WCATR 4: Broken and Jaded

229 23 51
                                    

CHAPTER 4 - BROKEN AND JADED

Isa na namang maulang hapon ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng classroom namin. Kakatapos lamang ng klase namin. Marami ang tao sa corridor ngunit wala ni-isa sa kanila ang tinapunan ko ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa aking puting tote bag na may disenyo na Starry Night ni Van Gogh saka naglakad patungo sa exit ng General building.

Mas lalo pang lumakas ang ulan nang marating ko ang bukana ng gate. May mga ilang estudyante na ang pinipiling magpakabasa habang ang ilan naman ay mas piniling maghintay na tumila iyon kagaya ko. Ang ilan ay nagrereklamo na kung bakit ngayon pa raw umulan gayong napaka aliwalas naman ng klima kaninang umaga.

While the students were pissed because of the sudden rain, I watched the gloomy dark sky and how it poured out its heavy raindrops.

I always like a rainy day like this. It brings a different kind of warmth to my heart, and I find comfort in it.

The rain reminds me that it's alright to be sad. Para itong umiiyak habang sinasabi na okay lang na masaktan at hindi mo kailangang pilit na ngumiti.

That it was never wrong to feel the storm inside sometimes.

"Rayne!"

Nawala ang aking atensyon sa mas lumalakas pang ulan nang may tumawag sa aking pangalan. Gusto ko pa sanang magmuni-muni even just for a minute and savor the rain, but I know I can't. I have numerous responsibilities to deal with.

I composed myself and tried to give the sincerest smile that I could.

"Vash," I greeted her back.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko saka matamis na ngumiti. May dala siyang camera at nakasuot ng press ID. She's still wearing their department uniform underneath her cardigan.

"Are you going to the office?"

Tumango ako saka hindi na muling umimik. Hindi ko na kailangan pang ibalik ang tanong sa kan'ya dahil alam kong doon rin naman ito patungo. Halata naman kasing kakatapos lamang nitong magco-cover ng event.

"Um, Rayne..." Muli ko siyang nilingon. Vash was looking at me with worried eyes. "Kung magbago ang isip mo about sa conference, sabihan mo lang ako."

I heaved a deepest sigh and looked away. Isa iyon sa kanina ko pa iniisip matapos marinig ang pag-uusap ni Vash at Ms. Aronzado. Hangga't maaari ayokong magkaroon ng dahilan para mapalapit ako sa publication ngunit kung iyon din ang magiging dahilan para hindi ko magawa ang plano ko ay wala ring saysay. Mawawalan ng halaga ang lahat ng ito at maging ang pagpasok ko sa pub.

"Hindi ako suitable sa position kung hindi ako makakasama sa conference, right?" I asked.

Gusto kong sa kaniya mismo manggaling.

"We think that if you became an EIC, we need your presence in those conferences. You have to lead them, and you can't do that if you're not going to participate."

Malungkot na ngiti ang muli kong pinakawalan. I don't have a choice.

"Reserve me a slot then."

"You're going?"

"If that's what it takes. I will," I said with determination.

Lumawak ang ngiti sa mukha ni Vash nang sabihin ko iyon. Alam kong nag-aalala ito sa iiwanan niyang posisyon kaya ganoon na lamang ang inisyal na reaksyon niya sa akin. Alam ko kung gaano si Vash ka-dedicated sa pamumuno sa pub kaya hindi ko siya maisisisi. She only wants what's best.

Nang tumila ang ulan ay sabay kaming nagtungo sa publication. Ala-una pa lamang ng tanghali ngunit parang kakaunti na lamang ang tao sa school. Nang makarating kami sa office ay tahimik ang buong atmosphere. Kanya-kanya pa rin ng pwesto ang mga editors samantalang ang ilang trainees ay nasa common table.

What Comes After The RainWhere stories live. Discover now