Chapter 5

11 1 0
                                    

"Ako na kaya manligaw kay Drillon.." Nakahalumbabang sabi ni Natalie.

Nandito kami sa beach bar. Juice lang naman iniinom namin dahil kahit papaano alam namin ang aming limitations.

"Pikutin mo na pati girl!" Sakay naman ni Sav.

"Pano ko mapipikot girl kung hindi ko pa naman jowa?" Natalie.

"Pano mo magiging jowa eh puro ka lang salita dyan? Kilos kilos din pag may time." Natatawang sabi ni Savannah. May pagka lowkey din pala mga to.

"Ikaw ba Eli, wala ka bang natitipuhan ngayon?" Bigka ay tanong ni Natalie.

"I had, but got rejected." I said smiling.

"You've got always rejected huh, sino yan? Pangalanan mo naman!" Asar sakin ni Savannah.

"Clue?" Sabi ni Natalie sabay tila nagiisip.. "Gwapo?"

Tumango ako nang natatawa.

"May girlfriend?" Savannah.

"Siguro, but it doesn't make sense.. as I've told you girls earlier he rejected me na so there's no reason for me to keep falling for him." I sighed.

"Grabe ang lalim!" Natalie reacted. "Maybe kung crush mo lang siya you doesn't feel that way, mahal mo na sya ano?"

"Of course not, I'm still young para sa ganyang bagay."

"Hey, age doesn't matter when it comes to love." Savannah said.

"Para sa mga may gusto lang yan sa mas matanda or bata diba.." Tila nag iisip pang sabi ni Natalie.

"Tingnan nyo na, hindi nyo pa sure kung para kanino mga ganyang klase ng motto!"

Nagtawanan at kwentuhan lang kaming tatlo hanggang sa magkasawaan. Napagpasyahan namin dumaan sa Comfort Room para mag ayos bago bumalik sa aming cottage.

"Oh my God!" Biglang nagtakip ng mata si Sav.

Tiningnan namin ang daan at nakita namin si Kevyn, nakikipaghalikan sa kasama nyang babae kanina.

I literally can't move that moment. Kung hindi pa ako hinila ni Natalie hindi pa ako kikilos para maglakad papasok sa Cr.

"Ouch." Bigla kong nabigkas out of nowhere.

Nagulat sa akin ang dalawa at nagkatinginan sila.

"You like Kevyn!" Mahina pero gigil na sabi nila.

Umiling ako.

"Hindi na." Galit na sabi ko.

"Eh bakit ka galit?" Inaasar na nila ako.
"Kasi may kahalikang iba?" Savannah added.

"May nakaraan ba kayo?" Natalie asked me.

Napabuntong hininga ako at naikwento ko tuloy sa kanila ang tungkol sa amin ni Kevyn hindi naman lahat pero umamin na ako, na noon gusto ko sya at ngayon I'm trying hard to forget that damn feelings for him.

"Ayan yung kamukha ni Drillon!" Kinikilig na sabi ni Natalie sabay turo sa screen ng laptop.

It was 10pm at oo, tinotoo nila na ipapanood nila sa akin yung movie ng kamukha ni Drillon.
Hindi ko maiwasang maconfuse sa mga kaganapan sa movie.
Grabe itong dalawa hindi ko akalain nakakapanood na ng mga ganitong klase ng movie.

We're wearing now our sleepwear and ready to sleep anytime dahil nakakapagod din naman ang maghapon.

Dahil sa napanood namin nahirapan tuloy ako makatulog agad. Tulog na sina Sav at Natalie.
Napagdesisyunan kong bumaba ng cottage at pumunta sa harapan ng dagat.

Sweet GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon