Chapter Two

16.4K 330 50
                                    

Charm POV
Pabalik balik ang lakad ko habang kagat kagat ko ang kuko ko. Mannerism ko na atang mukbangin ang kuko ko habang nag iisip o kinakabahan ako. Punyemas naman kasi!

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ng mga magnanakaw na iyon para kunin yung kaisa isang picture ko na pinaframe ko. Ano yun? Gandang ganda sila sakin kaya kinuha nila? O 'di kaya gagawin nilang souvenir bilang pag alala na isa ako sa nanakawan nila? Punyemas!

"Self? Bat ayaw mong kumalma?" Pagkausap ko sa sarili ko. "Ganyan ka talaga ka affected sa picture na 'yon?"

Napasabunot na lang ako sa buhok ko nang unti unting gumapang sa systema ko ang kaba. Ba't ba ako tinamaan ng kaba ngayon? Ano 'to?

Jeez! Gabi na at eto pa rin ako nagiisip pa rin ng dahilan. Ayaw tumigil ng utak ko kakaisip ng dahilan. Jeez! Apektadong apektado ang utak ko na para bang naghahanap siya ng dahilan kung bakit ako iniwan sa ere ng walang paalam.

"Self naman! Huwag huhugot okay?" Pagkausap ko sa sarili ko.

Nang ayaw talaga magpa awat ng isip ko ay nagbihis na lang ako at lumabas ng kwarto ko para maghanap na naman ng madedekwatan. Kailangan kumayod dahil ninakaw ng mga pesteng 'yon ang pera ko.

Pasipol sipol pa ako habang papalabas ng gate. Pumara ako ng jeep at nagpahatid sa may plaza. May night cafe kasi ngayon kaya malamang maraming tao na naman ang nandun sa plaza. Malaki ang tsansa ko na may madekwat ako.

Inayos ko muna ang suot kong hood bago ako sumuong sa napakaraming tao. Naging malikot na ang mata ko at naghahanap ng wallet na madedekwat pero sa kasamaang palad wala akong makitang wallet. Puro cellphone ang nakalagay sa bulsa na nasa likod ng pantalon ng mga tao ngayon. Hindi naman ako nandedekwat ng cellphone kasi ayaw kong magbenta ng mga ganun. Natatakot ako baka mamaya matrace ako eh 'di tsugi ako. Mas mabuti na yung wallet kasi hindi traceable .

Wow! May alam ka pa lang word na ganun self?

Lumipas ang isang oras wala pa rin akong nadedekwat. Napapagod na ang paa ko sa kakalakad. Akala siguro ng iba madali mandekwat. Jusko! Kung alam rin nila na nahihirapan rin kami.

Palinga linga ako at may nakakuha ng atensyon ko. May isang lalaki na palinga linga rin katulad ko at tila ba may hinahanap. Bumaba ang mata ko sa suot niyang pantalon at napangisi ako ng makitang medyo nakikita ang wallet niya kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya.

Nang makalapit ay binanga ko siya at mabilis na kinuha ang wallet niya. Napatingin siya sakin kaya tumingin rin ako sa kanya. "Sorry po"

Hindi niya ako pinansin at bigla bigla na lang umalis. Napangiti ako at pasipol sipol ulit na umalis sa plaza. Once kasi na may nadekwat ako agad akong umaalis kasi ayaw kong mahuli. Medyo matalino rin naman ako kahit papaano. Kahit high school graduate lang ako no!

Naglakad lakad lang ako hanggang sa nakarating ako sa isang park. Tahimik na ito at walang katao tao.

"Tanga ka rin minsan self. Paanong di tatahimik eh walang tao?" Pailing iling kong kausap sa sarili ko.

Nilibot ko ang paningin ko at nakuha ng attensyon ko ang isang lalaking nakaupo sa bench. Nakapamulsa ito at naka corporate attire pa. Naks! Mukhang yayamanin si Kuya ah!

Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinagtuonan na lang ng pansin ang wallet na nadekwat ko. Tulad ng kanina marami rin itong perang nakapaloob at may mga card rin. Naks! Mukhang pinaulanan ako ng swerte ngayon ah!

Sunod kong tinignan ang cellphone na hindi ko namalayang nakuha ko rin. Sa tingin ko pa lang ay alam kong mamahalin ito. Nakita ko na 'tong cellphone na 'to sa mga mall at halos gusto ko ng mahimatay sa sobrang mahal ng presyo. Nakakawala ng ulirat ang presyo ng cellphone na ito.

His Stolen WalletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon