Chapter Thirty Five

3.5K 106 20
                                    


Third Person POV


NAPASULYAP SI Charm kay Thunder na tahimik lang na kumakain. Dalawang araw na itong ganito matapos ang pag-uusap nila sa veranda. Napapraning na siya sa pananahimik nito. Pakiramdam niya tuloy ay ayaw ni Thunder na nandito siya, na nandito siya sa tabi nito. She feels unwanted every time he avoids her.

She wants to confront him, to ask him what's the problem. She wants to talk to him pero sa tuwing tinatanong niya ito kung ayos lang ba sila ay tanging simpleng 'ayos lang' ang natatanggap niya. At hindi naman siya bobo para paniwalaan 'yon. Alam niyang may mali eh! Ramdam niya at sana naman ay hindi 'yon tungkol sa pagpapanggap niya.

Masyado pa siyang emosyonal ngayon. She still mentally unstable, she can't take heartaches anymore. It will be too much for her. Ni hindi pa nga siya nakakamove on sa pagkakawala ng mga bata. She have too many on her plate now. She can't afford any additional heart shattering events.

Kaya sana naman ay sinusumpong lang si Thunder kasi hindi niya na talaga ang gagawin niya kung pati ito ay mawala sa kanya. Si Thunder na lang ang meron siya. Ito na lang ang nand'yan para sa kanya. So just she can't lose him! Hindi niya kaya kung pati ito ay mawala pa sa kanya. Baka mabaliw lang siya.

Alam niyang mali pero hinihiling niya na sana ay hindi na tuluyang maalala ni Thunder ang mga nawalang memorya niya. Sana ay manatili na lang itong gan'on. She's aware that she's being selfish but just this time, sana naman ay hayaan siya ng tadhana na magpaka-selfish.

"Sure ka ba talagang ayos lang tayo?" Tanong niya ulit kay Thunder habang papalabas ito ng dining area. "Parang nag-i-iba ka kasi eh. Nag-usap na naman tayo nung isang araw, 'di ba?"

Thunder shrugged and didn't even turned to face her. Naglakad siya papalapit dito at tumigil sa harapan nito, "Ano bang problema?" She asked once again.

"There's none." Sagot nito, bakas sa boses nito ang inis. "Why? Do you want to make one?" Dagdag nito na para bang hinahamon siya.

Kaagad siyang umiling, "Hindi." Mahinang sagot niya saka nagbaba ng tingin. Hindi maiwasang masaktan sa malamig na pakikitungo ni Thunder sa kanya.

Hindi muling umimik si Thunder at nilampasan lang siya na mas lalong ikinabigat ng dibdib niya. Wala siyang nagawa kundi ang pagmasdan ang papalayong bulto nito. Ramdam na ramdam niya rin ang malamig na aura na nakapalibot sa binata.

Isang butil ng luha ang kumawala sa mga mata niya nang tuluyan itong mawala sa pangin niya, "Walang kasiguraduhan ang mga pangako mo pero panghahawakan ko 'yon kasi ikaw na lang ang meron ako eh." Bulong niya sa hangin.

Bagsak ang balikat na umakyat siya sa taas at pumasok ulit sa kwarto nila. Padapa siyang nahiga sa kama at tahimik na iniyak ang sama ng loob niya. Ngunit kaagad rin siyang napatigil nang marinig niyang bumukas-sara ang pinto. Nang tignan niya 'yon ay iniluwa nun si Cloud na mugto ang mga mata, halatang galing lang sa kakaiyak.

Bakas sa mukha nito ang lungkot at bakas rin na ilang oras rin itong umiyak. Halos lahat naman ata sila ay mugto ang mga mata maliban na lang siguro kay Thunder. Masyadong naging masakit ang impact ng pagkamatay ni Alex sa kanila. Naiintindihan rin naman 'yon ni Charm dahil hindi talaga madaling tanggapin ang pagkawala ng taong malapit sa 'yo, lalong lalo na at tinuturing nila Cloud si Alex bilang sariling kapatid ng mga ito.

"Kamusta? Ayos ka na ba?" Sa kabila ng sakit na nararamdaman niya ay nagawa niya pang itanong 'yon kay Cloud.

How ironic. Wasak rin naman siya. Hindi rin naman siya okay pero heto siya, tinatanong si Cloud kung ayos lang ito.

His Stolen WalletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon