Chapter Five

243 59 44
                                    

CHAPTER FIVE

Natagpuan nalang niya ang sariling nakatitig habang marahang hinahaplos-haplos ang nakatanim na lapida ng namayapang kaibigan. Si Vince Ian Clefford o mas kilala bilang si Vic.

Higit pa sa totoong magkaptid ang turingan nilang dalawa noong nabubuhay pa ‘to. Ito ang nagiisang kasangga niya sa buhay noong mga panahong ito pa lang ang tanging kaibigan niya. Tagapagtanggol niya kapag may umaaway sa kanya. Nagpapasaya kapag nalulungkot siya. At nagpapatahan kapag umiiyak siya—Noon.

Dahil simula ng mamatay ito sa sakit na cancer sa dugo 9 years ago ay parang kalahati na ng pagkatao niya ang isinama nito sa hukay.   

Nakakatawang isipin na kahit wala na ito, ay ito at ito pa din ang takbuhan niya kapag malungkot siya. Sa puntod nito nailalabas niya ang lahat ng hinanakit niya sa buhay—Sa mundo.

Ang pumanaw na kababata ang unang unang nakakaalam palagi ng mga problema niya. Katulad nalang ngayon, dis-oras na ng hatinggabi ay nandidito na agad siya at iniiyakan ang matagal ng patay.

Matapos kasi nyang umeskapo sa dinner date nila ng kasintahan ay dito na naisip ng mga paa nyang pumunta. Parang may mga sariling isip ang mga itong sumakay ng bus na huminto sa tabi ng kalsada kanina habang naglalakad siya sa kawalan.

Ni hindi na nga nya nainda ang mahaba-habang byahe makarating lang dito. Wala siyang pakealam kung nasa simenteryo siya at mga patay ang nakapalibot sa kanya ngayong mga oras na ito. Ang mahalaga lang para sa kanya ngayon ay makasama si Vic.

“Hoy Vic hindi ka ba nangangalay dyn? nine years kanang nakahiga dyn ah! Aba bangon bangon din naman pag may time” pabirong saad niya habang patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang mga luha.

Nine years. Nine long years na siyang tumatambay at kinakausap ang puntod na nasa harap. Para siyang baliw na inaasam asam na isang araw babangon ito sa pagkakahimlay at makikipagkwentuhan sa kanya.

Inaantay niyang mainis ito katulad noong mga bata sila kapag umiiyak siya, para bumangon ito at icomfort siya. Pero sa hinabahaba na ng panahon na lumipas ni isang hug wala siyang napala.

Napangiwi siya habang sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. “Ang sakit… ang sakit, sakit… kuya! Sobra” hindi na niya napigilan ang mapahagulgol ng iyak habang sinasabi niya ang mga katagang yun. She cupped her face with both of her hands.

Sa sobrang sakit—bigat ng nararamdaman niya sa mga oras na ‘to wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak nalang.

“Ang ingay mo namang umiyak, magigising si Vic sa ginagawa mo “ mula sa kanyang likuran ay may naririnig siyang mga yabag papalapit sa kanya.

Ni hindi siya nagtubiling lingunin ang isa sa mga traydor niyang kaibigan. Pasimple niyang pinunasan ang basang mukha gamit ang sarili niyang mga kamay.

Pero laking gulat niya ng isang telang puti ang iniabot nito ng makalapit sa kanya.“Anong ginagawa mo dito?” walang kaemoeemosyong tanong niya dito. Pinilit niya ang sariling hindi pumiyok.

“Ang aga-aga mo namang istorbohin ‘tong si Vic. Kita mong nagpapahinga pa yung tao”  sermon nito sa kanya habang abala sa pagaalis ng mga tuyong damo na nakasiksik sa gilid ng lapida.

Ni hindi man lang ito nagabalang sagutin ang tanong niya. Maya-maya pa’y naramdaman niya ang pagpatong nito ng kung ano sa balikat niya.Hinubad pala nito ang maong na jacket nito. Saka siya nito tinabihan at nagsalitang muli. “Pinagalala mo ako—kami .”

Natawa siya ng mababaw sa narinig. All this time pinaggagago lang siya ng mga ito. And now they have the guts to get worry about her? What the Fuck.Nakakagago lang diba.

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Tumigil na din siya sa pag iyak. Ni hindi na din siya nagabalang ipagtabuyan paalis ang lalaking kasama dahil alam niya sa sariling kahit mamaos pa siya sa kakataboy dito ay hindi ito susunod sa kanya.

“Totoo ba talaga yun?” wala sa sariling naitanong niya dito. Nilingon nya ito ng mapansing hindi nito sinasagot ang tanong niya.

She saw David took a cig. Out from his pocket and lit it. He inhales his cig. And puffeit.  Bago siya nito tinignan, pero kaagad din nitong binawi,  then nod.

Her mouth hung open after she saw him nod. And then it hit her. Parang nawawalan ng pasensyang nagpakawala sya ng hangin.

“Totoo” hindi makapaniwalang ulit niya, pero ngayon it’s a fucking statement and not a damn stupid question anymore.

This entire time alam nila ang tungkol dito and yet they didn’t bother to tell her the whole truth. At kung hindi pa pala sasabihin ng Shanei na yun hindi nya malalaman. Bwisit! Pano nila nagawa sa kanya ang mga bagay na yun. Bakit? Para ano, magmukha syang tanga, ganoon?

Sayang-saya ba ang mga itong makita nagmumukha siyang tanga habang paniwalang paniwala sa dramang inembento nila—para paniwalain syang meroon syang tunay na mga kaibigan at loyal na boyfriend. F*ck that crap!

Kasi kung oo ang sagot sa lahat ng nasaisip niya. Aba! Big applause sa kanilang anim dahil nagtagumpay sila. Leche!

“Why?” ito na nga lang ang tanging naisatinig niya pero putcha pumiyok pa siya. “Kasi ayaw niyang malaman mo, gusto niyang manahimik kami---

Pinutol niya ang sanang sasabihin nito.“At sinununod niyo naman—

“Yes” sa pagkakataon na ‘to si David naman ang pumutol sa dapat na itatanong niya. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga naririnig niya ngayon.

Kaibigan din naman niya ang mga ito pero bakit mas pinapaburan pa rin nila ang walang hiya nyang kasintahan? Bakit siya nagawang pagtulong-tulungan ng mga ito? Bakit – puro nalang siya tanong 

“Pero hindi ibig sabihing nanahimik kami eh pumayag na kaming gaguhin ka ng boyfriend mo.” Hinarap siya nito. “You have no idea kung gaano kami nagtimping patayin si Keith dahil sa kagustuhan naming sa kanya manggaling ang totoo” mahabang paliwanag sa kanya ng kaharap.

Nanghihinang napayuko si kaith matapos makumpirma mula sa kaibigan ang lahat. Saka isa-isang naguunahan na naman sa pagpatak ang mga butil ng kanya luha.

Narinig pa niya ang mahinang pagmura ni David. Then without another word ikinulong na siya sa mga bisig nito. Kasabay nito ang panlalabo ng kanyang paningin na sinabayan pa ng pagsakit ng kanyang ulo. Narinig pa niyang paulit-ulit na tinatawag nito ang kanyang pangalan habang tarantang tinatapik siya ng kaibigan sa pisngi bago siya nawalan ng ulirat.

 ▬▬▬▬

okay una sa lahat pasensya na kung sabaw man para sa inyo itong update ko. naisingit ko lang talaga siya ngayon eh madami daming ginagawang kabalbalan sa school namin masyado. hahahah

Any ways kasama sa ranking yung story na to. pangalawang beses na to, una #9 siya meron akong screen shot nun kaso nakakainis yung memory card ko dahil biglang nasira. hindi ko expected to. #471 in teen-fiction ngayon ang Fight for your love at hindi mangyayari yun kung hindi dahil sa inyong lahat na ngbabasa nito mapasilent readers man or hindi!! Thank you very very  much.

At dahil dyn try ko magupdate sa sunday.. TRY LANG... TRY!!

Glai

Fight for your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon