Hindi pa man nagsisimula sa pagkukuwento si Weiss ay kumakabog na ang dibdib ni Emerald.
Magkasamang takot at pananabik ang kanyang nararamdaman.Tumingin sa kanya si Weiss. "Pagkatapos mong makalabas ng Venus, may gulo na nangyari."
"Gulo?" ulit ni Emerald.
Dito na ibinunyag ni Weiss ang mga naganap.
***
Apat na Hashke, kabilang na si Weiss ang nagpunta sa Seventh Region upang bumili ng gulay.
Nabalitaan kasi nila na may kakaibang gulay na tumubo roon kaya dinayo nila."Ano nang mangyayari sa atin?" Isang Hashke ang nagtanong habang nasa tapat sila ng tindahan ng mga gulay. Isa lamang ang nagbabantay rito. Isang babae na inaayos na ang mga gulay na gusto nila.
"Kapag umalis na si Superior Double Zero. Sino nang magiging pinuno natin?" dagdag pa ng Hashke."Bakit mo naman nasabi na aalis siya?" tanong ni Weiss.
"Bakit Weiss? Kung ikaw ba ang nasa sitwasyon niya, hindi ka ba aalis?" balik na tanong ng naunang Hashke.
"Hindi siya aalis!" biglang singit ng isa. "Kung gagawin niya iyon ay parang pinabayaan na rin niya ang mga Hashke. Hindi iresponsable ang Superior natin para gawin iyon," giit ng pangatlong hashke. Napakuyom pa ito ng kamao.
"Hoy ikaw!" Biglang nagsalita ang babae na nagbabantay sa mga panindang gulay.Tiningnan nito nang direso ang pangatlong Hahske. "Gusto mo bang palabasin na pagiging iresponsable ang makita at makasama ang iyong mag-ina?"
"Bakit? Sino ka ba? Bakit ka sumasabat sa usapan!" angil ng Hashke. nanlisik ang mga mata nito.
Napangisi ang pang apat na Hashke. "Hamak na taga Seventh Region ka lang, pero ang lakas ng loob mo na sumabat? Ano bang alam mo?"
"Kayo ang walang alam!" madiin na wika ng babae. "Mahabang panahon na kayo pinamumunuan ni Double Zero. Hindi ba oras naman ngayon para sarili naman niya ang kanyang isipin?"
"Masyado kang maraming sinasabi!" sabi ng pangatlong Hashke sabay bato ng kanyang kamao.
Biglang may lumitaw sa harapan niya na siya niyang natamaan.
"Ah..." Napaawang ng labi ang lalaki.Napaatras naman ang iba pang mga Hashke nang makita kung sino ang nasuntok ng kanilang kasamahan.
"S-Superior Echezen?"
Ang isa sa tatlong namumuno sa Venus na si Echezen ang nagpakita.
Nagalusan ang mukha nito, ngunit hindi nito alintana.
Tiningnan lamang nito ang Hashke. "Sinong nagbigay sayo ng pahintulot na pagtangkaan ang Rose ko?" tanong nito gamit ang mahinahong tinig."R-Rose?" pagtataka ng Hashke.
"Tama. Kilala ko na siya. Siya ang Rose ni Superior Echezen!" bulalas ng naunang Hashke.
Hindi agad nila ito namukhaan dahil katulad ng sa mga taga Seventh ang damit nito---luma at maraming sira."P-Patawad po!" Agad na lumuhod ang dalawang Hashke.
Sumunod ang isa pa--bago si Weiss."Sa palagay nyo ba basta ko na lang tatanggapin ang paghingi nyo ng tawad?" Nagtaas na ng kamay si Echezen.
"Echezen, huwag na!" sigaw ng kanyang Rose na si Mary Hermione. "Ayos lang naman ako," dagdag nito.
Doon lamang huminto si Echezen. Ibinaba na rin nito ang kanyang kamay. Kasunod noon ang pagtingin niya sa malapit na puno. Bigla itong napangisi.
"Ha?" Napakunot ng noo si Mary. Hindi niya mawari kung bakit ganoon ang reaksyon ng Superior. Tiningnan din niya ang tinitingnan nito.
Biglang lumitaw roon ang isa pang Superior na si Double Zero.
BINABASA MO ANG
The Royal Slave (Book 2 Of PIV)
FantasyMay dugong maharlika. May kapangyarihang isinumpa.