Chapter One

854 156 98
                                    






Prenteng nakatayo si Kaith sa harap ng full length mirror while staring at herself from head to toe. Saktong sakto lang ang pagkakapahid ng nude eyeshadow sa maningkit-ningkit niyang mga mata.

Habang rosy-chic naman ang kulay ng kanyang parehong pisngi dahil sa blush on na ipinahid dito. Sumilay ang maliit na ngiti mula sa mamula-mula na may pagka-pinkish niyang mga labi dahil sa pagkasakto ng ayos ng kanyang buhok sa ayos ng kanyang mukha ngayong gabi.

Simpleng braid hairstyle lang ang ginawa dito ng hairstylist, pero mas lalo niyang ikinatuwa ang ipinatong nitong maliit na tiara para magmukha talaga siyang ganap na prinsesa.

Kitang-kita rin sa salamin ang magandang hubog ng kanyang katawan sa suot niyang pure white strapless ruffles evening gown, na tinernohan ng isang simpleng 5inch silver stilettos para kahit papano ay makatulong sa pagdagdag ng kanyang height.

"Pasok bukas yan" walang lingong wika niya matapos makarinig ng tatlong mahihinang katok mula sa pinto nang kanyang silid.

Then the door opened at iniluwa nito ang isang lalaki. Saglit na napahinto siya sa ginagawa at napako ang attensyon sa lalaking nakatayo sa entrada ng kwarto niya.  Ang gwapo talaga, susme!- naisaloob niya.

Sunod-sunod na pagkurap pa ang kanyang ginawa bago tinignan ng maigi ito. Nakasuot ito ng maong pants pero tuxedo ang ginamit nitong pangitaas. Habang itim na balat na sapatos naman ang sapin nito sa paa.

"Whoa!" tinignan siya nito mula ulo hanggang paa na puno ng paghanga."Hi gorgeous."

Napangiwi siya dahil sa ginawang pagtitig ng nilalang na nasa kanyang harap.  Titig na sa tinagal-tagal na niyang naeencounter ay hindi nabibigong magdulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam.

Ewan ba niya, kung bakit hindi pa rin siya masanay sanay sa ganoong pakiramdam na sa tuwing titignan siya nang mga nangungusap nitong mga mata ay biglang nagkakariot sa tyn at puso niya.

"Hey, are you alright?"untag nito sa kanya.

Wala sa sariling napatitig na lamang siya sa mukha nito saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. He also smiled at her, revealing his perfect set of teeth.

Pinigilan niya ang sariling mapa-ohh-la-la dahil sa pamatay nitong pagngiti. Relax Kaith wag kang harot-saway niya sa sarili.-Gosh those very beautiful brown eyes, his sensually molded lips and his smile-Namiss ko ang mga iyon... Namiss ko siya... Sobra.

"Alam kong ipinanganak akong gwapo at yummy pa. Kaya please wag mo ng ipamukha pa-And starring is rude. Wag mo akong nilalapa-lapa dyn sa isip mo."

Ang pagpisil nito sa kanyang kamay ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Doon lang niya napagtantong nakalapit na pala ito sa kanya. Her eyeballs rolled automatically nang marinig ang pangiinis nang kausap.

Halos malaglag ang puso niya dahil sa pagkakagulat nang maramdaman ang dalawang pwersa ng kamay na pumipisil sa magkabilang pisngi niya.

"Kumag, ano ba! Yung make up ko masisira" iritadong tinabig niya ang mga kamay nitong kasalukuyang pinangigigilan ang mga nakakaawa niyang pisngi. Padabog niya itong tinalikuran para suriin sa harapan ng salamin kung nasira nga ba ang pagkakaayos dito.

"Ang arte naman nito" mula sa likod ay niyakap siya nito "Ipaulit mo nalang, namiss ko kasi ang mga yan ng sobra sobra" nangiinis nitong bulong sabay ngumisi na parang aso.

Fight for your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon