Chapter 1

21 2 0
                                    

"Eliza! I told you to get out of bed na!" Sigaw ng mommy ko sa labas ng pinto sa kwarto ko. Nakalock yun dahil siguradong pinong kurot na naman ang aabutin ko kung hindi.

This is my everyday life, i always receive a morning yell from her.
I am a freshmen HS student.
1Month na ang nakalipas since nag start ang 1st day of my HS life.

"Yes Mom!" Sigaw ko at tamad na tumayo sa kama para pumasok sa banyo.

"Ang tagal mo talagang kumilos! Pano ka magiging successful nyan kung ganyan ka lagi?" Galit na sigaw nito sakin pagdating ko sa kusina para kumain.

Yumuko ako habang pinaglalaruan ang palda ng uniform ko.

"I-im sorry Mommy.." naiiyak na sabi ko.

Nandoon si daddy, si kuya Erron at ate Erica na mga kapatid ko.
Tahimik lamang silang kumakain at tila sanay na sa mga ganong eksena.

Inubos ko ang pagkain ko dahil kahit sabihin ko na wala akong gana ay lalo lamang ako mapapagalitan.

"Eli! may gawa kang assignment sa Science?" Tumabi sakin si Bea.

We are wearing our school uniform it was a white polo blouse with a seal of our school in left side pocket and white/blue checkered skirt that below the knees. It has also one light blue curve strip in front of the polo blouse so the students and teachers can easily recognize our year level.

Inilabas ko ang notebook ko at pinakita sa kanya pagkatapos humalumbaba.

"Problema mo?" takang tanong tuloy nya.

"Bea.. mahal kaya ako ni mommy?" walang emosyong tanong ko.

Napatigil ito sa pangongopya sa assignments ko at tumingin sakin.

"Alam mo, siguro wala namang mommies na hindi mahal ang anak nila.."

"Bakit ganon, pag gigising ako pakiramdam ko isang malaking kasalanan yon.." nagtatakang tanong ko.

"You know what Eli, ang mga nanay natin hindi naman nila tayo bubuhayin ng 9 months sa tyan nila kung hindi nila tayo mahal eh. Hirap kaya manganak, napapanood ko sa YT."
Ngumiti sya sakin at humilig sa balikat ko."Basta ako, mahal kita Eli!" Masayang sabi nito.

"Bakit ka nanononood ng ganon? Buntis ka ba?" tumawa ako. Napangiti na din ako dahil sa masayang ngiti nya.

"Gaga!" Hinila nito bigla ang buhok ko.

"Eli! Bea!"

Napalingon kami sa tumawag samin.

"Anong baon nyo?" dirediretsong hinalungkat ni Ian ang lunch box namin para tignan kung anong pagkain namin. "Woow may cake, sinong may birthday?"

"It's for Bamm-bamm!" natatawang sabi ko.

"And who is Bamm-bamm?"

"My maltese baby!" tatawa tawang sagot ko.

"Your malt-- What?!" Bigla nitong idinura ang laman ng bibig at nagmamadaling humanap ng maiinom na tubig.

"Ayan katakawan mo Ian! Pati pagkain ng aso di mo pinalampas!" Tawang tawa din na sabi ni Theo.

"Tatahol ka na bukas brad!" tawang tawa din si Kyst sabay tapik sa balikat ni Ian.

"Wala naman ingredient ng dogfood yan diba Eli?" naiiyak na sabi ni Ian.

"Actually, i'm not sure Ian bigay lang yan ng friend ni ate Erica kanina. I'll ask her if you want.."

"Samahan nyo ako sa clinic!" Natataranta at naiiyak na sya.

Sweet GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon