Chapter two

504 148 99
                                    



CHAPTER TWO


Kaith opened her chinky eyes. She groaned as she felt a throbbing pain inside her head. 

Kaagad niyang kinapa ang cell phone sa ilalim ng unan na hinihigaan. Napamura nalang siya ng makita kung anong oras na.

It's already 2:30 in the afternoon. Paano ba naman hindi siya pagsasaktan ng ulo eh, hinapon pala siya ng gising. 

Sumilay ang isang ngiti mula sa kanyang labi ng maalala ang naging dahilan ng pagkapuyat niya.

Nakalipas na ang magdamag pero sariwang-sariwa pa rin sa kanya ang lahat ng mga nangyari ng nagdaang magdamag, lalong lalo na ang surpresang ginawa ng kanyang kumag. Ang sweetest dance ever nila.

Isa-isa niyang binasa ang mga text messages na halos magpasabog sa inbox niya. Karamihan sa mga ito ay belated greetings ng mga taong hindi nakadalo sa selebrasyon ng kanyang kaarawan kagabi. Ang iba naman ay nanggaling sa mga guest-saying "thank you" and "goodbye".

Pero isang text message ang nakaagaw ng kanyang pansin. Dahilan para mapangiti pa siya ng ubod ng lapad.

[Good morning to the most beautiful and only princess kumag in my entire world and heart. Gising na aba! Batugan ka talaga.  I love you kumag.]

Napa-tsk nalang siya sa huling nabasa. Okay na sana, kinikilig na nga siya eh, pero pinahabulan pa talaga na batugan siya.

Holy crow.

After ng morning rituals, bumaba na siya para kumain. Naabutan niyang abala sa pagkain ang kanyang Ina at nakababatang kapatid. "Good mor—afternoon"bati niya sa mga ito nang makaupo siya. Napatingin sa kanya si Hazel na umiinom ng pineapple juice.

"Oh ate... nagising ka pa—

"Shhh hazel!" saway dito ng kanilang ina. Binelatan niya muna ito and mouthed "buti nga sayo" habang kumukuha ng hotdog at adobo pati na rin ng rice at inilagay sa sariling plato. Nag-"nye-nye" lang ito and then rolled her eyes on her.

Hindi nalang niya pinansin pa ang kapatid, sa halip tinuon nalang niya ang pansin sa pagkain. Masyado siyang masaya para patulan ang pagkaisip bata nito. Isa pa alam din niyang asar talo naman ito.

Matapos makakain at makapaglinis sa dining area kaagad sumalampak ng upo si Hazel sa harap ng computer. Pusta magla-like lang yan ng mga status at DP's ng mga facebook friends niya, para ilike back din siya ng mga ito—Pafamous din 'tong isang to eh. Habang siya ay umakyat na sa itaas para bumalik sa kanyang kwarto.

Pagpasok sa sariling silid ay kaagad sumalampak ng higa si Kaith sa sariling kama. At inabot ang may kakapalang libro na nakapatong sa night table niya at saka inumpisahang basahin.

Konting araw nalang kasi ang bibilangin at maguumpisa na ang examination niya. At kailangan niyang humabol dahil medyo nahuhuli na siya sa mga lessons niya dahil masyado siyang naging abala ng mga nagdaang lingo sa paghahanda sa kanyang  kaarawan.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng biglang tumunog ang kanyang cell phone. She touched the green button to answer the call. "Hello" bungad niyang bati sa kabilang linya.

"Wilab may ichichik—hindi  na nito natapos ang sasabihin ng putulin niya ito."What about him?"

knowing her so much, alam na alam ko na kung anong ichichika niyan. Narinig  pa nyang nagbuga ito ng isang malalim na hininga mula sa kabilang linya na parang nawawalan ng pasensya.

Fight for your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon