Chapter 28 *Ang Impostor*

166 14 13
                                    

Walang palaso.

Napangiti na lamang ang grupo nina Emerald nang maging maayos ang kanilang paghakbang. Walang bumulusok na mga palaso.
Ibig sabihin ay tama ang paghati na ginawa nila sa kanilang grupo. Ngayon, ang gagawin na lamang nila ay ang sundan ang mga nakatusok nang palaso. 

Saan kaya kami dadalhin ng mga ito? tanong ni Lexus sa sarili.

Tuloy lamang sila sa paglalakad nang biglang kumulog.
Noon lang nila napansin na unti unti na palang dumidilim ang langit.

"Mukhang uulan pa," sabi ni Zyra.

"Magmadali na tayo!" ani Lexus.

Binilisan na nga nila ang kanilang mga paglakad.

Maya maya pa'y may narinig silang sumisigaw.

Aaahh!

"Sandali! Hinto!" Nasabi si Lexus gamit ang malakas na boses. Huminto naman ang kanyang mga kasama. "Narinig n'yo ba 'yon?" tanong niLexus.

"Oo!" sabi ni Zyra.

"May sumisigaw!" dagdag naman ni San.

"Maawa ka! Huwag!" Isa pa iyon sa narinig nila.

"Aaah!" Isa pa ulit sigaw pagkatapos ay may biglang bumagsak na katawan ng lalaki sa harapan nina Lexus at San. Bigla na itong pinaulanan ng mga palaso.

"Ahhh..." Napapikit si Kristal.

"Anong nangyari? Saan galing ang lalaking iyan? Bakit siya tinamaan ng mga palaso?" sunod sunod na tanong ni Zyra.

Nagpalinga linga si Emerald. "Kuha ko na. Mukhang bawat grupo ay may kanya kanyang mga palaso na sinusundan."

"Kung gayon kaya siya pinatamaan ng mga palaso ay dahil nawala siya sa linya na sinusundan nila, tama ba?" tanong ni San.

"Mukhang ganoon na nga iyon!" sabi naman ni Lexus.

"Pero bakit naman siya napunta rito?" tanong ni Kristal.

"Doon siguro ang linya nila?" May itinuro si Zyra sa kaliwang bahagi nila. "Teka, may tao roon." May naaninag siya na papalapit.

"Kalaban ba?" ani Emerald. Nanlaki ang mga mata niya nang makalapit ito at malaman kung sino ito.
"Siya si..."

"Si Mia!" bulalas ni Zyra.

"Mia! Bakit mag-isa ka lang? Huwag mong sabihing kasamahan mo ang lalaking ito at ikaw ang may gawa nito?" hula ni Lexus. Batid niya na isa iyong malaking akusasyon, ngunit malakas ang kutob niya sa bagay na iyon.

"Tama ka. Ako nga ang may gawa niyan sa kanya," amin ni Mia.

Sabay na napailing sina Emerald at Zy. Hindi naman makapaniwala sina Kristal at San sa ginawa ni Mia.

"Paano mo ito nagawa? Pinatay mo siya!" giit ni Lexus.

"Bagay lang iyon sa kanya dahil isa siyang impostor."

"Impostor?" ulit ni Lexus. "Anong ibig mong sabihin?"

"Nahuli ko siya kagabi. Nalaman ko na hindi talaga siya alipin. Kaninang umaga ko rn lang natuklasan na hindi lahat ng narito ay mga alipin. Ang iba ay tauhan ng baliw na prinsipe na siyang nag-aasikaso ng kanyang palaro. Isa lang ang nahuli ko, pero ayoko nang magtiwala sa kahit sino kaya tinapos ko na lang silang lahat."

"Mia..." Nanggalit ang ngipin ni Lexus.

"Naninigurado lang ako," sabi ni Mia bago ito lumakad upang sundan ang kanyang mga palaso. Muli itong huminto at lumingon kina Emerald. "Siya nga pala... Sa tingin ko meron ding impostor sa grupo n'yo, kaya mas mabuti kung  unahan n'yo na bago pa mahuli ang lahat," paalala ni Mia bago ito tuluyang lumakad paalis.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon