Siete

2.3K 61 0
                                    

Kumuha naman muli ako ng wine at ininom 'yon. Hindi naman iyon yung matapang na wine. Kani-kanina lang kami ni Laken dito sa auction.

Sinamaan naman ako nito ng tingin. "Stop drinking, Woman" Saway nito.

I rolled my eyes. "Ang tagal kasi ng start ng auction" Sambit ko. Nangangawit 'rin ako dahil wala namang mga upuan. Nakatayo lang ang mga guest tulad namin.

Napatingin naman kami nang mayroon nang nagsalita mula sa stage. He's wearing a mask like us. Lahat naman ay naka-suot ng mask.

"Good evening everyone, Welcome to our auction-" Hindi ko naman pinansin ang emcee at kinuha muli ang wine at nilagok. Si Laken naman ay Panay ang saway sa akin.

Nanlaki naman ang aking mata nang makitang mga milyon ang mga halaga na binibigkas ng mga Tao para lang sa Jewelries at kung ano-ano pa.

"Ten million" Banggit ng isang babaeng tingin ko ay nasa fifty years old na. Pinagaagawan nila ang Emerald necklace and they said that it's from England Royalty family.

"Ten million, Higher than that?" Sambit ng emcee.

"Twenty million" Napatingin naman ako kay Laken nang nagsalita ito. Nanlaki naman ang aking mata sa presyong sinambit nito.

Napatingin ako rito. "Gago ka ba? That's the double of her price" Bulong ko rito at tinutukoy ang babae kanina.

Laken looked at me. "Calm down, My love" He said and looked straight at the stage.

"Twenty five million!" Sigaw ng lalaking tingin ko ay kaedad ko lang. Humarap pa ito sa akin at kumindat.

Laken hold my hand. "Damn the jerk" Napatingin naman ako kay Laken.

"Do you know him?" Tumango naman ito.

"Fifty million" Napatingin naman ako kay Laken. He's always beating them and making the price double.

"Hundred fifty million" Sagot ng kabila. The guy that winked at me. Napangiwi naman ako ng nginitian ako nito.

"Five hundred million" Si Laken.

I looked at him. "That's half billion, Laken" Sambit ko. Bakit ba 'nya gustong makuha ang kwintas? Sa sobrang yaman 'nya ay nagagawa "nyang gumastos ng ganon kalaki.

He looked at me too. Humigpit 'rin ang hawak nito sa aking kamay. " Don't look at him, Woman" Utos nito. Tinutukoy nito ang lalaking kumindat sa akin.

"I didn't looked at him" Tanggi ko.

Sakastikong tumawa naman ito. "Just don't, My love" Napadaing naman ako nang kurutin nito ang aking pisnge ng mahina. "So squishy" Sambit nito habang patuloy na pinipisil ang aking pisnge.

I glared at him. "Fine, I'll stop" Inis na sambit nito na parang ako para ang may kasalanan.

"Half billion, Going higher-"

"Six hundred million" Sagot ng lalaki.

Napatingin naman ako kay Laken. "One Billion" Napasinghap naman ako sa taas ng price na sinabi ni Laken.

"Higher than billion? None?" Emcee looked at Laken. "Sold!" Pumalakpak naman ang nga tao.

Napatingin naman ako sa lalaking kumindat na papalapit sa amin ni Laken. Napahigpit naman ang hawan ni Laken sa kamay ko.

"Congratulations, Mr.Coleman" Bakas ang sarcasm sa tono ng boses nito. He looked at me and smile. "Hi there, I'm Lexeus Royvium Coleman" Napaawang naman ang aking bibig at tumingin kay Laken.

"Is he your brother?" I asked.

He nodded. "Sa kasamaang palad" Sagot nito at tumingin kay Lexeus. "What are you doing here? You have class tomorrow"

Napairap naman ito. "School is boring, Kuya" Tumingin ito sa akin. "What's your name?"

I smiled. "Morticia Uzla Eloise Surquez, Just call me whatever you want" Sambit ko sa mababang tono.

Ngumisi namak ito. "Can I call you mine?"

"How about, I call your girlfriend?" Nawala naman ang ngisi ni Lexeus at sinamaan ng tingin si Laken.

Napailing nalang si Laken. "See? Ikaw ang nangunguna Tapos ikaw ang pikon" Napairap naman ang kapatid nito.

Napatigil naman kami ng namatay ang ilaw. Ilang sigawan at tilian pa ang aming naririnig. Nanlaki naman ang aking mata ng makarinig ng mga putok ng baril.

"L-laken?" Tawag ko rito. Naramdaman ko naman na mayroong humawak sa aking braso. "Ikaw na 'yan, Laken?" Tanong ko.

Napasinghap naman ako nang hilahin ako nito. Hindi ko makita ang aming nadadaanan. Sigurado 'rin ako ng Hindi si Laken 'yon. Marahas at masakit sa braso ang pagkakahawak nito. Marami silang nakasunod sa amin.

"Ouch!" Daing ko nang halos madapa-dapa ako sa bilis nitong lumakad. Ilang sandali ay nakarating kami sa parking lot. Nanlaki naman ang aking mata sa nakita.

It's not Laken nor his Brother. Hindi ko ito kilala. Mayroon pa itong baril na dala ganon 'rin ang mag kasama nito.

"Sakay, Miss!" Sigaw ng isang lalaki. Tingin ko ay 'sya ang humihila kanina sa akin. Napadaing naman ako nang pilit ako nitong pinapasok sa loob ng sasakyan.

Nagpupumiglas naman ako. "Bitawan mo ako!" Sigaw ko rito. "Bitawan 'nyo sabi ako!" Halos pagkakalmutin ko na ang mga mukha nito dahil sa pagpupumiglas.

"Let go of my woman" Napatigil naman ang mga ito at napatingin sa nasa likod namin. Nanlaki naman ang aking mata nang makitang si Laken 'yon. Kasama nito ang mga tauhan 'nya.

Napadaing naman ako ng hilahin ng lalaki ang aking buhok. "Ito ba? Sa'min na 'to ngayon!" Tumawa pa ng nakakaloko ang mga ito. Napaluha naman ako nang mas diinan nito ang hawak sa aking buhok halos nananakit na ang anit ko sa labis na paghila nito.

Nanlaki naman ang aking mata nang sumugod sila Laken. Halos Hindi ako makagalaw sa aking nakikita. Palitan ang mga putok ng mga baril nito.

Hawak pa 'rin ako ng isang lalaki. Nagpupumiglas ako ngunit napahinto ako sa paggalaw nang naramdaman ko ang malamig at matulis na bagay sa aking leeg.

Akmang lalapit si Laken sa amin nang mas diinan ng lalaki ang kutsilyo na nakatapat sa aking leeg.

"L-laken" Tawag ko. Napakislot naman ako nang naramdaman ang tumutulong dugo sa aking leeg. Hindi 'yon masyadong malalim ngunit masakit.

"Sige,Lumapit ka! Patay ang babae mo!" Pananakot ng May hawak sa akin. Napahikbi naman ako. Alam ko, Mamamatay na ako. Ramdam ko ang kutsilyo na mas dumidiin sa aking leeg.

Dumilim naman ang anyo ni Laken. "Let go of my woman" Mariin na utos nito. Sunod-sunod ang luha na lumalabas sa aking mga mata.

Kung ngayon man ako mamamatay ay Hindi ko manlang natutupad ang aking mga pangarap. Hindi ko pa 'rin nakikita sila Mommy.

Ayoko pang mamatay.

Nanlaki naman ang aking mata nang itinutok ni Laken ang baril sa gawi namin. Napasinghap naman ako nang kinasa 'nya ito. Rinig ko 'rin ang kabog ng dibdib ko.

Kasabay ng putok ng baril ni Laken ay naramdaman ko ang pagtulak sa akin ng lalaki upang tumama ang aking ulo sa malaking bato. Napadaing ako sa sobrang sakit 'non.

Tumutulo ang dugo Mula roon. Naramdaman ko ang pagbigat ng aking mga talukap ng mata na tanda na bibigay na ang aking katawan. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng hilo at tuluyan ng nawalan ng malay.

Bago ako nawalan ng malay ay nakita kong mayroong humawak sa aking katawan. Nakita kong si Laken 'yon.





The Obsession Of Mafia Boss✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon