Chapter 14 *Ang Mga Hashke*

201 22 7
                                    

Hindi makapaniwala si Lexus.
Si Weiss, isang Hashke?

"Weiss?"
Maging si Emerald ay napapatanong. Nais din niyang makasiguro.

"Naku naman, bakit umamin ka na agad?" sabi ni Renz bago nito tinanggal ang pagkakatali.

Ganoon na rin ang ginawa nina Jaz at Clinton.

"Sandali, anong nangyayari?" Napapakunot ng noo si Zyra.

Agad na pumorma ang mga tauhan ni Agon.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ng pinagpapawisan nang si Agon.

Napanganga naman si Lexus. Hindi niya alam kung anong dapat maging reaksyon.
Una si Weiss, tapos ngayon pati sina Clinton, Renz at Jaz ay nagawang tanggalin ang tali na likha ng kapangyarihan ni Agon?

Hindi kaya...

"Weiss!" Hinawakan ni Clinton sa balikat si Weiss. "Bakit ibinunyag mo na?" tanong nito.

"Pasensiya na, pero naririndi na ako sa mga taong ito," sabi ni Weiss sabay gala ng tingin. "Idagdag mo pa ang pagkakalason natin noong nakaraan. Hindi talaga iyon nakakatuwa. Ayoko nang magmukhang mahina." Tumalim ang mga mata ng lalaki, pagkatapos ay ngumiti ito bago muling nagsalita. "Gusto ko nang lumaban. Nasasabik na akong kumitil."

"Hoy, ikaw!" Itinuro ni Jaz si Agon. "Salamat sa pagbubunyag na pekeng Hashke ang leader namin. Ang kaso, matagal na namin iyong alam dahil ang totoo..." Tiningnan ni Jazz ang mga kasamahang lalaki. "Mga Hashke kami."

Mga Hashke kami.

Nagmistulang alingawngaw iyon na narinig ni Lexus.

Mga Hashke kami.

Nag paulit ulit iyon sa kanya.

Talaga bang hashke silang apat?
Silang apat talaga?

"Hindi totoo ang sinasabi nyo!"

"Imposibleng mangyari iyon!"

Isa isang nagbigay ng komento ang mga tauhan ni Agon.

Napapatangis naman ng ngipin si Agon. Hindi rin nito matanggap ang ibinunyag ng apat.

Nagkatinginan naman sina Zyra at Emerald.

"T-Talaga bang mga Hashke sila?" napatanong si Emerald.

"Siya nga pala..." May gustong itama si Renz. "Tungkol sa sinasabi mo kanina na nakatakas ka kay Superior Echezen kaya hindi naalis ang kapangyarihan mo. Mali iyon."

"Ano?" Naningkit ang mga mata ni Agon.

Nagpatuloy si Renz. "Siyempre alam ng Superior na kailangan ka niyang tanggalan ng kapangyariham dahil hindi ka na Hashke, pero sinabi ni Superior Double Zero na hayaan na lang ang kapangyarihan mo bilang pampalubag loob, tutal hindi ka naman ganon kalakas. Kung gumawa ka man ng gulo, si Superior Double Zero na ang bahala sayo."

"Manahimik ka!" sigaw ni Agon. Hindi na ito nakapagtimpi. "Akala nyo ba maniniwala ako sa inyo! Mga kasama. Sugurin nyo sila!"

Isa isang naglabas ng sandata ang mga tauhan ni Agon at sumugod.

"Ako na rito," sabi ni Weiss.
Sinalubong niya ang mga tauhan ni Agon.
Gamit lamang ang kaliwang kamay ay nagawa niyang pabagsakin nang sunod sunod ang ilan sa mga ito.

Sa kabila nang pagkabagsak ng iba, tuloy pa rin sa pagsugod ang karamihan.
Hindi naman ito inatrasan ni Weiss. Sinasangga niya ang mga sandata ng mga ito gamit ang dalawang kamay pagkatapos ay bibigyan niya ng suntok at sipa na pabigla.

Hindi nakakalamang sa kanya ang mga tauhan ni Agon.

"A-Ang galing!" bulalas ng nakabulagta pa rin na si Lexus.

"Mula si Weiss sa pamilya ng mga tagaspaslang kaya mahusay talaga siya. Sa totoo lang, para sa akin hindi na niya kailangan ng kapangyarihan," sabi ni Jaz bago nito inalalayan na makatayo si Lexus.
"Ayos ka lang ba?"

