Chapter 2 *Misteryosong Sakit*

738 51 8
                                    

Iyong araw na iyon.
Iyong huling araw na nakasama niya si Nikela.
Hindi iyon malimutan ni Emerald.
Lagi niya iyong naaalala.
Tulad ngayon.
Tulad ngayon.

Nang imulat ni Emerald ang kanyang mga mata, nakita niya na nasa loob siya ng isang kulay puting silid.
Nakaupo siya sa sahig at may benda ang kaliwa niyang braso.

"Nasaan ako?" tanong niya.

"Gising ka na pala."

Isang babae ang bumungad kay Emerald.

"Kilala kita. Ikaw iyong..." Hindi na naituloy ni Emerald ang sasabihin matapos makita ang nangingilid na luha ng babae. Ito ang asawa noong lalaki na kasama niya kanina.

"Ano na palang nangyari sa asawa mo?" Iyon na lang ang itinanong niya.

Umiling ang babae bago nagpahid ng luha. "Wala na siya."

"Ano?"

"May kung anong sakit na dumapo sa kanya. Sayo rin. Dumapo rin ang sakit na iyon. Kung hindi nga lang nila sinunog ang braso mo, malamang hindi titigil ang pagkalat nito. Baka patay ka na rin."

Napatingin si Emerald sa kanyang braso. Kaya pala ito may benda.
"Anong sakit iyon? Ano ang nakamamatay na sakit na iyon?" tanong ni Emerald.

Hindi nakasagot ang babae. Sa halip ay tumungo ito. Pagkatapos ay tumingin ito sa maliit na bintana na naroon sa silid.
"Ang sabi nila isa iyong sakit na dumadapo lamang sa mga galing ng Venus."

"Ano?"

Tumingin nang diretso ang babae kay Emerald. "Ang tangi lang nahahawahan ng sakit na iyon ay ang mga taong nakulong sa Venus. Ibig sabihin nasa panganib ang buhay n'yong lahat. Ano mang oras kung hindi maagapan, puwede kayong mamatay."

Napailing si Emerald. "Anong sinasabi mo?"

"Ang mabuti pa, umalis ka na. Tumakas ka na habang maaga."

"Hindi kita naiintindihan!" naguguluhang wika ni Emerald.

May ipinakitang susi ang babae. "Sige na, umalis ka na!"

"Ah."

Hindi na nagmatigas si Emerald. Tumayo na siya upang umalis.

"Tumakas ka at magpakalayo-layo. Huwag kang sasama sa kanila. Iligtas mo ang iyong buhay!" narinig pa ni Emerald na sabi ng babae.

Naguguluhan pa rin siya, pero hindi na siya nagtanong. Tumakbo na lamang siya paalis sa lugar na iyon.

Wala siyang kaalam alam na kasabay ng kanyang pag-alis ay ang pagpapatiwakal ng babae.
Umiiyak ito na kinitil ang buhay gamit ang isang matalas na bagay na itinusok sa sarili.

Nagawa namang makalabas ni Emerald sa lugar na pinagdalahan sa kanya. Nakalayo na siya nang biglang may sumalubong sa kanya na isang babaeng Regulator.

"At saan mo balak pumunta?"

Hindi nakakilos si Emerald.
Napatingin lamang siya sa babaeng Regulator. Maganda ito. Maamo ang mukha, pero matalas ang mga mata. Naalala niya bigla sa babae si Mia.

Ilang saglit pa ay may iba pang mga Regulator na dumating.

"Maling mali ang pagpapalaya sa inyo. Hindi na dapat kayo pinakawalan!" giit ng babae.

"Wala akong ginagawang mali kaya kung maaari ay paraanin ninyo ako!" ## ka!"

"Ano?"

"Gusto mo bang mamatay?" tanong ng babae.

"Iniipon na namin lahat ng mga laya ng Venus. Para iyon sa kaligtasan ninyo. Para hindi kayo dapuan ng sakit," dagdag ng isang Regulator.

"Kung hindi dahil sa amin, patay ka na ngayon!" sabi pa ng babae sabay turo sa benda ni Emerald. "Oh, ano. Sasama ka ba sa amin o magpapakamatay ka na lang?"

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon