Si Weiss ang pinuntahan ni Frost.
"Kumilos na pala kayo. Bakit naman ako ang napili mo?" tanong ni Weiss sabay titig sa lalaki.
"Dahil ikaw ang pinuno nila. Tama ba ako?" mahinahong tugon ni Frost.
Hindi unimik si Weiss.
"Huwag mo na iyong itanggi. Nararamdaman ko iyon," dagdag ni Frost.
"Ano naman sayo kung ako nga?" tanong ni Weiss.
Ngumiti si Frost. "Hindi ako ang pinuno ng grupo namin, pero gusto ko na ako ang nagpapabagsak sa mga namumuno."
"Ganoon ba." Ang tanging tugon ni Weiss.
"Humanda ka!" Nagpalabas si Frost ng espada na gawa sa papel at inatake si Weiss.
Nakailag si Weiss.
Sinunod sunod niya ang pag-atake, nakakaiwas pa rin ang lalaki, ngunit hindi siya tumigil hanggang sa natamaan niya ito sa huling pagwasiwas niya ng espada.
Hindi nasugatan si Weiss, bagkus ay humaba ang papel na espada at pumulupot sa kanya. Tuluyan na siyang nabalot ng papel at nagmistulang mummy.Napangisi si Frost. Kasunod niyon ang pagpapalabas niya ng kuryente.
Napasigaw si Weiss.
Ang sigaw niya ay nagmistulang musika sa pandinig ni Frost. Bigla itong tumawa nang malakas.
Ang maamo nitong mukha ay naging nakakatakot.Samantala, nasa harap si Kisa ng bola na tinutulugan ni Shadow.
"Shadow gumising ka," sambit ng dalaga subalit wala itong tugon. "Shadow." Hinawakan niya ang bola.
Bakit ayaw niyang gumising? Dati naman isang tawag ko lang nagigising na siya agad, tanong ni Kisa sa sarili. Inulit niya ang pagtawag.
"Shadow, hindi mo ba ako naririnig? May mga kalaban kaya kailangan namin ang tulong mo. Pakiusap, gumising ka!"Wala pa rin naging tugon si Shadow.
Tuloy naman sa pagtawa si Frost habang patuloy na naririnig ang palahaw ni Weiss.
Si Frost ay isang alipin na madalas pagmalupitin ng amo ng kanyang mga magulang. Dalawa sila ng kapatid niya na parating sinasaktan nito kaya nga laking tuwa ng kapatid niya nang malaman na dadalhin sila sa Cronus. Sa wakas ay makakatakas na sila mula sa malupit na amo. Iyon ang akala ng kapatid niya. Hindi na nito naranasan ang buhay sa Cronus dahil nasawi ito sa kamay ng amo. Nakita mismo ni Frost kung paano nito kinitil ang buhay ng kawawa niyang kapatid. Siya na dapat ang isusunod ngunit hindi nagtagumpay dahil nang araw na iyon ay nagising ang kanyang kapangyarihan. Ginamit niya iyon upang paslangin ang kanyang amo.
Huhulihin sana siya noon at ipatatapon sa Venus, pero hindi natuloy dahil kinuha siya ng Fourth General. Dahil sa pagtulong nito sa kanya, sumumpa siya ng katapatan.Nilakasan pa ni Frost ang boltahe ng kuryente na siyang naging dahilan upang tuluyang matusta si Weiss.
Tuluyan na nga itong bumagsak at nawalan ng buhay.
"Kawawang nilalang," ani Frost "Pero huwag kang mag-alala, hindi ka mag-iisa dahil isusunod ko sayo ang mga kasamahan mo.""Frost!" May biglang tumawag kay Frost. Nilingon niya ngunit wala siyang nakita.
"Frost!" Isa pang tawag nito. Doon na nakilala ni Frost kung kanino ang boses--Kay Leif, isa sa mga kasamahan niya, pero nasaan ito?
"Leif, bakit mo ako tinatawag? Nasaan ka?"
"Frost." Biglang lumitaw si Leif.
Napaawang ng labi si Frost nang makita ang kasama na duguan. "A-Anong nangyari sayo?""Mabuti naman at napasok ko ang isip mo."
"Ano?"
"Kung ano man ang nakikita mo, hindi iyon totoo. Gumising ka."
"Gumising?"
Tama ang sinabi ni Leif. Kanina pa nakontrol ni Weiss ang isip ni Frost. Sa kasalukuyan ay tulala lamang ito.
Nang makalabas ang grupo ni Davi sa kanilang Cave ay agad nilang hinanap ang grupo ng mga Hashke. Nakita agad ni Davi si Clinton, subalit natalo siya nito.
Mabilis din nahanap ni Frost si Weiss, ngunit hindi pa man nagsisimula ang laban nila ay nakontrol na nito ang kanyang iniisip. Nagsimula iyon nang titigan siya ni Weiss.
Nakita iyon ni Ramus kaya inatake nito si Weiss mula sa likod, ngunit hindi niya nagalaw si Weiss dahil hinarang siya ni Jaz.
Dumating din si Leif na hinarap naman ni Renz.Habang sina Lexus at Zyra ay hinarap si ang samurai na si Duran. Wala silang laban dito. Mabuti na lang dahil dumating sina Clinton at Emerald.
Nahinto sa paglaban ang mga royal slave nang ihagis sa kanila ni Clinton ang walang malay na si Davi. Hindi sila makapaniwala na nagapi ang kanilang pinuno.
Ngayon nga ay ramdam na nila ang kanilang pagkatalo.Totoo ba ito? Talo na ba talaga kami? tanong ni Frost sa sarili.
Sa kabilang banda,
Bigla nang nagising si Shadow."Shadow?" Napangiti si Kisa. Agad niyang niyakap ang lalaki. "Mabuti naman nagising ka n. Akala ko hindi mo na makikilala ang boses ko."
"Kisa..." tanging sambit ni Shadow.
"Shadow, may kailangan pala tayong puntahan. Kailangan ng mga kasama natin ang tulong mo."
"OO, alam ko."
"Ha? Alam mo na?"
Hinawakan ni Shadow ang kamay ni Kisa. Kasunod noon ang bigla nilang pag-teleport sa lugar kung saan naroon ang grupo ng mga hashke at ang mga royal slave.
Nakuha nila ang atensiyon ng lahat.
"Si Shadow!" bulalas ni Lexus.
"Shadow! Kisa!" sabi naman ni Ramus.
Tiningnan ni Shadow ang mga Hashke.
Biglang natigilan ang mga ito.
"Anong nangyayari? Ayos lang ba kayo?" tanong ni Lexus. Napansin niya kasi na parang nag-iba ang ekspresyon ng mga mukha nito.
"H-Hindi ako makagalaw," sabi ni Renz.
"Ano?" Ikinagulat iyon ni Lexus. Ganoon din nina Emerald at Zy.
"Bakit Renz?" sabay nilang tanong.
Tiningnan din nila ang iba pa. "Weiss! Jaz, Clinton! Kayo rin ba?"Tama.
Parepareho ngang hindi makakilos ang apat na Hashke."Paano nangyari ito?" tanong ni Jaz.
"Ang Superior lang ang nakakagawa nito!" bunyag ni Clinton. Bigla silang napatingin kay Shadow.
Nanlilisik ang mga mata nito.
"Superior, ikaw ba iyan?" tanong ni Weiss
BINABASA MO ANG
The Royal Slave (Book 2 Of PIV)
FantasyMay dugong maharlika. May kapangyarihang isinumpa.