Napasinghap si Lexus.

Tinanggal naman ni Clinton ang pagkakatali nina Emerald at Zy sa pamamagitan ng pagwasiwas ng kamay.

Sinalo ni Renz si Zy--ni Clinton si Emerald bago inilapag.

Tinitigan ni Zy si Renz at sinimangutan.
Ngiti lang naman ang naging tugon ng lalaki.

"Mga Hahske pala kayo? Ibig sabihin pinagtatawanan nyo pala ko," sabi ni Lexus. Tiningnan niya ang mga kasamahang Hashke.

"Hindi namin itatanggi iyon," sabi ni Clinton. "Natatawa talaga kami sayo noong una, pero matapos naming makita ang kakayahan mo, napahanga mo kami."

"T-Talaga ba?" Parang nakarinig ng magandang musika si Lexus. Biglang nangilid ang mga luha niya.

"Kung mga Hashke nga kayo ibig sabihin alam nyo kung ano ang nagyari kay Nikela, tama ba?" tanong ni Emerald.

Hindi tumugon ang mga lalaki, sa halip ay tiningnan lamang ng mga ito si Weiss na napabagsak na ang mga kaway. Si Agon na lang ang natirang nakatayo.

"Si Weiss ang team leader namin," sabi ni Renz. "Siya na lang ang magpapaliwanag," dagdag nito.

"Hindi ako magpapatalo sa inyo!" Ginamit ni Agon ang kanyang sinulid. Natigilan ito nang biglang mawala si Weiss. Napanganga na lang ito bigla nang lumitaw sa likuran niya si Weiss.

"Huwag kang mag-alala. Kahit nangangati na ang kamay ko, hindi kita papatayin.
Pasalamat ka dahil marunong pa rin ako sumusunod sa mga patakaran."

"Akala mo ba papayag ako na matalo mo ulit!"

"Manahimik ka na lang." Hinawakan ni Weiss sa ulo si Agon.

Napatulala ito. Ilang saglit pa ay bigla na itong nawalan ng malay.

"Wala nang problema. Ginamitan ko silang lahat ng memory manipulation. Pagsikat ng araw magigising sila sa isang kuwento na nilikha ko lang," sabi ni Weiss bago humarap sa mga kasama.

"Weiss!" Lumapit agad si Emerald sa lalaki.

Kahit wala pang sinasabi si Emerald, batid na agad ni Weiss ang nais niya--ang malaman ang tungkol sa kanilang Superior.

"Ang totoo, may misyon kami," simula ni Weiss. Sinulyapan muna nito ang mga kasamahang Hashke bago nagpatuloy. "Marami kaming mga Hashke na lumabas ng Venus para gawin ang misyon na ito, pero wala rito ang iba. Siyempre hindi sila nahuli ng mga regulator. Kami lang apat ang sadyang nagpahuli para obserbahan ang lugar na ito. Bukod doon gusto rin namin malaman kung sino sino ang nakakaalam ng tungkol sa amin at sa aming misyon. Kumalat kasi iyon matapos marinig ng isang bilanggo na nakalaya rin."

Biglang naalala ni Emerald ang laya na nakausap niya noon. May nabanggit ito tungkol sa una at pangalawang dahilan.

"May kinalaman ba ang misyon nyo kay Nikela?" tanong ni Emerald.

Tumango si Weiss.

"Ano ang misyon na iyon?" pangalawang tanong ni Emerald.

"Sa totoo lang, bawal namin ipaalam iyon sa iba, pero isa ka sa amin, Emerald kaya sa tingin ko pwede namin iyong sabihin sayo. Kayo naman..." Tumingin si Weiss kina Lexus at Zyra. "Mukhang mapagkakatiwalaan naman namin kayo."

"Siympre naman!" sagot agad ni Zyra.

"Oo!" pangalawa ni Lexus.

"Sige. Sasabihin ko sa inyo ang tungkol sa misyon namin. At tama," Tumingin nang diretso si Weisd kay Emerald. "May kimalaman ito kay Superior Double Zero."

A/N:
Thank you sa paghihintay ng update. Pasensiya po at laging late. As much as possible ay once a week talaga sana makapag-post ng update.

May nagsabi na since once a week ay sana dalawang chapters.
Not possible. I can't write more dahil sa nature ng work. Sobrang sandali lang talaga ako nakakapagsulat.
Pero salamat sa pag-unawa, mga dear readers.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon