Chapter Four

9 4 34
                                    

Lutang ako ng magising

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Lutang ako ng magising. Gusot gusot ang buhok ko, maputla ang labi at may malalaking bagahe sa ilalim ng mga mata.

Tulala akong nakipagtitigan sa kisame ng kwarto ko.

Napabuntong hininga ako kaya bahagyang gumalaw ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

Tinatamad akong bumangon dahil wala din naman akong gagawin sa araw na 'to.

Sa gabi naman ako nagaaral kasi mas productive ang utak ko sa oras na iyon.

Napabaling ako sa pinto ng kwarto ko nang may narinig akong kumatok roon.

"Nak? Gising na, luto na almusal." narinig kong sambit ni nanay.

Kinuha ko ang unan ko at niyakap iyon.

"Sige po, bababa din po ako."

"May bisita ka nga pala, kaibigan mo daw."

Agad akong napabalikwas at nagmamadaling kinuha ang towel ko. Tumakbo ako papunta sa banyo para maligo.

"Susunod na po ako nanay!" sigaw ko.

Mabilis akong naligo at nagbihis.

Nadatnan ko si Hannah na nakaupo sa sofa namin sa sala.

"Ang aga mo, anong meron?"

"Wala, wala akong kasama sa bahay kaya nag gala ako." aniya at nilipat ang channel ng tv.

Prente siyang nakaupo roon, akala mo siya ang may-ari ng bahay.

Tumabi ako sa kaniya at isinandal ang likod ko. Inaantok pa ako. Humikab ako at tinakpan iyon ng kamay ko.

Madalas naman tumambay si Hannah rito kapag sabado at linggo kaya hindi na ako nagulat. Pero ang pagkakaiba lang, dati tanghali na siya pumupunta rito kasi alam niyang tulog pa ako ng ganitong oras.

Bakit ang aga niya ngayon?

"May sasabihin ka ba?" tanong ko.

Ngumiti lang siya sa akin at pinatay ang tv.

"Kumain na muna kayo ng almusal mga anak." ani nanay ng mapadaan siya sa sala.

"Sige po, tara?"

Nagtaas ako ng kilay kay Hannah. Talagang ang kapal pa ng mukha niya makikain rito.

Pinanlakihan niya lang ako ng mata at tumayo na para sumunod kay nanay. Tumayo na lang din ako at sumunod sa kanila.

Tahimik akong kumakain sa hapag samantalang si nanay naman at kinakausap si Hannah.

"May boyfriend na ba 'yang alaga ko?" biglang tanong ni nanay.

Nasamid ako at napaubo dahil sa pagbara ng kinakain ko. Inabutan agad ako ni nanay ng tubig.

When We Suddenly Collide Where stories live. Discover now