa akin ang aking mga bodyguards para mapanitiling ligtas ako.

Kumakaway sa mga taong bumabati sakin habang dumadaan ako.

Iniikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar na iyon at nakita si Kevyn.
Abala ito sa pasyenteng kanyang nireresetahan.

"Nandito na si Mayora Eliza Marquez!" Sigaw ng isa sa mga organizer ng medical mission.

Nakita kong tumaas ang tingin ni Kevyn kaya natauhan ako at humakbang papunta sa unahan kasama ang dalawa kong bodyguards.

"Magandang araw sainyo mga kababayan! Maraming salamat po sa inyong pagdalo sa ating medical mission hatid ng ating butihing mga doctor dito sa atin. Hindi lamang po taga dito ang mga doctor na kasama natin mayroon din pong mga international doctors, surgeons, pedia at iba pa. At taos pusong sinusoportahan ng inyong lingkod upang mapanatiling malusog hindi lang ang ating bayan kundi kayong aking mga minamahal na kababayan! Sana po ay marami tayong matulungan at magamot! Maraming salamat po!"
Kumaway muli ako at ngumiti.

Nagsigawan naman ang mga pasyenteng bata at matatanda.

"Salamat po Mayora!"

Umikot ako sa kabuuan ng lugar na iyon at nakaisip magsulat sa isang maliit na papel na nakita ko sa lamesa..

'I miss you.. -E'

Lumapit ako kay Kevyn ng hindi nya namamalayan at nilagay ko sa bulsa ng white coat nya na nakasabit sa upuan ang papel.

Sweet GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon