Chapter Seven

149 50 57
                                    

CHAPTER SEVEN

KEITH HENRRY’S POINT OF VIEW

Kitang-kita niya ang pamimilog ng mga mata ni Kaith ng dahan-dahan siyang yumukod at itinuon ang magkabilang tuhod niya sa sahig.

Tahasan siyang lumuhod sa harap nito, at kahit paluhurin pa siya nito sa asin o sa munggo gagawin niya basta ba ang kapalit nito ay manatiling sila ng minamahal.

“Kumag please alam kong hindi perpekto ang relashionship na meron tayo… pero sana- sana naman ipaglaban mo kung anong meron tayo—kasi ako… ipaglalaban kita” puno ng pagaasam na pakiusap niya dito.

Parang binuhusan siya ng nagyeyelong tubig ng ‘di inaasahang makita ang tatlong beses na pagiling ng dalaga nang makahuma ito sa pagkakabigla, sa mga oras na yun—siya naman ang namilog ang mga mata.

KAITH HILLARY’S POINT OF VIEW

Kahit nanghihina ay pilit tumayo si kaith. Ayaw na niyang humaba pa ang diskusyunang namamagitan sa kanila ng kasintahan—no scratch that… ng lalaking kaharap. Dahil sa mga oras na ‘to maging siya ay hindi na alam kung anong meron sa kanila ni Keith. Hahakbang na sana siya paalis nang muli itong magsalita.

“Hindi mo na ba ako mahal?” bakas sa tono nito ang hinanakit. Napapikit siya ng madiin dahil sa narinig, How dare him—how fucking dare him para tanungin siya ng ganoong bagay. Mabilis niya itong nilingon, wala sa sariling napatitig na lamang siya dito. Nakatayo na ito mula sa pagkakaluhod. Parang dinudurog ang puso niya habang nakikita ang pagagos ng mga luha nito sa makinis nitong mukha.  Hindi niya maintindihan kung bakit nasagi pa sa utak nito na tanungin siya kung mahal pa niya ito. Gayong siya dapat ang may karapatang magtanong ng puno ng hinanakit dito ng bagay na yun. Dahil siya ang nanloko at hindi ako.

“Oo Keith hindi kita mahal” nakita niya ang litiral na pagbagsak ng balikat nito. Tila nawawalan ng pagasang tumingala sa kisame ng kanilang salas. “Dahil ang totoo… MAHAL NA MAHAL KITA KEITH—Sobra kitang mahal” pagtatapat niya. Tila natulalang tinitigan siya nito ng marinig ang pahayag niyang yun. “Hindi kayang burahin ng ginawa mong pagtataksil ang pagmamahal na yun” dagdag pa niya. Pinilit niya ang sariling masabi ang mga iyon ng hindi pumipiyok man lamang. Kung ilang lakas ang nagamit niya mapigilan lamang ang nagbabadyang mga luha ay hindi na niya mabilang.

“Mahal mo ako?” hindi makapaniwalang ulit nito saka napa-tsk. “Mahal mo ako pero hindi mo kayang ipaglaban kung anong meron tayo” He said in dead serious tone.

Nairita siya sa mariing pagbigkas nito sa huli. Pilit na kinakalma niya ang sarili bago sumagot. “Dahil magkakaanak ka na—and luckily sa ibang babae pa. galing nuh” I said as sarcastic as I could. F*ck just F*CK! 

“Papanagutan ko siya kung yan ang gusto mo—susuportahan at bubuhayin ko ang bata. Kaya kong magpakaama—pero maipapangako mo bang hindi ka kailanman mawawala sa akin” puno ng awtoridad na saad niya.

Halos malukot na ang noo niya dahil sa kahibangang narinig mula dito. “Kelan pa naging ganyang kakitid yang utak mo Keith?-- kelan ka pa naging makasarili?” hindi makapaniwalang tanong niya. She saw keith’s jaw clenched as he closed his eyes as if regretting everything he just said.

KEITH HENRRY’S POV

“Sana naisip mo yan bago mo binuntis yung babaeng yun—kung talagang totoong hindi mo kayang mawala ako sa buhay mo” Sumbat niya. “Yeah… pwede mo ngang gawin ang lahat ng yun. Pero hindi ka ba magaabalang tanungin kung anong mararamdaman ko sa ganoong set-up? Huh Keith?” nakita niya ang pagyuko nito. “Kasi nga ang selfish selfish mo. You’re too selfish to risk heartbreak! I can’t believe you are too damn selfish that you’d rather do wrong things than make things right for once and for all”

Kaith’s words struck her. She was right—fucking right. He was being selfish because of loving her—damn so much.

“Hindi mo pa rin ba nakukuha?—Im letting you go.” Matigas na saad nito. Word by word.

Tumigas ang mukha niya.”You’re letting me go?” hindi makapaniwalang pagklaro niya sa huling sinabi nito.

“Oo” puno ng tapang na sagot nito “Dahil hindi kayang atimin ng konsensya  kong maging masaya habang may mag-inang nagdurusa dahil sa pinairal ko ang pagiging makasarili ko”  saad nito saka ngumiti ng mapakla. Parang slow mo- ang pagtalikod nito sa kanya.

Umiling siya sa sarili. Hindi niya kaya. Hinding hindi  niya makakaya. Dali-dali  niyang naabot ang braso nito bago pa makaakyat ng hagdan. “Pl- please don’t hate me” puno ng sinseridad na pakiusap niya dito.

“I don’t hate you… I’m just disappointed you turned into everything you said you’d never be” she said without even bothering to look at him in dead cold tone.

Mas malalala pa sa kamatayan ang nararanasan niya matapos bitawan nito ang mga salitang yun. Mga salitang nagiging dahilan ng sunod-sunod na pagagos ng mga luha niya.

Ni hindi na niya namalayang nakaalpas na ang brasong kanina lang ay hawak-hawak niya. Wala na ang babaeng pinakamamahal—pinakapapangarap. Kusang kumuyom ang kanyang kamao. Gustong gusto niya itong ipaghahampas ng walang tigil sa dibdib niya. Gustong-gusto niyang durugin ang kanyang sariling puso hanggang sa tumigil na ito sa walang kwentang pagtibok. Hanggang sa wala na siyang maramdaman—hanggang sa mawala na ang sakit na nadarama.

▬▬▬

Naiyak ba kayo? Sana naiyak kayo! Waaa kasi ako naiyak ako hahaha muntanga akong nagta-type habang umiiyak. Masyado akong nacarried away. Chos!

Wag kayong magalit kung short update please, please, please!! Love niyo naman ako diba. Mhua  mhua.

Kitakits sa next chappy!! Salamat sa pagbabasa ng story ko.

Glai

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fight for your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon