Chapter Two

11 4 55
                                    

Shuta sino 'yun?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Shuta sino 'yun?

"Hoy ano ba?!"

Masama ang tingin ko sa lalaking humihila sa akin.

Nakakaasar, ano bang trip nito?

Binitawan niya ako sa park kung saan wala ng tao.

"Problema mo?"

Blangkong ekspresyon niya ang sumalubong sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko.

Siya na naman?!

"May stain yung skirt mo."

"Ha?!"

"Bingi ka ba?"

"Shuta, hindi pwede." nagpapanic na ani ko.

Bakit hindi ko naalala? First week ng July ngayon.

Napasapak ako sa noo ko, tuwing first week ako nagkakaroon.

Halos hilingin ko na kainin na lang ako ng lupa sa kahihiyan. Hinalungkat ko ang bag ko at naghanap ng extra pad kaso wala akong nakuha, wala din akong dalang jacket anong gagawin ko?

Kagat labi akong tumingin sa lalaking nasa harap ko. Hindi naman siguro masamang manghingi ng favor diba? Isa lang naman eh.

"Uhm.."

"What?"

Nanatili akong nakatitig sa jacket na suot niya. Pwede ba siyang diretsahin na gusto kong hiramin ang jacket niya?

Napatingin siya sa suot niyang jacket ng makita niya na doon ako nakatingin.

"Oh!" hinubad niya iyon at inabot sa akin.

Kahit na nahihiya kinuha ko iyon at itinali sa bewang ko.

"Salamat."

Inirapan niya ako bago tuluyang iwanan sa kinatatayuan ko.

Nyenye, taray taray kalalaking tao.

Pinaglihi yata yun sa sama ng loob eh.

Hayaan mo na nga mahalaga pinahiram niya ako. Nakangiti ako na parang baliw habang naglalakad palabas ng school.

Sumakay agad ako ng tricycle at sinabi ang address namin.

Nagbayad muna ako bago bumaba.

"Salamat manong, ingat po!" ani ko.

Ngumiti si manong sa akin at kumaway. Ngumiti ako pabalik sa kaniya bago tumalikod at binuksan ang gate ng bahay namin.

"Nakauwi na ho ako!" sigaw ko.

Mukhang wala pa sila mama at papa, siguro nasa kwarto si kuya.

Binaba ko ang bag na dala ko sa sofa. Agad akong umakyat sa kwarto ko upang makapagpalit.

When We Suddenly Collide Where stories live. Discover now