Chapter Four

13.9K 305 19
                                    

Charm POV

"Ano?!" Reak ko "Pakiulit nga Boss. Baka nabingi lang ako eh."

"Ang sabi ko simula ngayon pagsisilbihan mo nako. Tinagalog ko na para mas maintindihan mo." Bahagya siyang ngumisi sa sinabi niya. Parang namimikon ang mukha niya ang sarap niya tuloy tadyakan.

Pero jusmeyo! Anong maid pinagsasabi nito? Hindi niya ba alam na may trabaho ako? Trabaho kong mandekwat at hindi ko pwedeng itigil 'yon kasi hindi ko na masusustentuhan ang sarili ko.

Napapikit ako at tumingin sa kanya. "Teka lang Boss ah? Bakit biglang naging maid niyo ko? Hindi naman ako nag apply ah!"

"Hindi nga pero may utang ka sakin."

Napamewang ako. "At ano naman yun Boss? Wala akong natatandaang may inuta--"

"Ninakawan mo ko." Dinuro niya ang noo ko gamit ang daliri niya. "'Yon ang utang mo."

"Wala ka bang second option d'yan? Baka pwede namang bayaran ko na lang 'yong inutang ko?"

Potek! Ayokong maging katulong! Ayokong magsilbi at mas lalong ayaw kong magsilbi sa punyemas na lalaking 'to!

"Oh! Actually there's one." Aniya. Ngumisi siya at unti unting lumapit sa 'kin. Sa takot ko ay napaatras ako pero punyemas! Ang malas ko lang dahil pinto na itong sinasandalan ko.

Hindi ko tuloy mapigilang mapapikit habang papalapit ang mukha niya sa 'kin. Langhiya! Hahalikan ba ako ng demonyong 'to?!

"Pick, die or be my maid?" Bulong niya na ikinamulat ko ng mga mata.

Langhiya! Anong die?! Papatayin niya 'ko? Punyemas na kamalasan 'to! Naman oh! Ba't parang trip ko atang magwala ngayon?

"Maid na lang." Labag sa loob na sagot ko sa kanya.

Pasimple ko siyang inirapan ng lumayo siya sa 'kin. Psh! Ang sarap bayagan ng isang 'to. Pero nakakaawa ang magiging asawa niya, wala silang magiging anak so 'wag na lang.

Ngumisi ulit siya, "It's settle then."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumalikod na siya at naglakad palayo habang ako naman ay 'di pa rin makapaniwala sa narinig ko kani kanina lang.

Jusmeyo! Hindi ko hinangad kailanman ang maging maid! Hindi naman sa may galit ako sa mga maid dahil marangal naman 'yong trabaho pero kasi!!! Jeez! Ang ayoko sa lahat ay magsilbi sa ibang tao!

Hindi naman kami close ni Kuyang pogi para pagsilbihan ko siya. Hindi ko rin naman siya kaano ano.

Jeez! Anong klaseng gusot 'tong napasukan ko? Makakalabas pa ba ako neto? Jusko naman!

"'Yan! Katangahan self! Kung 'di mo sana pinulot 'yong wallet eh 'di sana nand'on ka pa sa plaza at nagaabang ng taong dedekwatan!" Pagalit kong sabi sa sarili ko.

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa kwarto ko kuno at nahiga na lang sa kama. Infairness malambot ang kama 'di tulad sa kama ko d'on sa kwarto na ilang langgaw na lang ang pipirma, magigiba na.

Nilibot ko ang paningin ko at medyo napangiti ako sa hitsura ng kwarto ko. Hindi naman kasing ganda ng kwarto ng prinsesa atleast desende tignan at yayamanin. 'Di tulad d'on sa kwarto ko noon na nakaplywood lang kaya rinig na rinig ang sigaw ni Aling Pasing kapag nagagalit ito.

Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga sa sitwasyon ko ngayon. Simple lang naman ang buhay ko noon, padekwat dekwat lang sa plaza ganun pero ngayon iba na.

Siguro kailangan ko na talagang tanggapin ang sitwasyon ko ngayon. Mukhang magbabagong buhay na ako.

'Lord kung ito man ang nakatadhana sakin. Eh 'di go! Kakayanin ko 'to. Saka lord pakimusta ako kila mama at papa. Pakisabi sa kanila na okay na okay ang kanilang napakagandang anak'

His Stolen WalletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon