Chapter 4

17 2 0
                                    


"Let's go?" Kinuha ni Kevyn ang gamit ko at ipinasok sa compartment ng kanyang kotse.

May driver kaming kasama dahil 3 days and 2 nights kaming mawawala kailangan ng mag-uuwi ng sasakyan nya.

We're on the backseat at tahimik kaming dalawa. It feels like we are building walls between us.
Nakakalungkot lang dahil biglang nagkaroon ng tensyon na dati ay wala naman.

I'm wearing a yellow stripes spaghetti straps na crop top at tinernohan ng white high waisted shorts. I'm also wearing my strappy sandals para hindi hassle ang pagtatanggal ng buhangin.

Si Kevyn naman ay naka dark blue shirt with tribal prints on front and gray sweat shorts at tinernohan ng light gray sneakers.

He looks awesome.

Napahawak ako sa sentido ko nang marealize ang iniisip ko.

"Are you okay?" He looks concerned.

"Of course, Kev." Pinilit ko ngumiti.

Muli kong naalala ang mga sinabi nya sa akin at ang pangako ko sa sarili ko na isinulat ko pa sa likod ng picture nya.

Pagkasakay namin sa eroplano ay pinilit kong huwag sya makatabi. Mas nauuna kasi akong maglakad sa kanya.

Umupo ako sa tabi ng lalaking naka sweater na maroon nakatakip ang hood sa mukha kaya hindi ko makilala. Sigurado officer din ito dahil reserved ang seats namin.

Nagbabasa ako ng librong dala ko nang magising ang katabi ko. Nagkagulatan pa kami.

It was Drillon! Kuya Erron's friend.

"Ikaw?!" Sabay naming sigaw na mahina.
Baka may mga tulog mapagalitan pa kami at mapababa sa ere.

"Bakit ka nandito?" Sabay ulit naming sabi.

Napatawa kami pareho.

"Fine you first."

"I'm an officer." I said.

"Ah oo nga pala!" natawa ito. "Bakit nandito ka sa tabi ko? Bakit hindi ka kay Kevyn tumabi?"

Isa nga din pala si Drillon sa nakakita ng nakasingit na papel na nalalaglag sa canteen noong 1st year ako kaya wala din akong maitatago sa kanya.

"Kailangan pa ba?" pabulong na sabi ko.

"Drillon kamusta pala memorization mo sa Science?" Biglang singit ni Kevyn  na nasa unahan namin.

"Bro, magbe-beach tayo! Pwede bang sa Monday mo nalang itanong yan sakin?" Paiyak na sabi naman ng isa.

"Why? Pareho lang naman ang itatanong ko ngayon at sa Monday eh." Pangungulit pa ni Kevyn.

"Pwede bang ang itanong mo naman sa akin kung anong uunahin ko billiard or scuba diving?"

"I don't want."

"Edi don't talk to me. I'm resting." Walanghiyang sabi ni Drillon sabay ibinaba ang sleep mask  nya.

"Kevyn, you're rude." kinig kong sabi naman ng babaeng katabi nito. Gusto kong silipin kung sino yun pero nagpigil ako.

"Mas rude yan!" Narinig ko pang sagot ni Kevyn.

Pagdating namin sa Parallel Shrine Beach resort dumiretso agad kami sa cottage na inihanda ng school para sa amin.
It was a seaview room. Sobrang ganda ng nakuha naming cottage, it was thatched-roofed and furnished with indigenous Filipino materials.
Floors are wooden and walls are covered in woven bamboo slats. We also have a private veranda.
Dalawang palapag ang cottage na siguradong magkakasya ang hindi hihigit sa sampo na tao. Boys and girls have separate cottages dahil mga bata pa kami at para walang ilangan.

Sweet GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon