FIRST KISS

404 135 58
                                    

Hello! andyn pa ba kayo readers? yuhoooooo!! XD 

Sorry po talaga kung ngayon lang ako nakapag update naging busy po kasi sa school you know sipag sipagan mode hahaha. well anyway nga pala guys ini-edit ko yung mga naunang chapter nitong story hmmm. pwede niyong basahin ulet mula  sa chapter one. pwede ding hindi kung tinatamad kayo. So yun lang po sana magustuhan niyo itong chapter na to. 

Enjoy reading!!!

P.S. Malapit na po ang christmas hmm vote, comment, plug, kahit ano dyn okay na sa aking christmas gift. yun lang 

Mhua :*

DANIELA POV

Nagiikot-ikot lang ako ngayon dito sa loob ng mall, habang nilalantakan ang large size fried ice cream na binili ko sa food court kanina lang.

After kasi ng dismissal namin, dumeretcho na ako dito para magbawas ng stress dulot ng collage life. Akala ko dati mas masarap ang buhay kolehiyo. Yung tipong Gala Dito Gala doon. Party dito Party doon. Happenings dito Happenings doon.Pero nagkamali pala ako ng inakala.

Masisisi nyo ba ako kung yun ang nakatanim sa kokote ko. kasalanan to ng mga Korean novelas at teleseryeng pinalalabas sa t..v eh. Dahil lahat ng yun ay mali, isang malaking pagkakamali Dahil magmula nang tumuntong ako ng kolehiyo, dito na nagumpisa ang kalabaryo ng buhay ko.

Pimples, stress, eye bags ang mga ito ang naiiwang remembrance ng bawat reportings, thesis, reviews na pinagtyatyagaan ko para wag lang akong masingko!

Umupo nalang ako sa may isang bench dito sa mall. Sa gitnang bahagi kasi ng first floor nakalocate yung tinatawag na open space, na ginagawang tambayan ng mga couple na over makaPDA, Magbabarkadang halos mapunit na ang mga pisngi dahil sa tawanang walang humpay at aakalain mo ngang mga kiti-kiti dahil sa kanilang paghaharutan. At cympre, mawawala ba naman ang mga kagaya kong LONER SHOPPER.

I looked at my phone to check kung may nagtext ba. Noong nakita ko namang wala ni tuldok na naligaw sa inbox ko ay kaagad ko na itong ibinalik sa loob ng bag ko at pinagpatuloy nalang ang paglantak sa hawak kong ice cream.

Nasa kalagitnaan siya nang pagsubo ng kinakain ng mapansing may eksenang nagaganap sa harap ng supermarket na katapat lamang ng bench na kinauupuan niya. Halos napukaw na nito ang pansin nang lahat ng tao sa lugar.

Agaw eksena kasi ang pagluhod ng isang babae sa lalaking nakatayo sa paanan nya habang umiiyak. At eto namang si boy ay pilit na syang hinihila pero sadyang tinakasan na yata talaga ng hiya itong girl kaya ayaw talaga paawat sa kadramahan niya.

Halos mailuwa ni Daniela ang last scoop ng kinakain ng lumingon sa direksyon nya at magtama ang kanilang mga mata ng lalaking kasalukuyang involve sa nakakahiyang eksenang nagaganap sa mall.

Para siyang nakakita ng multo dahil literal siyang  nanigas sa kinauupuan niya. Parang huminto ang buong paligid nya. Pati ang kanyang paghinga parang anomang oras ay hihinto na rin. Pero alam nyo ba kung anong hindi huminto? Ang kakaibang pagtibok ng puso niya na lagi nyang nararamdaman sa tuwing makikita or makakalapit niya ang lalaking ito. Nakakatawang isiping ito lang ang nakakapagpatibok ng ganito sa puso niya. At mas lalo lang itong lumalala habang pinanunuod niya ang bawat paghakbang nito papalapit sa kanyang pwesto. Gustuhin man nyang tumayo at tumakbo palabas ng gusali ay hindi niya magawa para syang naplaster sa kinauupuan nya ni ayaw makisama ng bawat parte ng katawan niya wala na siyang ibang nagawa nang makalapit na ito sa kanya kundi ang…

Bigkasin na lamang ang pangalan nito.

“David”

Fight for your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon