CHAPTER 11- THE SAME DIFFERENCE
"Cadogan! Carreon! May ico-cover kayo sa Grimsfield," bungad sa amin ni Vash pagkapasok pa lamang niya sa room ng pub. Dumiretso siya sa pinakadulong table na para sa Editor-in-Chief.
I heaved a sign. Sinarado ko ang laptop ng TVOA na gamit ko sa pag-proofread.
"Wala pa si Nash," anunsyo ko. Tumingin siya sa upuan nito upang makumpirma iyon.
"Late na naman ang isang yon. Hindi na dumating ng maaga."
"Ano bang meron sa Grimsfield? Bakit ang layo naman? Kami lang talaga?"
As much as possible, I don't want to spend another minute with him. Dahil pakiramdam ko nagwawala ang dibdib ko kapag naaalala ko ang mga nangyari nitong nakaraan. I'm starting to notice him, and I am not naive not to know things like this.
Tumayo si Vash saka lumipat sa common table kung saan kami mag mi-meeting. "May groundbreaking daw para sa new campus ng Arrion. Paki-check na lang sa email ng office of the vice president for academic affairs. Naka-attach na doon ang excuse letter n'yo."
"Wala na bang ibang available writers tomorrow?" tanong ko.
Vash seems to know me very well. Ginamit niya ang salitang makakapagpa-agree sa akin.
"Kasama sina Mr. Quirino doon. I know you want to meet him personally, right?"
Wala akong nagawa. Inayos ko ng tahimik ang mga gamit ko. Thinking of how I could let Ciqa do the job. Siya ang head photojournalist. I know Nash will go there as a photoj. I can still hit two birds.
I walked towards the common table at naupo sa tabi ni Vash. Ganoon din ang ginawa ni Ynigo at Florissa. Walang dumalaw na trainees for today dahil may general meeting kami for the end semester. Though, November pa lang pero kailangan na namin magplan ahead.
"Kaya bang mai-pass yung proposal natin this week?"
Rinig na rinig agad namin ang boses ni Ciqa papasok pa lang siya ng office. Umiling ako. Ano nga bang bago?
"Okay. I will check the lapses later. I just need time to familiarize myself with the idea. Sobrang sabaw ng utak ko para sa capstone project na 'to—" It's Nash.
Pareho silang natigilan nang makita nila kaming nasa common table na. Sila na lang ang hinihintay para magsimula ang meeting.
"Omg! We forgot! Hala! Sorry, Mamshi Vash!"
Kaagad na naupo si Ciqa sa tabi ni Ynigo. Nilapag naman muna ni Nash ang bag sa table niya. Hindi ko na siya sinundan ng tingin at nagfocus na lang sa pagscribble ng mga words sa notebook ko.
"Nash, take a seat. Hurry!" sita ni Vash.
"Teka lang!"
Nag-angat ako ng tingin nang may humila ng upuan sa tapat ko. Nang maupo si Nash, awtomatikong nagtagpo ang aming mga mata. Humalukipkip siya habang matiim ang tingin sa akin.
"Alam mo, kung may 'Best in Late' lang, panalo ka na," ani Ciqa, kaya napatingin siya rito.
Iling lang ang naisagot ni Nash. "Wag kang magmalinis. Second honor ka!" aniya, saka muling ibinalik ang tingin sa akin. Mabilis akong naintimidate sa tingin niya, kaya't ibinalik ko iyon sa papel."
"Then the meeting proceeds. Syempre, hindi kumpleto ang general meeting namin kung wala ang ice breaker ni Vash."
"'What are your highs and lows this week?' she asked. 'For the highs, it can be your little wins or something. For the lows, well, I believe we all have one.'"
YOU ARE READING
What Comes After The Rain
General Fiction[CARPE DIEM #2] When Avery Rayne Carreon's relentless pursuit of becoming the Editor-in-Chief of their publication collides with the equally driven Nash Dillon Cadogan, she never expected her biggest rival would become the one person capable of m...