Jesh's POV
Pagkatapos ng nangyari sa backstage ay medyo naging okay na din kami ni Rav, we got along at balak ko na din siyang ipakilala kay Klein. Klein knows about Rav and he badly wants to meet him pero gusto ko pang makita ang magiging reaksyon ni Rav kapag nakita niya si Klein ng malapitan.
"Ms. Jesh, itutuloy niyo po ba ang visiting ngayon?" tumango bilang sagot dahil masyadong madami ang pinipirmahan ko, madami na din kasing inaayos sa company kaya ganon na lang karami ang inaasikaso ko.
"Yes and I need you there." Agad namang tumango ito at nagpaalam na, kailangan ko siya dahil balak ko nang magpagawa ng building B para sa mas malawak na area ng company. Maganda ang kinalalabsan ngayon ng Buenvera Magazine kaya inaayos ko na ang Entertainment Company para sa mas magandang output.
Hindi din nagtagal ay umalis na kami para sa visiting, ang alam ko ay nandito si Rav ngayon sa isa mga studio dahil sa show na sasalihan niya. All of them greeted me and show their respect, kinausap ko din ang ilang director ng shows para sa evaluation ng show nila. Lahat ng sinasabi ko ay agad na inilalagay ng secretary ko sa notes niya, I ask her if Claire does her visiting monthly or weekly para alam ko and gladly monthly lang ang visiting para daw hindi hassle masyado.
Nang makarating sa isang studio nakita ko na doon ang PA ni Rav, sign para malaman kong dito ang studio ng show ni Rav. Habang nag-iikot ay napansin kong inihahanda ng PA niya ang kakainin niya, oras na din kasi para sa lunch pero ang inihahanda niya ay hindi gusto ni Rav. Agad akong lumapit at chineck muli ang inihahain niya.
"Rav, doesn't like this. You're new, right? Pang-ilan ka na?" diretso kong tanong, I didn't bother to look around my surroundings kahit alam kong ang iba sa kanila ay nakamasid na sa akin. Napalakas masyado ang boses ko.
"Yes po, Ms. Jesh. 4th PA na po ang sabi ni Ate Ja, manager po ni Sir Rav, sorry po hindi ko po alam na ayaw ni Sir neto." Napatango tango ako, I smiled at her and tells her not to be sorry dahil talagang maarte at sakit sa ulo si Rav. Narining ko ang ilang pagtawa ng mga tao pero patuloy ako sa pagorder ng pagkain sa cafeteria.
"Here, intayin mo na sa cafeteria yang mga yan and order some food you too. No need to pay, tell them na ako ang nagsabi." Akmang aalis na siya ng may maalala ako, I called her and agad naman siyang lumingon. "Visit me in my office later, I'll give you some notes na ginamit ko noon para mapag-aralan mo." Kita ang gulat at saya sa kanya na ikinatawa ko, sigurado akong hirap na hirap siya kay Rav. Nagsimula na akong mag-ikot muli nang mapansing na sa akin ang lahat ng attention.
"You know him too well, Ms. Jesh." Wika ng direktor na ikinapula ng pisngi ko, nahagip ng mata ko ang papalapit na si Rav.
"Jesh nalang po, I'm still young." Natatawang tumango naman ito, nawala ang ngiti ko at napaltan ng gulat nang bigla na lang akong halikan sa pisngi ni Rav.
"He's right, you know me too well." I was stunned from what he did, I heard him laughed which made me back to my senses.
"Too fast, Mr. Phoenix. Too fast." Wika ko, ngisi lamang ang ibinigay niya sa akin at nag paalam na dahil magsisimula na ulit ang shoot nila.
YOU ARE READING
Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETED
General FictionSYNOPSIS She did everything but she still failed. Will the actor be able to give the love that she wants? Kaya niya nga bang maging matigas para protektahan ang pusong pinakaiingat-ingatan niya? "Sa Isang Relasyon Kailangan Ba Talaga Ng Label?"