Hindi nagustuhan ng mga Hashke ang sinabi ng fourth general.
Papatayin daw sila? Tingnan lang natin kung magagawa nga nila iyon.
Sinubukan nilang tanggalin ang mga kadena sa kanilang kamay, ngunit hindi nila magawa. Nawala ang lakas nila. Hindi rin sila makagamit ng kapangyariham.
Sa kasalukuyan ay tanging sina Zyra at Emerald na lamang ang nakatayo."Ano pang hinihintay mo, Shadow?"
Tumingin muna si Shadow kay Kisa bago tumuon sa mga Hashke.
Ngumiti ang general. "Gawin mo na ngayon," utos nito.
"Sandali." Biglang nagsalita si Emerald.
"Bakit alipin? Gusto mo bang ikaw ang maunang mamatay?" tugon agad ng general.
"Hindi, gusto ko lang makipagkasundo."
"Makipagkasundo?"
"Kung pananatilihin nyong buhay ang mga kasamahan ko, papayag akong maging alipin. Papayag akong isubasta."
"Anong sinasabi mo!" napabulalas si Zyra. Hindi niya inasahan ang sasabihing iyon ng kasamahan.
"Emerald, huwag mong gawin iyan!" sabi naman ni Lexus.
Lalo nang nagpilit ang mga Hashke at si Lexus na tanggalin ang mga kadena nila, ngunit bigo sila.Biglang tumawa nang malakas ang general.
"Sa tingin mo ba makikipagkaundo ako sa isang mababang uri na gaya mo? Nananaginip ka ata, alipin.""Malakas ako."
"Ha?"
"May taglay akong kapangyarihan kaya sigurado ako na maraming bibili sa akin," buo ang tinig na sabi ni Emerald.
Natahimik ang general. Pinagmasdan nito si Emerad pagkatapos ay bigla itong ngumiti.
"O sige.. papayag akong makipagkasundo pero patunayan mo muna ang kakayahan mo." Tiningnan nito si Shadow. "Maglaban kayo," sabi nito bago muling tumingin kay Emerald. "Kapag natalo mo si Shadow, seselyuhan ko ang kasunduan.""Sige," matapang na tugon ni Emerald.
"Ama..." Si Kisa. Hindi talaga niya gusto ang ginagawang pagtrato ng kanyang ama kay Shadow, pero wala siyang magawa. Nasa ilalim kasi ang lalaki ng kapangyarihan ng ama na isang Sealing Technique. Sa oras na selyuhan nito ang isang kasunduan, ang isang nasa ilalim noon ay kailangang sumunod kung hindi ay mamamatay.
Ang kasunduan nila ni Shadow--Papayag siya na manatili ito bilang isa sa mga Royal Slave dito sa Cronus kung magiging tapat siyang tagasunod.
Malakas si Shadow, siguradong madali niyang matatalo ang babaeng iyan, pero magagawa niya ba iyon? May pakiramdam ako na bahagi ang babaeng iyan ng nakaraan ni Shadow, naisip ni Kisa.
"Sige, gawin natin." Inihanda ni Emerald ang kanyang espada.
Lumapit naman si Shadow kay Emerald. Handa rin itong makipaglaban.
"Emerald, 'wag! Pagpapakamatay iyan!" sigaw ni Weiss.
"Hindi siya ang Superior pero meron siyang kapangyarihan na katulad ng sa kanya," dagdag ni Renz.
"Alam ko," sabi ni Emerald. "Pero hindi ako aatras."
"Shadow, sigurado ka ba rito?" tanong ni Kisa.
Tumingin sa kanya ang lalaki, isang tingin na tila may ibig ipahiwatig.
"Shadow?"
Tumuon na ang lalaki kay Emerald.
"Talunin mo ko. Kapag nagawa mo iyon, papayag ang General na makipagkasundo sayo," sabi ni Shadow."Tama, kaya isasama kita sa subastahan tulad ng gusto mo. Hindi ko na rin gagalawin ang mga kasamahan mo. Pero mananatili sila rito suot ang mga kadena para hindi sila makapanggulo," sabi pa ng Fourth General. "Pero kung matatalo ka naman, Shadow," Tumuon iyo kay Shadow. "Kamatayan ang magiging kapalit noon."
BINABASA MO ANG
The Royal Slave (Book 2 Of PIV)
FantasyMay dugong maharlika. May kapangyarihang isinumpa.