Chapter Six

177 58 51
                                    

Hi. Super natuwa ako sa nagmessage saken kagabi. Ang galing ng pagkakacombine ng names ng love team 

*HenLLary* for kaith Hillary and Keith Henrry and *KieLyne* for Daniella Lyne and David Kiel

P.s please don't hate me sa chapter na to waaaaa

CHAPTER SIX

KAITH HILLARY’S POINT OF VIEW

Tanghali na ng magising si Kaith  kinabukasan. Alam niya yun dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Ang hindi niya alam, ay kung paano siya nakarating sa kamang hinihigaan. Napangiwi siya ng biglang makaramdam nang pananakit ng kanyang ulo, pero ‘di katulad noon na pagkatanghali ng kanyang gising ang dahilan sa biglaang pagsakit nito, kundi ang pagiyak niya ng walang humpay  sa harapan ni David at nang puntod ni Vic ang dahilan sa likod ng dinadaing na pakiramdam. Para nanamang nilalatigo ang puso niya dahil sa mga pangyayaring naganap nang nagdaang magdamag—Kung papaano siya natuwa dahil sa surpresang hinanda para sa kanya ng kasintahan, hanggang sa kung paano siya nagimbal dahil sa rebelasyong nakumpirma niya mula rito.

Idag-dag pa ang walang ngiming pagsasabwatan ng mga kaibigan niya para maitago sa kanya ang katotohanan. Hindi na napigilang pumatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata, dala ng sobrang sakit na nadarama. Pero kaagad din niya itong pinahid gamit ang likod ng sariling palad dahil sa nakitang pagpihit nang doorknob ng kanyang silid.

“Good morning anak breakfast in bed” nakangiting bati sa kanya nang Ina,pagkapasok ng kanyang silid. Pagkalapag nito ng tray sa mesa ay tinabihan siya nito sa kama. Saka marahang sinapo ang kanyang noo, na labis niya namang pinagtaka. “Okay, na ba ang pakiramdam mo anak?” ani nito na bakas ang pagaalala sa maamo nitong mukha. Humugot muna siya ng isang malalim na buntong hininga bago tumango.

“Past two, kana naihatid ni David at Keith dito sa bahay. Nahilo ka daw kaya nahimatay ka—Dinala ka muna nila sa hospital bago ka nila dineretso dito sa bahay para makasiguradong okay ka.” Saglit siyang napatigil sa pagnguya at napatulala sa mga narinig mula sa ina. Hindi siya makapaniwalang ang kasintahan pa rin pala ang naghatid sa kanya pauwi. Buong akala kasi niya ay si David lang ang  naguwi sa kanya dito, dahil ito lang naman ang kasama niya sa simenteryo kagabi.

Hindi niya alam kung ikatutuwa ba niya na kasama si Keith sa naghatid sa kanya pauwi at nakagawa ito ng magandang alibi para hindi makarating sa ina ang kamiserablehan niya kagabi. Or ikaiirita niya dahil for the second time around, ay nakipagsabwatan na naman ang isa sa mga traydor niyang kaibigan sa manloloko niyang kasintahan.

Naguguluhan man ay tumango nalang siya saka pilit na nginitian ang Ina. Wala siyang balak ipagtapat dito ang mga nangyari sa kanya nang nagdaang magdamag. Hahayaan nalang niyang isipin nito na totoo ang mga inembentong kwento nang mga naghatid sa kanya.

Mahabang oras ang matuling lumipas at pasado alas tres na ng hapon, pero wala pa ring nata-type na kahit isang paragraph or kahit sentence man lamang si Kaith sa kanyang ginagawang thesis. Kinakailangan na kasing ipasa ito sa darating na lunes, kaya kahit masama ang kanyang timpla ay pinilit niya ang sariling gawin ito. Pursigido kasi siyang matapos ito kahit na sabado pa lamang ngayon. Pinakaayaw niya kasi sa lahat ang nagagahol siya ng oras, lalo na kung involve dito ang mga aktibidades sa kanyang pinapasukang unibersidad.

Pero kapag tinamaan ka nga naman ng magaling! Kanina pa siyang umaga nakaharap sa kanyang laptop at pilit kino-concentrate ang utak, ngunit lumipas na ang maghapon ay walang kahit isang idea ang pumapasok dito. At kada tatangkain naman niyang tumipa ng mga letra sa keyboard ng kaharap na aparato ay natatagpuan nalang niya ang sariling binubura ito.

Natigil ang akmang pagpindot niya sa keyboard nang makarinig siya ng mga papalapit na yabag. Paglingon niya ay kusang napamaang ang kanyang mga labi sa nakita. Parang may mga hallow blocks na nakadagaan sa kanyang dibdib ng magkasalubong ang kanilang mga mata. Nakadenim jeans at stripe polo shirt ito. Halata din dito na hindi nakakatulog nang maayos dahil sa pangingitim nang ilalim na bahagi nang mga mata nito.

Fight for your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon