"1st year representatives!" Tawag ni Mrs. Reyes.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Salamat po!" sabi ko nang maabot ang papel.
"This will be the requirements na kailangan nyo isubmit next week." Inabot nito ang maliit na papel sa amin na may sulat ng mga kailangan para masali sa kakandidato na 1st Year representative.
Simula nang mabasa ni Kevyn ang diary ko hindi na ulit ako nagplano na pumunta sa Second year area dahil sa kahihiyan.
Pagkalabas ko galing faculty dumiretso ako sa clinic para sana humingi ng gamot sa sakit ng puson dahil may period ako ngayon!
Kakatok na sana ako dahil nakasara ang pinto nang mapansin kong may tao naman sa loob.
Sumilip ako sa bintana at nakitang may naghahalikan!
Bago pa ako makahakbang paalis narealize ko kung sino ang mga yon!Ang OJT Nurse namin at si..
KEVYN!
Dali dali akong naglakad palayo sa lugar na yun at dumiretso sa CR.
Naabutan ko dun si Bea na nag aayos ng palda nya.
"Bes! Bakit ganyan itsura mo?" Nag aalalang tanong nito.
"Nasasaktan ako bes!" Naiiyak na sabi ko.
"Ha? Paano ka masasaktan wala ka namang boyfriend?"
"Pero may crush ako! Hindi ba pwede mabroken hearted pag crush palang?" Curious na tanong ko.
"Sayo lang ako nakakinig ng ganon! Malala na yan!"
"Tara na nga! Male-late na tayo sa next subject!" Hinila ko nalang sya palabas sa CR.
"Pano ba yan wala na tayong klase! Sumama ka sakin Eliza may pupuntahan tayo!" Masayang nakaakbay sakin si Kyst palabas ng classroom habang tatawa tawa naman ako kasi nagkakaasaran na naman sila Theo at Bea.
Nagulat ako nang makita sa labas ng pinto ng classroom namin si Kevyn na nakasandal sa pader habang nakatukod naman ang isang paa.
Siguro may kaibigan sya dito.
"Tara na!" Sabi ko kay Kyst na napatigil din sa pagdaldal sakin.
"Miss Eliza Kim Marquez?" Biglang sabi ni Kevyn na ikinakaba ng dibdib ko.
Tinatawag nya ba ako?
OMG!
Napalingon ako sa kanya at nagtatakang napatingin sa mga kaibigan ko at maging sa mga estudyanteng nakakinig pa sa pagtawag nya sa buong pangalan ko.
"B-bakit po?" Nakahawak na ako ngayon sa braso ni Kyst dahil si Bea ay nasa loob pa ng classroom.
"Pinapatawag ka sa faculty." Sagot ni Kevyn sabay lakad palayo.
Napatingin ako sa kabuuan ng likod nya habang naglalakad sya palayo sakin.
"Wag mo akong iwan!!!" Bulong ni Bea na muntik ko ng masampal.
Nagulat ako eh.
"Gaga ka talaga!" Reklamo ko.
"HAHAHAHA! Inlove ka lang!" Tukso pa nito sa akin.
Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa faculty namin bigla ko naalala ang pangyayari kanina sa clinic.
Nag init agad ang mukha ko nang pumasok na naman sa imagination ko ang halikang iyon!
"Anong iniisip mo at bigla kang namutla?"
Biglang sabi ni Kevyn na nasa harap ko na pala.Nasa may pinto na din ako ng faculty at naghihintay siya sa labas.
Di ko sure kung ako ang inaantay nito o yung nurse.
BINABASA MO ANG
Sweet Gift
RomanceEliza Kim Martinez wanted a peaceful life, a complete family, she just wanted happiness for everyone. But the unforeseen circumstances began. Her world fall apart. Even her last hope ruined her. "I'll show you what you have done to me! Kevyn Anthony...