Chapter Twenty Seven

3.5K 104 11
                                    

Charm POV

NAALIMPUNGATAN AKO nang maramdaman ko ang paggalaw ni Thunder. Inaantok na minulat ko ang mga mata ko at tinignan ang digital clock na nasa bedside table. Alas dos pa lang ng madaling araw.

Sunod na binalingan ko si Thunder. Pabaling baling ang ulo nito at tagaktak rin ang pawis nito. At nang magmulat ito ng mga mata ay nabigla na lang ako ng bigla niya akong niyakap. Wala akong nagawa kundi ang yakapin rin siya pabalik. Sa tingin ko ay binabangungot siya kanina pero tungkol saan?

"Fuck! It came back hon." Hysterikal na ani niya habang yakap yakap ako. "It keeps on haunting me. Hindi ako pinapatulog ng pangyayaring 'yon."

I gently tap his back, trying to calm him down. "I'm just here."

Ilang minutong magkayakapan kami hanggang sa bumitaw ako. Bumangon ako para sana kumuha ng tubig nang biglang hinila niya ang braso ko sanhi para mapaupo ako sa kama.

"Dito ka lang, don't leave me"

I gave him a reassuring smile at dahan dahang tinanggal ang kamay niya sa braso ko. "Kukuha lang ako ng tubig. Babalik rin kaagad ako."

May pag-aalinlangan na tumango siya kaya nginitian ko ulit siya. Bumaba ako sa kusina at kumuha ng tubig saka bumalik sa kwarto ni Thunder. Nakatulalang nakahilig siya sa headboard kung hindi ko pa siguro siya tinapik, malamang nakatulala pa rin siya ngayon at wala man lang pakealam sa paligid niya.

"Ano bang napaginipan mo?" Tanong ko sa kanya matapos niyang ubusin ang tubig na binigay ko sa kanya.

"It was the usual. Nung namatay ang mga magulang ko." Sagot niya at binalingan ako, "But you know what's worst? Napaginipan ko 'yong araw na muntik ka ng mawala sa 'kin. I was scared Charm. Natatakot akong balikan 'yon."

Unexpectedly, a lone tear escaped from his eyes. Mabilis ko namang pinunasan 'yon at niyakap siya. Seeing him cry, it makes my heart aches. Ayoko siyang umiyak at masaktan dahil doble ang epekto nun sa 'kin.

"Hindi naman ako mawawala hon. Dito lang ako. Nangako ako sa 'yo, 'di ba?" I said assuring him na kailanman ay hindi ako mawawala sa tabi niya. "Kahit ipagtabuyan mo 'ko, kahit na ayaw mo na sa 'kin, pangako dito lang ako sa tabi mo. Hinding hindi kita iiwan."

"Hindi ko kakayanin na iwan mo 'ko Charm. I may sound like a lovesick fool but Charm I want you to be my last, I want you to be my lifetime." Aniya at tinignan ako.

Masuyong ngumiti ako sa kanya, "I also want you to be my last. Kaya pangako, gagawin natin lahat ng mga gusto mo. You want me to be your lifetime? Then be it!"

"Sigurado ka? Hindi mo talaga ako iiwan? Kahit anong mangyari?"

I sighed then smiled at him again, "Wala ka bang tiwala sa 'kin?"

Nag-iwas siya ng tingin at bumitaw sa pagkakayakap sa 'kin. Bumalik siya sa pagkakasandal sa headboard. "Hindi naman sa gan'on pero kasi natatakot ako. The moment I fell in love with you, my happiness already depends on you. You have the ability to destroy me at 'yon ang kinatatakutan ko kasi pa'no kung wasakin mo 'ko?"

"Kasi Charm, mahal na mahal kita eh. Pa'no kung iwan mo 'ko? S'an ko pupulutin ang sarili ko? I'm doing my best to be a better person for you pero pa'no kung dumating ang panahon na makahanap ka ng mas better sa 'kin. I'm filled with confidence pero pagdating sa 'yo, I'm losing all of my confidence."

Isang butil ng luha ang kumawala sa mga mata ko, it was a tear of joy. I'm overwhelm by his words. Hindi ko inaakala ko ganito kalalim ang nararamdaman niya para sa 'kin. Kahit na alam kong niloloko lang namin siya, alam ko sa sarili ko na totoo lahat ng mga sinasabi niya. Kita sa mga mata niya ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa 'kin.

His Stolen WalletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon