Chapter 7

13 0 0
                                    

"Nasan sina Tito?" Tanong ni Kevyn habang nakikipaglaro ng ML sakin.

"Busy si daddy, nasa abroad si ate Errika may sariling condo si kuya Erron." Sagot ko. Habang pumipindot sa cellphone. "Tabi diyan Kev! Malakas yan!"

Nandito kami ngayon sa garden ng kwarto ko. Oo, may sarili akong garden sa loob mismo ng kwarto ko. Dito ako madalas tumambay kapag sobrang lungkot ko makita ko lang na buhay ang mga halaman at flower plants ko nabubuo na ang araw ko.

May dalawang personalized bench din ako dito at tig-isa kami ng inuupuan.

"Bakit hindi ka nagsasabi sa akin? Sana ay nasasamahan kita o di kaya doon ka muna sa amin total ayos naman kayo ni mommy." Napatigil ito paglalaro at tumingin sa akin.

"Ayos lang naman ako. Wala namang problema sa akin na mag-isa ako. Sanay na din siguro ako sa ganitong set-up." I smiled at him dahil mukhang alalang alala siya. "Bakit pala nagpunta ka dito?"

"I missed you." He said without looking at me.

OMG! Ano daw? Nabibingi na yata ako.

"Ouch!" Nabalik ako sa katinuan nang mabagsakan ng cellphone ang paa ko.

Nagtawanan kaming dalawa.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko Eli?" Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya at muling binawi iyon. "I said I missed you."

"What do you mean by that?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi na kasi kita nakikita, hindi na kita nakakausap, hindi ka na din nagcha-chat." Lumapit ito sa akin. "May iba ka na bang gusto?"

"W-what?" Nakakagulat mga sinasabi ng lalaking to ha.

Ako ba talaga ang kailangan mag-first move? Ang awkward naman..

"I mean, kasi diba dati you're very vocal with you feelings na dumating sa point na ako yung natakot na baka masaktan kita."

"You know Kev, I'm really fine. Really." I assured him. "Kung gusto man kita, problema ko na yun hindi kita pine-pressure."

"Sa totoo lang kasi Eli, kanina nung nakita ko kung gaano kadaming lalaki ang sumisigaw para sayo iba ang dating sa pakiramdam ko. Hindi ako mapakali." Bumuntong hininga siya. "Gusto kitang ipagdamot."

Napanganga ako.

"You don't have to. I doesn't owe anybody."

"Can I owe you then?" Direktang sabi nito.
Hindi ko akalain na may ganitong side pala siya.

Saglit akong natigilan sa sinabi niya at biglang napatayo. Hindi alam ang gagawin .

"You know Kev, let's stop this. Matagal tagal mo lang akong hindi nakita kaya ka nagkakaganyan."

"I'll prove it, I hope you can give me a chance." Tumayo na din siya.

2am at gising na gising pa ang diwa ko.
Umalis na si Kevyn pagkatapos niyang sabihin na papatunayan niya ang mga sinabi niya sa akin kanina. At eto na nga ang epekto hindi ako makatulog!

Bibigyan ko ba siya ng chance? Masyado pa kaming mga bata, mapapanindigan ba namin itong pareho kung sakali?

"Girl, may nagpapabigay nito sayo." Ngiting ngiti si Ian habang may iniaabot saking isang pirasong red rose.

"Kanino galing?" Nagtatakang tanong ko.

Itinuro nito ang pintuan ng classroom kaya pumunta ako doon at nakita naman ay si Bea na may hawak din na rose.

"Bes, mahal ka daw niya." Sabi pa nito sabay hagikhik. Iniabot din nito sakin ang rose.

Natatawa na ako dahil ang corny. Grabe naman kung si Kevyn ang may pakana nito. Hindi bagay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon