Sabay kaming pumasok ni Hannah. Pinahiram ko na muna siya ng uniform ko, kasiya naman sa kaniya iyon dahil halos magkasing-katawan lang naman kami. Mas payat lang ako ng konti sa kaniya.
Muntik na nga kaming malate dahil tulog mantika ang kasama ko.
"Bilisan mo na, late na ako sa first class ko." saway ko kay Hannah na nagaayos pa ng buhok niya sa harap ng salamin.
Kanina pa siya nakaharap dun, hindi matukoy kung paano niya ilalagay ang clip na hawak niya. Matingkad din ang liptint na gamit niya, gumamit din siya ng powder na kahit minsan ay hindi ko nakitang ginamit niya.
"Wait lang, paano ba ilagay 'to?" nanatili siyang nakaharap sa salamin.
Inagaw ko ang clip sa kaniya at inaayos ng lagay sa gilid ng buhok niya.
"Tara na, mauubusan tayo ng tricycle."
Mabilis ang naging kilos ko, naamoy ko pa ang mabangong pagkain na niluluto ni nanay sa kusina. Ngunit wala na akong oras para kumain pa.
"Aalis na po kami nanay, nagtext na din po ako kala mama, babye po!" humalik ako sa pisngi ni nanay bago hinila ang braso ni Hannah.
"Papasok na kayo? kumain muna kay-"
Isinukbit ko ang bag sa balikat ko at binuhat ang librong dala ko.
"Hindi na po late na po kasi kami. Ingat po kayo rito."
Hinila ko na si Hannah palabas ng bahay sumigaw pa ito bago tuluyang makalabas.
"Salamat po nanay, una na po kami!" sigaw ni Hannah.
Pagdating namin sa school ay kakaunti na lang ang pumapasok. Private school ang pinagaaralan ko, may kamahalan ang tuition pero sila mama ang nagenroll sa akin rito kaya wala akong nagawa.
Tumakbo agad ako papunta sa building namin nang magkahiwalay na kami ni Hannah.
Nagtuturo na ang teacher ko, kumatok ako sa pinto at magalang na nagexcuse. Nagtanong pa ito kung bakit ako late, nagdahilan na lang ako na tinanggap naman niya.
"Late ka ah? Ngayon ko pa lang nakitang nalate ka." ani Nicole.
Pilit na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya bago tumalikod at mabilis na kinuha ang notebook ko sa bag ko para isulat ang nakalagay sa blackboard.
Mabilis ding natapos ang araw na iyon, bukod sa pagdagdag ng teacher namin sa schoolworks ay wala namang bago.
Maaga din kaming nakauwi ni Hannah dahil busy ang mga teacher sa seminar nila.
Pagkauwi ko sa bahay ay maaga kong dinatnan sila mama at papa, nandun din si kuya na marahil ay gabi pa ang pasok.
Agad akong lumapit kay mama at papa para magmano, hindi ako pinansin ni papa. Mapait akong napangiti.
YOU ARE READING
When We Suddenly Collide
Teen FictionThere's so many cliché story you might hear or you might read. What if there's someone you met in a cliché way? What would be your reaction? When the two person collide, Is it possible that their world changes? Started: 04-21-21