Jesh's POV
Katatapos lang ng second trial namin, hindi sumipot sa first trial si Albert tanging ang abogado niya lang ang sumipot dahil patuloy niya pang tinatanggi ang katotohanan. I expected that he'll deny it but we already have a lot of evidence, sila Kuya dapat ang kasama ni Aidan dahil madami pa akong inaayos kay Claire pero hindi pumayag si Aidan sa hindi ko malamang dahilan kaya wala akong nagawa. Matapos mailibing ni Claire ay hindi ko na pinatagal ang lahat at agad na nagsampa ng kaso, good thing that Dani's the judge. Aidan's girl, I guess. Mom's there, simula ng mawala si Claire ay nasa tabi ko na siya. Guiding me, gusto niyang sumama ngayon pero pinigilan ko lang at sinabing kaya ko.
"Jesh," napatigil ang pag-uusap namin ni Aidan nang marinig ang panagalan ko, nilingon ko ito at doon nakita si Rav, Mi Grazi at Kuya Reeze. Napuno ng katahimikan sa pagitan namin, nagtama ang paningin namin ni Rav pero tanging maliit lang ang ipinakita ko sa kanya.
"Grazi, we thought hindi kayo makakapunta." Putol ni Aidan sa katahimikan, napahawak ako sa braso ni Aidan nang makita ang lalaking sumira sa kasiyahan ko, namin. Naramdaman kong pumalibot ang braso ni Aidan sa bewang ko.
"You should've invited me." Nandilim ang paningin ko nang marinig ito sa kanya na dumaan sa amin, agad na umalis ako sa bisig ni Aidan at sinampal siya.
"What did you just say?! Dapat inimbitahan kita? Ikaw na sumira ng lahat! Ikaw na gumago at bumaboy sa kanya!" natigil ang paghampas ko sa kanya ng bigla akong umangat at ilayo.
"Jesh, stop." Saglit na natigilan ako dahil sa boses na narinig, Rav. He's holding me tight, protecting me at the same time preventing me to kill Albert.
"No! Let go of me, hindi na dapat kita pinigilan nung binugbog mo ang walang hiyang Albert na yan!" napahinto sa paglalakad si Albert at taas ang kilay na tinignan ako.
"What did you just call me? Albert? Where's your respect, woman?"
"You don't deserve my respect and you'll never get that respect 'again', you better say goodbye to your companies and money because it will be mine. Your. Wealth. Will. Be. Mine." I can see how angry he is when I said that, pilit siyang kumakawal pero wala siyang nagawa kahit isa.
"Bitawan niyo ko! Lumayo ka sa mga ari-arian ko!" galit na sigaw niya ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
I felt my knees gave up, I'm so tired of everything. I never have enough sleep since Claire died, I was a mess. I once dreamt of her saying that I did a good fight, that she wished she has the courage to fight.
"She never had enough sleep since Claire died." Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Mommy, hinayaan ko lang na ibagsak lahat ng bigat ko sa kanya. "I told you, you can't walk through this path alone. You need someone, Jesh. Someone na aalalay sayo kung ayaw mong alalayan kita." Malumanay na saad ni Mommy, sunod-sunod na umiling ako dahil alam kong ang taong kailangan ko ngayon ay pinakawalan ko na.
Nag-pahinga lang ako saglit at agad na ginawa ang resignation letter ko, nakahanap na din ako ng ipapalit sa akin. Hindi pwedeng umalis ako ng walang kapalit dahil importante ang PA sa mundo ni Rav, lalo pa't madaming ginagawa ang manager niya. Nang matapos ay nag-ayos lamang ako bago tinungo ang conference room upang ibigay ang resignation letter ko at ipakilala ang bago. Inagahan ko ng isang oras dahil may kailangan daw sabihin si Aidan sa akin.
YOU ARE READING
Wrong Move (Label Series #1) | COMPLETED
General FictionSYNOPSIS She did everything but she still failed. Will the actor be able to give the love that she wants? Kaya niya nga bang maging matigas para protektahan ang pusong pinakaiingat-ingatan niya? "Sa Isang Relasyon Kailangan Ba Talaga Ng Label?"