CHAPTER 17: Ring

37 6 0
                                    

Rav's POV


Binati ko ang caretaker ng makarating kami, kumain na kami papunta dito kaya naman nakatulog ulit si Jesh. Buhat buhat ko si Jesh papunta sa kwarto, pa-akyat na ako ng maramdaman kong mas sumiksik si Jesh.


"Gwiyeobda." Dumiretso na ako sa kwarto niya at inalapag siya. Siniguro kong maayos at magiging komportable ang tulog niya bago ako matulog. Inayos ko ang mga pinamili at gamit naming bago nagpahinga.


-Morning-


Maaga akong nagising kaya naman ako na ang naghanda ng umagahan, hindi pa rin mawala sa isip ko kung paanong kalmado at tanging ako lang ang nakikita ko sa mata ni Jesh patungo dito. Sa kontratang pinirmahan ni Jesh ay siya dapat ang mahulog pero kabaligtaran ang nangyayari, imbes na siya ay ako ang nahuhulog ng husto sa kanya.


"Hell." Bulong ko habang niluluto ang itlog, napapitlag naman ako ng bigla na lang may pumalibot na braso sa bewang ko.



"Morning." Papikit pikit pang bati ni Jesh, ganon na lang ang pamumula ko ng mas humigpit pa ang yakap ni Jesh. "Blushing, I see." Natatawa niyang sabi.



"Tss. Morning, umupo ka na doon patapos na din naman na ito." Utos ko pero hindi siya sumunod at isinuksok ang ulo niya sa pagitan ng kili-kili ko.



"I don't want to, inaantok pa ako." Reklamo niya, pinitik ko ng mahina nag nuo niya.



"Oh eh bakit gising ka na?"



"Yah! Maka pitik ka ah! Ipakain kita sa pating eh." Pananakot niya habang hinihimas ang nuo, hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagluluto.



Sabay kaming kumain at nag-ayos, nag-ayos muna kami ng mga gamit dahil nasa maleta pa halos ang lahat ng gamit namin. Pinauwi ni Jesh ang caretaker ko dito sa bahay para mag bakasyon at makasama ang pamilya niya, inaway pa ako dahil ang akala niya ay hindi ko gagawin yun. Nakatanggap ako ng tawag kay Ate kaya naman agad ko itong sinagot.


["Yes?"]



["Do you know na nanggaling siya sa office ni Claire nung isang araw."]



["Yes, Ate. Iisa lang ang pwede niyang gawin kay Claire, Ate. Sinabi ko naman kasi sa ainyong kumbinsihin mo si Claire na ituloy ang kaso, Kuya Reeze bakit hindi mo sabihin na kapatid mo si Claire at kung ano ang ginawa ng tarantando niyong ama-amahan?"]



["Hindi madali yun, Rav. Kung ibabagsak ko ang lahat ng isang bagsakan sigurado akong hindi niya kakayanin yun."] - Reeze

Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now