Chapter One

23.5K 402 22
                                    

Third Person POV
Napabalikwas na lang ng bangon si Thunder nang muli na naman siyang dinapuan ng masamang bangungot. Ang bangungot niyang hindi siya pinatulog simula ng mangyari 'yon. Sampung taon na ang lumipas pero para sa kanya ay parang kahapon lang 'yon. Those memories are still engraved on his mind na kahit sa pagtulog niya ay hindi siya nito tinatantanan.

Napasabunot na lang siya sa kanyang buhok at inis na bumangon. Lumabas siya ng kwarto niya at bumaba sa hagdanan. Sakto namang pagbaba niya ay nakita niya ang kapatid niya. Papasok pa lang ito ng bahay.

"Inumaga ka ata." Bungad niya sa kapatid niya.

Ngumiti lang ang kapatid niya at tinapon ang katawan nito sa sofa. His brother smirked, "Madaming chicks bro eh. Kaya inumaga ako."

He shooked his head, "Napakababaero mo talaga Cloud." Komento niya at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig.

Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel saka siya nagsalin ng tubig sa baso na hawak niya. Agad niya naman itong ininom at saka nagsalin ulit.

"Binangungot ka na naman ba bro?" Rinig niyang tanong ni Cloud na hindi niya namalayang nakapasok na pala sa kusina.

"Wala namang bago d'on." Kibit balikat niyang sagot at binalik sa ref ang pitsel.

He then tapped Cloud's shoulder, "Una nako bro." Paalam niya at naglakad pabalik sa kwarto niya.

Nang makahiga siya ay agad na bumalik sa alaala niya ang bangungot niya kanina. Hindi pa rin niya ito makalimutan. Hindi niya makalimutan kung pano naging bangungot ang magandang panaginip na 'yon. Masayang masaya sila lahat nun pero lahat ng ngiti nila ay nabura ng bigla na lang sumabog ang sinasakyan nilang yate.

Ang huling naalala niya lang d'on ay ang duguang mukha ng mga magulang niya at nagising na lang siya na wala na ang mommy at daddy niya. Hindi ito nakaligtas sa pagsabog. Tanging sila na lang. Pati rin ang mga tita at tito niya. Tanging mga anak na lang nito ang natira.

They're too young to experienced those. Napakabata pa nila para masaksihan ang pagkamatay ng mga magulang nila. Kaya hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin siya ng bangungot na 'yon. Hindi pa rin siya makamove on sa mga nangyari. Hindi niya nga alam kung bakit pa siya humihinga pa ngayon. Maybe the reason he's still fighting for his life is because of his brother and his sister.

Ito na lang ang natira sa kanya at bilang panganay tungkulin niyang alagaan ang mga kapatid niya kasama na d'on ang pagkuha ng hustisya sa pagkamatay ng mga magulang nila. Kung hindi niya man makuha ang hustisya gamit ang batas, ilalagay niya ang batas sa mga kamay niya.

He promised his self that he will find those rascals who killed his mom and dad. Hindi siya matatahimik kapag hindi niya napapatay ang may gawa nun at 'yon ang gagawin niya. He will kill those motherfucker at uubusin niya ang mga angkan nito. Wala siyang ititira ni isa. He will not show mercy like they did. Pasensyahan na lang talaga sa buong angkan nito.

Charm POV
Pagod na pinunasan ko ang pawis ko sa noo. Kanina pa ko naglalakad para maghanap ng bibiktimahin ko pero wa epek! Wala akong makitang taong dudukutan ko. Langhiya!

"Pagod nako! Ang init pa." Bulong ko habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang sarili kong kamay.

Umupo muna ako nang may madaanan akong bench dito sa may mini park. Napabuntong hininga na lang ako at wala sa sariling napatingala sa building na nasa harapan ko lang. Napakataas nun at napakatayog. Paniguradong malaking kumpanya ito.

"Devoncore Empire." Basa ko dun sa nakalagay sa taas. "Naks! Lakas maka empire ah!"

May hiring kaya d'yan? Kahit janitor lang papatusin ko na. Napakagara kasi ng kumpanya kaya nakakaproud talaga kapag isa ka sa nagtatrabaho d'on. Plus regular pa ko, hindi ko na kailangang mandekwat ng nga tao kung sakali.

His Stolen WalletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon